intro of my copy of this book is a vaguely sexist and homophobic rant trashtalking the movie and complaining about every little deviation from the original.
"They didn't understand it!" Hilariously, it predicts back inthat the movie would be forgotten as the years passed and it would eventually be viewed as a failed attempt to adapt the novel.
Found this funny because after reading the book, I was struck by how well the movie captured the spirit of the book: a simple but patient story with a clear structure of the main character's slow descent into tragedy.
It's short but very evocative if there's one thing I wish was portrayed more clearly in the movie, it's the poetic depiction of the constructed building, that annoying as it was to read kasi hindi ako makata added a depth to the backdrop of all scenes, showcasing the eventual result of the workers' collective effort.
The equivalent would likely be the movie's continuous usage of neon lights in nighttime scenes which conveys a related, but different effect.
Obviously, the book is very sad, Matagaltagal na rin akong hindi nakapagbabasa ng nobela kaya buti na lang na napasakamay ko ang nobela ni Edgardo M.
Reyes. Iba ito sa mga nobelang nababasa ko, Hindi ito umaanib sa tipikal na pagkwento na kinagisnan ng mga sumusunod sa prinsipyo ng Pormalismo at Romanitisismo at ito nga'y ineksplika ni Rogelio G.
Magtalas sa introduksyon: na umaanib ang nobela sa prinsipyong pampanitikan ng RealismoNaturalismo, Ang nasabing prinsipyo ay angkop sa pagkwento ng karanasan ng mga tauhan bilang mga nasa laylayan ng lipunan, kaya ganun ang plot ng nobela: wala masyadong nangyayari, walang foreshadowing at iba pa.
Bukod pa dito'y simple lang ang prosa, ngunit nakaaantig pa rin para sa akin pageturner ika nga.
Ang diyalogo ng mga tauhan ay isinulat sa kolokyal na Tagalog noong dekada sisenta na hindi ko masyado naintindihan sa simula ngunit sa pagbasa ko pa ay nagawi ko naman na ito.
Sana'y mabasa ito ng marami pang mga Pilipino, lalo na 'yong mga nasanay nang magbasa ng panitikang dayuhan.
Nirerekomenda kong basahin ninyo muna 'yong mismong nobela bago ang mga panimula't introduksyon nito kung meron man para 'di kayo maspoil kahit na napanood niyo na ang film adaptation nito ni Lino Brocka.
Hindi ko ugaling magsulat o gumawa ng pagsusuri tungkol sa aking mga nabasa dahil na rin siguro marami na akong nabasang kwento na katulad nito ngunit isa ito sa bukodtangi na nobelang tunay na nagandahan ako.
Mabilis ang transisyon at maraming laman na linyang tatatak sa isipan ang nasabing nobela, Mararamdaman mo rin ang tila naramdaman ng mga karakter sa istorya at masasabi ko rin na naapektuhan ako sa mga problema na tinalakay tungkol sa ating lipunan.
Dagdag puntos na rin siguro ang pagbanggit sa aking pamantasan doon sa kwento, Plano ko ring panoorin ang pelikulang hinango sa kwentong ito na idinirekta ng isa sa mga yumaong National Artist na si Lino Brocka.
Nakakalungkot isipin na hanggang ngayon ay nangyayari pa rin ang kalupitan at pagkawalanghustisya sa mga kapuspalad.
Tila wala na atang pagasa ang ating sistema pati na rin ang pagasenso ng mga maralita sa bayan na ito.
Mas nababaon, lalong nabubulok. Ganito na nga lang ata talaga,
"Sa hirap ng buhay neto'y isang malaking kasalanan ang maging masaya, " Edgardo M. Reyes
Anim na Bagay na Nagpapaalala sa Akin ng Nobelang "Sa mga Kuko ng Liwanag" ni Edgardo M.
Reyes
. Concrete Mixer
tyambahan lang kung makakita ng ganito, pero sa tuwing nakakakita ako nito, pakiramdam ko nasa tabi ko si Julio nakikinig sa paginog nito, na wari'y isang globo: kumakarugkogkutugkutugkutug kutugtugtugtug masining na paggamit ng wika.
. Kuwintas na Sampagita
sa tuwing nakakakita o nakaaamoy ako nito, nananariwa sa diwa ko ang katapatan at kabaitan ni Pol bilang tao, kaibigan, anak, at bilang umiibig.
Naging simbolo rin ito hindi lamang ng kagalakan, bagkus pati ng kamatayan,
. Gusali
tinuruan ako ni Reyes ng kung papaano hubaran ang isang gusali, Kaya sa tuwing pumapasok ako sa PUP, iniisip ko "Sino kaya ang mga nagpagod upang matayo ang mga gusali rito" kung hindi dahil sa kanila, wala ang mga gusaliwala ang PUPbaka hindi na ako nakapagaral.
Sa isip ko, nagpapasalamat ako sa mga nagtayo nito at maging kay Reyes,
. Construction Worker
sa arawaraw na pagsakay ko ng jeep, madalas akong may makasabay/makatabi na construction worker.
Agadagad namang kumukurot sa isip ko ang tanong na "Naranasan/nararanasan din kaya niya ang hirap/lupit/pagsasamantala na katulad ng ibang mga tauhan sa nobela ni Reyes" Sana hindi.
Sana hindi.
. Estero
hinatid ako ni Reyes sa makatotohanang mundo, Binigyan niya ako ng pagkakataon upang masilip ang kasaysayan ng mga lugar noon sa kamaynilaan, Kaya sa pamamagitan ng isang estero, naaalala ko kung gaano niya karungis isinalaysay ang mga lugar noon sa kamaynilaan.
. Kantang "Ligaya" ng Eraserheads
wala ang kantang ito sa libro, pero, sa tuwing naririnig ko qng kantang ito, naaalala ko ang isang tauhan sa libro: si Ligaya Paraisona kumatawan sa masalimuot na kalagayan at naranasan ng mga babaeng probinsyana na nakipagsapalaran sa Maynila noon at marahil nararanasan pa rin kahit sa ngayon.
Matapos kong basahin/dalumatin ang nobelang ito, hindi maitatanggi ng puso't isip ko na isa ito sa pinakamaganda, pinakamalaman at pinakamakabuluhang klasikong libro na naisulat ng isang Pilipino.
Hangga't may isang bagay na magpapaalala sa akin ng nobelang ito, marahil hindi ko ito malilimutan o ganap na malilimutan.
Muli't muli itong mananariwa at maglalayag sa isip ko, Hindi ako lulubayan nito hanggang sa malagutan ako ng hininga, ganoon kabagsik ang sipa ng librong ito sa akinBook para sa Agosto
Ito ang una kong libro mula kang Edgardo M.
Reyes, pero hindi ito ang unang narinig o napanuod ko ang kwento, bago ko basahin ang libro napanuod ko na ang pelikula nito.
Ang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" sa direksyon ng ating National Artist na si Lino Brocka sa screen play ng isang taong nagngangalang Del Mundo.
Nung napanuod ko ito sa YouTube oo tin'yaga ko yun sa YouTube sa bahay pagkatapos ung Orapronobis ang sinunod ko.
May parte dun na may nakalagay na galit na komento, at ang serye nito ang ang pamamakla ni Julio sa Maynila at kung saan nakitira sya sa isang baklang nagbebenta ng laman.
At ang nakalagay sa komento idinamay daw ni Brocka ang nobela ni Reyes sa kanyang kabaklaan sa pagdagdag ng mga ito.
Nung matapos ko ang nobela, marami ngang bahay na nawala at nagkaroon sa pagsalin nito sa pelikula.
Ang pagnakaw at sadya o hindi sadyang pagpatay sa isang tao sa nobela, ang pagtatalik nila Julio at Ligaya sa pelikula na tumagal ng halosminuto ata, ang pagsama ni Julio sa isang bakla at sa bahay nito.
Para sa akin maganda ang nobela at maganda rin ang pelikula hindi lang talaga maiiwasang ikumpara ang isang prosang nobela sa pampelikula.
May bagay talaga akong nagustuhan, ito ang mga tula na tila tanaga at metapora sa unahan ng mga chapter.
Sa kabuuan nagustuhan ko ang istorya, pero nabitin ako, bagamat hindi mabulaklak o wordy ang nobelang ito, tumbok na tumbok naman nito ang mga gusto n'yang ipadama sa iyo.
Pero bitin ako, gusto ko ng kasunod pa, Kaso ang ayosayos na ng wakas, napakasalimuot na kaya, . yaan mu na. haha.
Ang istorya ang ay umiikot sa paghahanap ni Julio sa kanyang lumisan na nobyang si Ligaya na Paraiso pa, na lumuwas paMaynila karagkarag ng isang babaeng rekruter.
Istorya rin ito ng arawaraw na pakikibaka ni Julio sa magulo at masalimuot na lungsod ng Maynila.
Kung saan babaguhin ng lungsod ang mga gawi niya at paguugali, dahil sa mga masalimuot na nangyari sa kanya rito.
Sa nobela mababanayad mo ang depinisyon ni Reyes sa Maynila, isang mabangis at magulong lungsod, isang lungsod na nangangako ng pagasa at kasawian sa kung sinuman ang susuong sa kanya.
Karagdagan
Sa nobela, makikita mo na talagang pinahahalagahan ng may akda ang edukasyon lalo na sa isang tao, dito hindi lang si Imo ang nag aaral, si Pol rin ay nag aaral, yun nga lang ay napatigil sya dahil sa kawalan ng pera.
"Kaya nga. Di ba no'ng araw pa, sinasabi ko sa inyo magaral kayo Kailangan sa taong gustong umasenso, may ambisyong mataas.
Pagmababa'ng puntirya mo, mababa rin tama mo" Imo
Meron pa sa nobela ang isang maikling kwento tungkol sa mga kontraktor.
. . matagal ko nang alam ang ganung sistema sa atin, taena, ang hirap ng ganun, At ang malungkot, halos kalahating daang taon na ang nakalipas ganun pa rin ang sistema, patuloy na nabubulok.
"Te'wan, ginigisa tayo sa sarili nating mantika"
Sa taongipinanganak ang nobela ni Reyes.
Kung bakit ba naman hanggang ngayoy ay kaparis na paghihirap ang danas ng mga manggagawa sa kasalukuyan sa kung paano niya naisalarawan ang hirap sa mukha ng mga anakpawis.
Kulang kulang animnapung taon na ang nakararaan, ngunit nasa parehas na kalagayan ang Julio sa nobela at ang mga Julio sa ngayon.
Palaging nakalalamang ang may kapangyarihan, magmula panahon ng kolonyalismo, hanggang sa panahon ng poon na sinasamba ngmilyong Pilipino.
Ang lala. Kasing linaw ng istilo ng pagsusulat ni Reyes ang katotohanan na hindi natapos ang kapalaran ni Julio sa panahon niya.
May naghihirap, at maghihirap pa rin na mga uring manggagawa, “Sa bawat latay, kahit asoy nagiiba, Sa unang hagupit, siyay magtataka, Sa ikalawa, siyas magiisip. Sa ikatlo, siyay magtatanda. At sa ikaapat, humanda ka!”
Ang nobela na ito ay tungkol sa isang mangingisda na lumuwas ng Maynila upang hanapin ang kanyang nobya.
Sa kanyang pakikiapagsapalaran doon, naranasan niya ang hagupit ng lungsod at ng sistema nito,
Ito ang unang nobela ni Edgardo M, Reyes na nabasa ko bagamat marami na akong nabasa sa kanyang maikling kwento noong hayskul e, g. Di Maabot ng Kawalngmalay, Lugmok na ang Nayon, Masasabi ko na ito na yata ang pumapangalawa sa Noli ni Rizal, Maganda ang pagkakasulat pero nagtitipid yata si EMR noong sinulat niya ito, Nabitin ako sa mga ilang pangyayari kaya di ko masyadong nasubaybayan ang paglilipateksena sa nobela, Ngunit ang mga salitang ginamit at ang pagalalapat ng simbolo at tayutay ay napakahusay, May pagkakataong humihinto ako sa pagbabasa upang sariwain ang mga pangyayari at namnamin ang bawat salita,
Makatotohanan ang paglalahad ng mga pangyayari kaya nagustuhan ito ng aking panlasa, Sinasalamin nito ang mukha ng lungsod na tinatapakan natin ang mga manggagawang balbal sa trabaho pero kinokotongan ng sweldo, ang mga maralitang dikitdikit sa eskwater na hindi man lang nakakain ng tatlong beses sa isang araw, ang mga taong kumakapit na lang sa patalim para mamuhay, at ang baluktot na sistema ng pamahalaan.
Pero binalanse ito ni EMR sa kanyang nobela sa pamamagitan ng karakter ni Imo na nagsumikap sa kanyang
pagaaral, at sa pagpatay ni Julio kay AhTek.
Sinisimbolo nito na kailangan nating kumilos at labanan ang diskriminasyon at pangaalipusta ng lipunan at gobyerno, Sinasaad din sa nobela ang tema ng pagkakaibigan, Ilan sa atin ang nakakalimot na pag nasisikatan ng pera, Ilan ang lumalaki ang ulo pag nakakaangat na ang buhay, Ngunit mayroon pa rin na sa hirap at ginhawa ay nandiyan, Mayroon pa rin na marunong tumanaw ng utang na loob,
Makikita natin na ito na ang mga nangyayari noong panahon pa ni EMRs yata niya sinulat ito.
Hindi ito exaggerated dahil magpahanggang ngayon ay nangyayari pa rin ito, Anim na dekada na ang nakararaan ngunit ganito pa rin tayo, Swabe! Di ko akalain na pwede ka makalikha ng obra gamit ang iilang pangungusap lang, Kakaiba ang istilo ni Reyes, hindi kombensyonal at madaling intindihin ang pagkakaayos nya ng salita, Hindi malalim, hindi mabulaklak ang salita, Wala nang review review, basahin mo to kasi Pilipino ka, .
Catch Hold Of Sa Mga Kuko Ng Liwanag Composed By Edgardo M. Reyes Provided As Digital Version
Edgardo M. Reyes