Secure Your Copy ABNKKBSNPLAKo?! (Mga Kwentong Chalk Ni Bob Ong) Articulated By Bob Ong Available Through Volume

on ABNKKBSNPLAKo?! (Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong)

pangatlo kong libro na isinulat ni Bob Ong,

Third year high school ako noong marinig ang pangalang Bob Ong, Hindi pa ako noon interesado sa mga tagalog na libro dahil alam naman natin na mas pinahahalagahan ng marami satin ang wika ng mga banyaga at isa na ako sa mga iyon.
Kaya eto tumanda ako at nakuhang gumradweyt sa kolehiyo ng di man lang nababasa ang libro na nauukol sa mga magaaral na tulad ko.


Ito ay isang libro na nagbibigay pugay sa lahat ng klase ng magaaral at guro.
Kung titignan natin ang klasipikasyon ni Bob Ong sa mga uri ng estudyante eh nabibilang siguro ako sa mga taong tinatawag nyang Guinness o recordholders.
Mga taong namumuhunan sa tiyaga at sipag mapunuan lang ang kakulangan sa talino at sa subject na matematika ko inaplay ang katangiang ito.


Nakakatawa, makabuluhan at nakakaaliw, yang ang masasabi ko sa librong ito, Nakakatawa dahil makakarelate ang kahit sino man ang makakabasa nito, Makabuluhan sapagkat lahat ng bagay ay base sa katotohanan at layon ng librong ito na mamulat tayo sa tunay na depinisyon ng pagaaral at edukasyon.
At ang huli, nakakaaliw sa kadahilanang nabasa ko sya nang hindi man lamang nakuhang mabagot o magsawa sa libro.
Palibhasa'y satirikal itong babasahin kaya epektibo ang humor ng libro,

Tumutukoy ito sa realidad ng buhay maging ang kabuuang konsepto ng edukasyon, Ito ay ang mga responsibilidad ng magaaral at guro, impluwensya ng mga guro sa kanilang estudyante at ang buhay sa labas ng eskweahan.
Makikita rin natin kung paano inihambing o ipinagkaiba ni Bob Ong ang salitang schooling at education at sa tingin ko eh pinakaangkop dito ang kasabihang "Experience is the best teacher dahil ayon sa libro ay mas maraming syang natutunan dahil sa kanyang mga kakaibang karanasan sa buhay.
Sa mga karanasang ito rin siya namulat sa tunay na kagandahan at kabuluhan ng pagpasok sa eskwelahan.


Bakit ba napakarami sa atin ang hindi nagbibigay ng interes sa pagaaral Bakit ba napakahirap magsumite ng takdangaralin Bakit ba kailangan magcram kung may palugit naman na ibinibigay sa atin Bakit nga ba mahirap maging estudyante Pero naisip ba natin kung gaano kahirap ang maging isang guro Hindi ko alam.
. . pero ngayong nabasa ko na ang librong ito sa tingin ko ay sapat ng idea yoon para sabihing "mahirap nga ang propesyon na iyon".
At saludo ako sa lahat ng mga naging guro ko mula day care, elementary, high school maging narin sa college.
Mabuhay kayo Sir and Ma'am!


Sa libro ni Bob Ong na ABNKKBSNPLAKo ipinamalas niya ang kagalingan niya sa pagsusulat sa pamamagitan ng pagsusulat ng isang libro kung saan nakaukit sa bawat pangungusap lahat ng pangarap, kamalian, katanyagan, masasaya at hindi masayang karanasan sa loob at labas ng eskwelahan bilang isang estudyante, kaklase, anak, kaaway, kaibigan, kabarkada, guro at bilang isang tao.
Nakasaad dito ang pagiging buhayestudyante ni Bob Ong habang siya ay nasa elementary pa lamang hanggang sa siyay nakatapos ng mataas na paaralan at kolehiyo.
Mababasa rin sa librong ito ang mga posible at imposibleng nangyari sa buhay ng isang estudyante, May mga mababasang kasabihan tungkol sa pagaaral mula sa mga tanyag na tao na kung susuriin mabuti at lalawakan ang kaisipan ay makakabuo ka ng isang kahulugan sa mga kasabihang ito kung saan pinapakita ang totoong estado ng ating pamumuhay bilang isang estudyante.
Tulad ng isang normal na estudyante, sa elementarya naranasan ni Bob Ong ang pinakasimpleng mga problema na kung saan para sa atin noon ay napakahirap at napakakomplikado na ang mga laruan.
Naranasan din natin ang pagalitan ng mga guro sa hindi natin maintindihang kadahilanan, Si Miss Uyehara ang guro doon ni Bob Ong kung saan sa kaunaunahang pagkakataon ay pinalo siya sa hindi rin niya alam na kadahilanan.
Isinalaysay niya sa mga unang pahina ang istura ng playground o palaruan ng mga elementaryang estudyante kung saan madalas ay nagiging Junior Divisoria ang labas ng kanilang paaralan dahil sa mga nagkalat ng tindahan at kung anuanong tinda ng mga tindero at tindera.
Sa Hayskul naman o mataas na paaralan nabunyag muli ang mga bagay na kadalasang ginagawa ng mga estudyanteng nagbibinata na at nagdadalaga.
Dito nakasaad ang mga kalokohan ni Bob Ong noong hayskul pa lang siya na aminin man natin o hindi ay mahirap talagang iwasan dahil ang hayskul ay isa sa mga pinakamasarap na parte ng iyong buhay dahil dito mo nakikilala ang mga totoong tao sa totoong buhay mo na kailangan mong harapin.
Nakasulat din na hindi talaga maiiwasan ng mga estudyante na bigyan ng alyas ang mga gurong kinaiinisan nila.
Pagpasok naman ng kolehiyo ay tulad ng karamihan sa atin, ang akala nila ay magiging madali pero akala lang nila yun.
Maraming tinahak si Bob Ong noong siyay papasok pa lang ng kolehiyo, nakasulat sa libro niya na hindi madaling makapasok sa isang unibersidad at hindi rin madaling makalabas lalo na kung wala kang pagpipilian.
Malaking malaki ang ipinagkaiba ng Hayskul sa Kolehiyo, kung sa hayskul ay pinakamasayang parte ng buhay estudyante mo, sa kolehiyo mo mararanasan ang pinakamahirap ngunit malayang parte ng buhay estudyante mo at depende na lang sayo kung saan mo itutungtong ang sarili mong mga paa.
Base sa nakasulat sa libro ni Bob Ong ay hindi naging madali para sa kanya ang kolehiyo dahil dito niya nalaman at sa kolehiyo siya nagising na hindi palaging piyesta.
Dito nasubok ni Bob Ong ang katatagan niya sa pagaaral, dito huminto panandalian ang buhay niya at umusad pa rin dahil na rin sa determinasyong angkin at sa tulong ng kanyang pamilya na kailanman ay hindi binilang at pinagtawanan ang mga pagkakadapa niya sa tunay na buhay na hinaharap ni Bob Ong.
Dahil sa hindi inaasahang pagkakataon ay naging guro sa Computer si Bob Ong sa hayskul, Dito nasubok ang kanyang pasensiya pagdating sa pagtuturo, Naging ganado rin siya sa pagtuturo dahil alam niyang nakakapaghatid siya ng kaalaman sa mga batang tinuturuan niya.
Sa pagiging guro rin niya nasagot ang mga katanungang matagal nang bumabagbag sa kanyang isipan, Nalaman niya na mahirap talagang maging guro at makuha ang respeto lalo na kung sa isang tulad niya na hindi gaanong sanay na humarap sa mga taong nakapalibot sa kanya.
Sa pagtuturo niya nalaman na marami pala talagang mga bagay na naituturo mo sa isang estudyante bukod pa sa mga nakasulat sa mga kwaderno nila at lesson plan mo.
Ganoon din naman ang mga estudyante, kahit hindi pa propesyunal ay may naituturo silang mga bagay sa kanilang mga guro nang hindi nila nalalaman.
Isinulat din ni Bob Ong ang mga uri ng estudyanteng nakaharap niya, Nandoon ang Clowns, Geeks, Hollow Man, Spice Girls, Da Gwapings, Celebrities, Guinness, Leather Goods, Weirdos, Mga anak ni Rizal, Bob Ongs at ang Commoners na hinding hindi mawawala sa isang klase.
Sa pagiging guro niya nasabi na ang pagtuturo ay isa sa mga pinakasagradong trabaho dahil hindi mo raw alam kung saan hihinto ang impluwensya mo sa mga magiging estudyante mo.
Naisaad din sa libro ang malaking kakulangan ng gobyerno pagdating sa budget nila sa edukasyon na talagang makakapagbukas ng iyong mata sa totoong pangyayari na mayroon sa bansa natin.
Nabanggit din ni Bob Ong sa bandang dulo ng kanyang libro ang pagiging tanyad at bayani ng sariling bansa ang mga guro dahil sa mga ginagawa nila upang makapagturo lang.
Pagkatapos ng dalawang linggo ay bumalik na ulit si Bob Ong bilang isang estudyante, Sa buod ng kanyang libro, masasabing talagang mahirap maging estudyante pero mas mahirap ang maging isang taong wala narrating dahil sa katamarang ipinakita sa pagaaral.
Isang dekada lang tayong magaaral at kung palalagpasin pa natin ito ay limang dekadang paghihirap ang kapalit.
Makakabalik tayo sa lugar pero hindi na sa panahon kaya dapat ngayon pa lang ay ayusin na natin ang pagaaral natin upang maging mas matuwid ang landas na maaari nating tahakin sa ating buhay.
OBLIGASYON KONG MAGLAYAG, KARAPATAN KONG PUMUNTA SA KUNG SAAN KO GUSTO, RESPONSIBILIDAD KO ANG BUHAY KO,
page

Bababa ba ang bill ko sa internet pag nagfactor ako ng quadratic trinomial Malulutas ba ng Laws of Exponents ang problema natin sa basura Mababawasan ba ng Associative Law for Multiplication ang mga krimen ng bansa Makakabuti ba sa magasawakung malalaman nila ang sum ang difference of two cubes Maganda ba sa sirkulasyon ng dugo ang parallelogram, polynomial, at cotangent Makatwiran bang pakisamahan ang mga irrational numbers Anak ng scientific calculator!
page

Naniniwala akong quitters never win.

page

May utak naman ako, pero pinili kong maging bobo,
page

Minsan pala kailangan rin ang lakas para sabihin na mahina ka,
ISA LANG ANG HINIHILING KO SA KANILA: ANG KARAPATAN KONG MADAPA AT BUMAGON SA BUHAY NANG WALANG TATAWA, MAGAGALIT, MAGTATANONG, O MAGBIBILAG KUNG ILANG BESES NA 'KONG NAGKAMALI AT ILANG ULIT AKO DAPAT BUMAWI.

page

Ang problema lang e nasa Third World Country tayo, kung saan sa pagkakaintindi ko ngayon, ay ma tatlong uri ng mamamayan: ang mahihirap, ang mas mahihirap, at ang mga makapangyarihang aoprtunista na may likha ng dalawa.

page

Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa, Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras,
page

Paano ko sila pasasalamatan kung ngayon ko lang naintindihan ang mga itinuro nila
page

Nakabalik ako sa lugar, pero di ko na naibalik ang panahon.

pageI read it in one sitting, this is a very short book but full of sense I described it as "short but meaty.
" I really enjoyed this book
Secure Your Copy ABNKKBSNPLAKo?! (Mga Kwentong Chalk Ni Bob Ong) Articulated By Bob Ong Available Through Volume
a lot because it's not only damn funny but heck I can relate to his story.
i studied in a day care when I was in kindergarten, I studied in a public elementary and high school.
Now I'm studying in De La Salle UniversityHSI and starting to feel the burden of college life though it's really fun to be in college.


I also believe in education shapes a society, I think this book will make us realize this more and be appreciative more to our teachers, classmates, parents, family and ourselves.


Read this book not only you'll learn something from it but also find yourself laughing while after reading you suddenly remember how your life was when you where in school.
“May tatutunan ba ko”

Read this out loud to my Filipino family, which really enhanced my experience! If the book was a breath of fresh air for me, it was a beacon of nostalgia for them.
Talagang magaling si Bob Ong! I remember I was depressed when I was reading this, . . I felt back then that everything wasn't working for me, So I went to the bookstore and looked for a book that could possibly make me laugh.
I chose this book because it was the book that most of my classmates have already read and enjoyed.
After reading a few pages, I find his anecdotes and descriptions amusing, I was pausing to laugh at each page, I can relate to him and it made me feel good, I think every Filipino middleclass will find familiarity to Bob Ong's books, Anyway, I never thought I would also find it inspiring,

Bob Ong was criticizing our society, but in a satirical manner, You laugh while thinking, "Yes, happened to me as well, " But in the back of your mind, you thought that, "it was so wrong, " There are so many things we can learn from this book, which I think every Filipino must read.
It influenced my perspective of how I look at life, education, happiness, success and my country, .