Access Ang ASO, Ang PULGAS, Ang BONSAI At Ang KOLORUM Picturized By José Rey Munsayac Presented As Mobi
kong magaral ng kasaysayan, Sa mga sosyopulitikal na aklat na nabasa ko, ito na yata ang pinakamabuti at exhaustive na naglarawan sa pakikibaka mula panahon ng Amerikano, hanggang panahon ng Hapon, hanggang ikatong republika.
Mistulang paglalapit ng Lipunan at Rebolusyong Pilipino ni Guerrero sa mga tao na wala namang inclination sa pagbabasa ng libro ng impormasyon sa kasaysayan, tuloytuloy at timelined, payak na walang emosyon.
Nagulat din ako nang kaunti na may lalaking lumang nobelista ng kaapihan na matalinghaga pero madulas din ang wika, Marubdob pero hindi melodramatiko na ikinatitisod ko sa pagbabasa kay Rogelio Ordoñez,
Napakahalagang basahin. Mahalagang ipoint out na pwedeng maunawaan dito ng mga tao na ang rebolusyon ang sa maliliit, hindi ang halalan, Laro ng makapangyarihan ang halalan, Pero maipapanalo nila ang halalan, kung hindi sinungaling at mandaraya ang kalaban, pero huwag din silang aasang ganap sila nitong mauunawaan at mapagbibigyan, Priyoridad nilang itataguyod ang angkan na mas madali nilang nauunawaan dahil may sariling mundo ang may kapangyarihan, malayo sa kargada sa buhay ng maliliit, Mahirap na nakakatakot isipin na maipagtatanggol nila ang kanilang sarili sa pagpapahirap sa sariling mga kamay, Mahirap at nakakatakot lang isipin, pero opsyon iyan na palagi nang nandyan para kanilang piliin kung tanong din nila, "Ano'ng sunod na gagawin natin" Marami na tayong nabasa tungkol sa mga bayani.
Alam nating lumpo si Mabini, Nagtinda ng abaniko't baston si Bonifacio, Chemical engineer si Antonio Luna, May mga sinulat na kuwentong pambata si Rizal, Maraming kasintahan si Del Pilar, Binitay si Sakay na may mahabang buhok, Nguni't alam ba natin ang pangalan noong mga sundalong nagdala ng duyan kung saan sumakay si Mabini Alam ba natin kung sinusino yong mga sundalong sumugod sa kamalig sa Pinaglabanan
Ito yong kuwento nila ayon sa mapaglarong
isipan ni Munsayac.
Ito yong kuwento ng mga lider ng mga katipunerong mangmang na kung lumagda ay ekis dahil di marunong sumulat, Kadalasan pagdating sa mga nobela't kuwento noong rebolusyong ng, ang mga bida ay ang mga bayani, mga pari o mga pamilya't sibilyang naipit sa digmaan.
Si Munsayac pa lang ang nakaisip na magsulat tungkol sa mga pangalawang hanay ng mga lider ng Katipunan,
At hindi lang basta sinulat na parang paglalahad ng kasaysayan, Masining. Masinop. Maalab. Buo ang kuwento at di mo titigilan ang pagbabasa hanggang dulo, Kung ang "EtsaPuwera" ni Jun Cruz Reyes ay tungkol sa isang pamilya na dumaan sa iba't ibang panahon ng mananakop sa Pilipinas, itong "Ang Aso, ang Pulgas, ang Bonsai at ang Kolorum" ay tungkol sa mga katipunero muna noong mabuo ang Katipunan noonghanggang sa maagaw ang lupang kanilang sinasaka noong panahon ng Amerikano.
Sila yong mga nagpatuloy lumaban kahit nadakip na si Aguinaldo sa Palanan noong, Kahit na sumuko ang maraming katipunerong kasapi ng mga burgis na kunwari'y totoong manghihimagsik sa Malolos, Sila yong mga gusto lumaban hanggang dulo makamit lang ang totoong kalayaan,
"Anong ang ating gagawin" yan ang tanong na maiiwan sa mambabasa, Sa dalawang tagpo sa aklat, yan ang tanong na di kayang sagutin ng mga mangmang na katipunero, Dahil kulang sila sa kaalaman, Dahil di sila nakapagaral.
Ngunit, kahit na dumaan ang isang daang taon, Kahit na tayo ngayon ay mga nakapagaral, Kahit na paano ay mulat tayo sa nangyayari sa atin paligid, yan pa rin ang tanong natin: "ano ang ating gagawin" Dahil wala pa rin tayong totoong kalayaan.
Naghahari pa rin ang gobyernong pinabaporan ang mga kapitalista, Pilipino man o dayuhan at mga naghaharing uri, Kayod lang tayo ng kayod pero sila ang nagpapasasa sa ating pinaghihirapan arawaraw, Oo nga't nakakaraos tayo, pero sa dulo, wala't wala rin, “Ang bansa natin ay parang mga halamang bonsai ni Kabesang Pakong, Hindi lalaki at bubulas dahil ikinulong sa maliit na paso at ang mga katawan at sanga ay tinalian ng alambreng tanso para mapasunod sa gustong hubog.
Ang paso at alambreng tansong iyon ay ang mga kasunduan na itinatali sa atin, Kaya bumulas man tayo, iyon ay pigil at hindi tunay na kaunlaran, ”
Kicking off Buwan ng Wika with this dense and powerful novel about the heroes we dont often encounter in our textbooks, “Mula at sapul, ang mahihirap ay ginagamit upang proteksiyunan ang interes ng malalaki at malalakas, ” Munsayac interweaves fiction and history, set in the early and turbulent years of the Philippine Republic, We follow a generation of ordinary peoplefarmers, village folkand their relentless pursuit of freedom from their colonizers and even from their own neighbors, Its level of storytelling ambition is up there with Rizals Noli and El Fili, Dare I say it even surpasses them to a degree just for its subject matter alone, .