Secure Pambungad Sa Metapisika Illustrated By Roque Ferriols Paperback
sa pasimuno ng pamimilosopiya sa Filipino, ang Pambungad sa Metapisika ay isang aklat na naglalayong ipakilala sa magaaral ng pilosopiya ang larang ng
metapisika isang sangay ng pilosopiya na bumubuno sa kalikasan at balangkas ng talagang nangyayari at talagang totoo.
. . ang "meron".
Hindi ito isang pangkaraniwang aklat sa pilosopiya sapagkat hindi nito sinusunod ang tradisyunal na balangkas ng pangangatwirang pilosopikal tulad ng:
May hangganan ng buhay ng bawat tao "All men are mortal"
Tao si Sokrates "Socrates is a man/person"
C Kaya May hangganan ang buhay ni Sokrates "Therefore, Socrates is mortal"
Bagkus, inililibot tayo ni Padre Roque Ferriols sa isang makulay na pagmumunimuni tungkol sa pagpapakatao.
Kaya't 'di katakataka na magpahanggang ngayon unang nailimbag ang 'Pambungad sa Metapisika' noongay mayroon pa ring mga guro ng pilosopiya sa Pamantasang Ateneo de Manila na ginagamit ang aklat na ito bilang batayang aklat sa Pilosopiya ng Tao.
At medyo kasalanan rin ng librong ito kung bakit nagliliwanag ang mata ng bawat Atenistang natutong mamilosopiya sa Filipino sa tuwing babanggitin ang katagang "meron".
Meron.
Meron. Meron. Meron. :D Pambungad na libro sa pilosopiya gamit ang wikang FIlipino, nice : Magiging kapos sa katwirang ibuod ang pagbayo ng mga poetikot pilisopikong impresiyon, daluyong ng tilamsikdiwat pagaalabpuso, at sigabo ng sublimidad at kababaangloob na hatid ng pamimilosopiya rito ni Padre Ferriols huwag kang paniwala sa kapayakang pinapangako ng “Pambungad” sa pamagat itoy walang iba kundi agaran at taos na paglundag sa laot ng pilosopiyang aniyay dapat na isinasagawa.
Mula kay Platon, Sokrates, Kierkegaard, Heidegger, at mga eklektikong palaisip na gaya nina Schumacher, at Teilhard de Chardin, may sabayang hinahonbalasik ang pagsuyod ni Ferriols sa kanonigo ng kanluraning metapisika, di upang magtalat magkomentaryot maglagom lamang, bagkus upang tupdin ang isang kabighabighaning adhika itipon ang mga samutsaring kabatiran patungo sa kaisahan ng pinaka“bungang isip” ni Ferriols, ang Meron, na uliran para sa pangarawaraw at di lang pangakademikong pagiisip, pamumuhay, at pakikipagkapuwatao.
Sa loob ng mapagkumbabang aklat ay may nakatagong rubdob ng makaartsibo at mapanaklaw at masasabi pang matakaw na pagsuyodkasaysayan ng mayakda panimilosopiya na dinatatabingan ang likas na timyas at taginting ng kaniyang pinakakawiliwili sa mga kawiliwili na niyang kakayahan: ang pagkakaroon ng likas na diwang makata.
Roque Ferriols, S. J. has left his mark on several generations of philosophy students from the Ateneo de Manila University, Fondly known as Padre Roque to later generations of students, Ferriols can be credited with almost single handedly promoting the teaching of philosophy in Filipino.
More important and lasting, however, is his determination to impart the necessity of pagmumuni muni of genuine thinking on ones situation, to his students.
He has taught and still continues to teach at the Ateneo de Manila for thanyears, from sitelink here. Roque Ferriols, S. J. has left his mark on several generations of philosophy students from the Ateneo de Manila University, Fondly known as "Padre Roque" to later generations of students, Ferriols can be credited with almost single handedly promoting the teaching of philosophy in Filipino.
More important and lasting, however, is his determination to impart the necessity of pagmumuni muni of genuine thinking on one's situation, to his students.
He has taught and still continues to teach at the Ateneo de Manila for thanyears, from sitelink here. sitelink.