Secure Your Copy Pseudo Absurdo Kapritso Ulo Conceived By Ronaldo S. Vivo Jr. Accessible As Paper Copy
simula't sapul pa lang malaki na ang interes ko sa panitikang transgresibong Pilipino, Sino ba naman kasi ang hindi mauumay sa tila'y xinerox na tono at kinalamay na sentimiyento ng mga pa 'highbrow' na Pilipinong manunulat na, bagama't talaga nga namang mahusay at matatas, ay wala nang pampang na nararating maliban sa resikladong mga epipanya, at diyusko, mga 'eksperimentong' makasining na walang ibang gamit maliban sa patabain ang mataba nang selfesteem.
Sa kabilang banda, antiintelektuwal ang panitikang trangsrebibo, Ngunit hindi ito bobo. Ang locus ng transgresibong panulat sa Pilipinas ay nagmula sa periphery ng mga tinuturing na sentro ng intelektuwal na aktibididad, Labas sa saklaw ng mga institusyon at malalaking unibersidad ang karamihan sa mga nasabing panulat, Antiintelektuwal hindi dahil isinasawalangbahala nito ang intelektuwal na kapasidad ng ito ngunit dahil kinikilala nitong hindi lamang sa mga institusyon at paaralan lumalagi ang kaalaman, Umusbong nang walang kinalalang magulang, natutong mamuhay ang nasabing panulat sa kalsada,
Kaya naman nang naging maigting ang pangalan ni Norman Wilwayco dahil sa kanyang mga nobela, napansin kong umusbong kaliwa't kanan ang mga bagong mga manunulat na nagkaroon ng lakas ng loob upang ipakilala ang kanilang mga panulat na labas at hindi tanggap sa sagradong koridor ng panitikang Pilipino.
Ilan sa mga nabasa ko na ay ang Ang Kwento ng mga Supot sa Panahon ng Kalibugan, Pektus, at ilang mga zine/chapbook ng mga grupong may kaparehong panlasa.
Nito nga ay nabasa ko itong Pseudo Absurdo Kapritso Ulo or PAK U, una at sana'y hindi huling dyornal ng Ungazilization Press, Sa puntong ito, naging niche na ba ang genreng ito O higit na mas mahalagang tanong, maituturing na ba itong genre Kung genre man ito, pano ito naging transgresibo kung mayroon na itong mga sinusunod na mga patakaran, estetika at pananawsamundo wordlview Hayaan niyong ilahad ko ang aking mga pananaw sa nasabing dyornal at sa transgresibong panitikang Pilipino sa kabuuan.
Ultraviolence, at lagpas pa
Galing sa peysbuk ng Ungazilizalization
Naalala ko nung una kong nabasa ang Mondomanila at Gerilya, maya't maya ay napapatigil ako at napapausal ng 'tangina, ano to,' bago tatawa dahil sa tuwa.
Ganuon din ng mabasa ko Ang Kwento ng mga Supot sa Panahon ng Kalibugan, Marahil malaking dahilan na lumaki ako sa halos ganitong setting, kumbaga e maralitang lungsod, Malapit sa puso, sa pantog, Nga lamang, ipinagalala ko kung mauuwi ba ang panitikang ito sa fetishization, isa sa mga kinasadlakan ng mga pelikulang binansagang poverty porn tulad ng kay Brilliante Mendoza at nang karamihan sa mga independent na mga filmmaker.
Masusukat lang ba sa simpleng shock value ang panitikang ito mananatiling pagkaskas lamang at hindi pagbasag sa mga nanlilimahid na reyalidad ng tagpuang urban Manila
Sa intro pa lang ng Pak U "Iglesia ng Red Horse ng mga Disipulo ng Emp.
. ", pansin na agad ang estetika at ars poetica na mga manunulat, Ang proseso ng pagsulat ay hindi isang meditasyong romantika "romantic sensibility o konsiyus na paghagilap ng mga epifanya, Malinaw ang mga metapora: ang pagsusulat ay pagkasabog sa pagkasabog literal man o metaporikal lamang makikita ang tunay na itsura ng psyche ng tao, Tulad ng kinalulugarang lipunan ng isang manunulat na Pilipino, hindi malumanay ang sikolohiya ng tao batbat ito ng dahas, mabuway ang hunosdili, nanggigitata sa libog, Naalala ko bigla ang ideyang "systematic derangement of the senses" ni Arthur Rimbaud,
Sa pagdaloy ng mga pahina, mauulit ang mga temang wasak sa iba't permutasyon, Kung sa paghabi ng mga makatotohang arkitektura ng mga imahe, pinakamasinsin si Ronaldo Vivo Jr, Natunghayan ko sa "Catcher" ang isa sa mga pinakadugyot na eksena sa panitikang Pilipino medyo hindi nga lamang convicing ang ending hindi yata makatotohanan na kalagan ng nars ang isang pasyenteng may rabies maaring sadyang tanga lang ang nasabing nars o baka pagtuligsa rin ito sa estado ng edukasyon sa Pilipinas ewan.
Walang sinanto ang namamayaning bantot at lungkot sa " A Complex Esoterikrotik Reality," pinausad ng balintuna ang kwento mabigat ng luhang iniluha ni nanay matapos chupain ang anak, Sinong magaakala na magiging ganuon kalakas ang pagtulak na nagyari sa "RoomSixOThree:"
Oo putangina, sasabihin kuwentong barbero na naman, bola, talkshitan, Pero putangina, 'yon talaga ang nangyari, Sobrang bilis. Gano'n ang ikinamatay ng tropa naming si jake,
Hindi makatotohan, tokis, ngunit oo, ganyan namatay ang tropa kong si jake: isinulat ito na para lamang may nahulog na tuyong dahon mula sa matandang puno ng sampalok, at walang namatay na kaibigan.
Ito mismo ang makina ng black humor na nagpapagana sa nasabing kwento, Hindi na ito ang makalumang ultraviolence, Nagkaroon ng bagong dimension ang naratibo, hindi na ito purong reyalismo, Hindi ko akalain na magsasama ang ultrareyalismo at unreliable narrator sa maliit na dyornal na ito, Kaya naman nang humupa ang climax ng istorya at isang mahabang flashback ang naganap, walang sinumang may puso ang hindi kikibot sa nostalgia at kapanglawan pagkabasa ng ending na dukha sa sentimentalismo at kaartehan.
Lumabas kami ng room, May sumitsit sa aming likuran, Yung lalakeng sumalo kay jake,
"Shot tayo mga tol" anas nito,
Nagkatinginan kami ni jake,
"Leopoldo nga pala. Poldo na lang. " Sabay abot ng kamay n'ya sa'kin, nakipagkamay ako at nagapir naman sila ni jake,
Sabaysabay kaming bumaba ng hagdan,
Wika, salita, lagpas pa
Hindi na siguro kailang bigyangdiin pa kung anong uri ng lengwahe ang ginamit ng mga manunulat dito.
Malinaw ang formulang ito na ginamit sa "Batang Hamog," "Live Show," "Molotov" at sa halos lahat ng mga kwento, Ngunit marahil ay pansin ng marami ang iba'tibang 'dating' ng bawat kwento, tanda ng ilang paghulagpos hindi lamang sa mga formula't kumbensyon ng transgresibong pagsulat kundi maging sa kabuuan ng wikang Filipino.
Dream sequence ang moda ng "Sana Gisingin Ako ni Catherine" ni Danell Arquero, May pagkaWilliam Burroughs ang dating ng "Imbakero" surreal pero sadyang nakapanlalagkitanit, Nakakaaliw din ang wordplay. Bluetooth sex Isang galon ng kupal Magnetikjutes Palakpakan machine Pansin din pagiging burador nito automatic writing ba ito spontaneous writing Shot pa,
Isa naman sa mga paborito kong kwento ang "Molotov" ni Ronnel Vivo Magasawa ba sila ni Ronaldo Magtatay, Naalala ko ang mga parable o talinghagang nobela ni Jose Saramago, Bagamat payak ang pagkakabaligtad ng elemento satirical ang nais gawin ng kwento, nakakaaliw ang malinaw ngunit malikot na pagkakasulat, Sino ang hindi kikilabutan sa ending na ito:
Happy Ending para sa mga naaping elite,
Sa huli nagkantutan ang dalawang subdivision at agad agarang naganak ng ilang daang maliliit
na subdivision,
Ngunit hindi lang usapin ng mga device and technique ito, Pinakamatingkad, para sa akin, ang swabeng pagkagamit ng mga salitang balbal na tanda ng konsiyus na paghangad na mabigyang hustisya ang milieu na suburban, Batbat din ito ng neologismo at kakaiba, ngunit popular, na mga istrukturang gramatika anyare Mayroon pang bahid ng concrete poetry sa malikhaing paggamit ng typography:
Ng Mga Residenteng Elitista ng Pennesse Residency at ng mga Tauhan sa Demolition Team.
. .
Ng Mga Residenteng Elitista ng Pennesse Residency at ng mga Tauhan sa Demolition Team, . .
Ng Mga Residenteng Elitista ng Pennesse Residency at ng mga Tauhan sa Demolition Team, . .
Ng Mga Residenteng Elitista ng Pennesse Residency at ng mga Tauhan sa Demolition Team, . .
sinulid ng kabitkabit na mga simbulong pangmatetika
mga dayalogong nakabullet sa ibat' ibang mga character
Tsk, tsk.
Putangina! Hindi tayo napaghandaan ng mga elitistang 'to! sabi ng napakamot sa ulo na sheriff,
Chief! Anong gagawin natin Kaunti lang tayo tapos pusa lang ang dala nating makinarya, sila may buwaya at tigre pa! sabi ng hindot na nagmamagaling,
Tangina mo! Tumawag ka ng backup at magpadala ng artilleries! Sabihin mo magpadala ng isang dosenang lasergunequipped tank, ultra fast jet plane, yung mayroong plasma death ray, cloak machine at dagdag na tropa ng sundalo, pulis, navy, lahat na! Tangina mo talaga! Sabay ang pagdura ng malagkit at hinug na hinog na plema sa pagmumukha ng nagmamarunong na tauhan.
Napahindot ang nilapastangang pulis, Ngunit sa unconscious mind nya lang iyon nasabi, Tindig na tindig at posturang postura pa siyang nagsabi ng Yes sir! habang umaagos pababa sa kanyang mukha ang plemang tila isang linggong naimbak sa lalamunan, Nalanghap niya pa ang amoy nitong nakakasulasok,
at iba pang simbulo at emotikon, Sa kwento namang "Ilang Eksena sa isang CocaCola Commercial," na paborito ko rin, pinasok ni Ronnel Vivo ang teritoryo ng flarf at maiging bumuo ng isang piyesang kasingdumi ng panitikang transgresibo ngunit nagpapasilip din ng New Weird.
Kunsakali mang magkaanak ang transgresibo at ang barok na uri ng postmodern tulad ng kay Thomas Pynchon, "pagsanib ng lowbrow at high brow", at nagthreesome sila kasama ni Norman Wilwayco, ito siguro ang kalalabasan.
Sobrang ayos.
Sa tingin ko ay mahalaga ang aspetong ito, lalo na't pinatutunayan nitong buhay pa rin ang kagustuhan ng mga manunulat na ito na maghanap ng mga bagong midyum ng pagpapakilala ng kanilang kanikaniyang reyalidad maliban sa pagmumura, seksimo at iba pang kumbensyonal na technique sa transgresibong panitikan.
Pagmumura, malaxerex na lengwahe, mga typo error ikinagulat ko rin na kahit itong mga naituring nang SOP at palasak na sa ganitong panulat ay hindi rin susundin ng isang kontributor dito.
Mahinhin na black sheep ang piyesang "Obrang Maestra" ni Christian de Jesus, Tradisyunal ang pagkakwento nito, may pagka"Catcher in the Rye" ang moda at angas nito, lalo na't nasa first person pointofview ang kwento, May ilang mga punto kung saan tila nanenermon na ang narrator, Nangangamoy teen spirit kumbaga. Ngunit ang malaking ikinatuwa ko sa nasabing kuwento ang kung gaano kalambing ang wika nitong tila panghele ang pagkatatas, Kutson ang daloy ng mga pangugusap at parilala dito, na naging isang epektibong backdrop upang lalong maging matingkad ang mga hindi kaayaayang detalye, Naalala ko si Mishima. Lalo na ang kakabasa ko lang na Steps ni Jerzy Kosinski, Hindi tulad ng ibang kwento kung saan garapal at magaspang na agad ang wika, dahilan upang hindi maging masyadong nakakabigla ang mga marahas na mga eksena, matalas ang contrast ng payapa, lungkot at dahas sa kwentong ito.
Hindi naman pala kailangang nagmumura para maging transgresibo,
Ilang tala
Mayroong blog dito sa blogspot na sumubok na bigyan ng presensiyang online ang transgresibong panulat, Nakapagtataka lamang na kapag sinearch mo ang "transgressive fiction filipino" sa google, ang artikulong ito ni Marguerite Alcazaren de Leo ang unang lalabas, Ayon sa kanya:
Transgressive fiction is dying, But it isnt because the desire of todays writers to put forth as much sex and violence and whatever other form of depravity they can scrape off of our rank, tired cities in the name of catharsis has dwindled.
No. It is the opposite. Were choking on this shit, Those smelly little gems of pure adulterated Wrong that we had had to unearth from a few particular writersChuck Palahniuks blood and guts and shame floating to swimming pool surfaces, say, or Irvine Welshs nasty, creamy brown toilet stalls, or Hubert Selby Jr.
s gangrenous, holey heroind armshave become so profuse in todays literature that they have somewhat lost their luster, Throw some ultramegaextrahardcore pumping into your fiction or a beheading, curbing, doublepenetration, whatever, and realize that to see this scene register, to see it elicit shock and revulsion and maybe some of the more vomitrocious reactions from its readers, now takes a bit more wishful thinking.
Lifes a bitch.
Namamatay na raw ang transgresibong panulat, at tadah!pa nailathala ang article na ito, Kasalukuyang inactive ang nasabing blog, Nakapagtatakang ang mga kontributor sa blog ay mga kilalang pangalan na sa panitikan,
Sa kabilang banda, pinatunayan ng PAK U at iba pang mga manunulat na nabubuhay sa xerox at newpaper print na ang panulat ay hindi lamang nababase sa uso tulad ng fashion at musikang pop.
Lalo na sa transgressive fiction, hindi ito maiaanthologize, Hindi lamang absktraksyon ng mga ideyang pampanitikan ang pagsusulat, Higit sa lahat, nagmumula ang enerhiya nito sa mga kundisyong sosyal na bumubuo sa halohalo ng mga identidad sa kontemporaryong lipunang Pilipino,
Malaking pagkakamaling sabihin na ang pinakaesensiyal at pinakabuod ng rebelyon sa transgresibong panulat ay nasa maruming lenggwahe, sa walang patumanggang kabastusan hindi hamak na mas ungaz, bastos at brutal ang mga panulat ng libertino at ultrahindot na si Marquis de Sade panoorin din ang A Serbian Film para sa dagdag na kaalaman.
Hindi ito sa pabarubalan ng wika at paglilimbag ng mga imahe ng nakadirty finger na fetus, Higit sa lahat, ang pinakamalaking rebelyon ng ganitong pagsusulat ay ang walang takot na paglalantad ng sarili, ng baho, sa isang lipunan na dinodiyos ang ilusyon at saligutsot at pinupulubi ang mga nagnanais na itala ang kanilang dinemolish na haraya't karanasan.
Sa ganitong panulat, nangyari na ang rebelyon sa oras pa lang na binuksan na ang bilog at tumama na ang lapis sa papel, Saka tinapon sa malapit na tae ng aso,
Kung may makabasa man ditong taga PAK U, pasensiya na kung may mga harsh na shit, dapat objective e, Pasensiya na rin kung mukhang masyadong bootlicking hindi, ayos talaga yang journal niyo, gawa pa kayo isa, O dalawa. .