
Title | : | WickedmouthUnang Putok |
Author | : | |
Rating | : | |
ISBN | : | - |
ISBN-10 | : | 9789719518822 |
Language | : | Tagalog |
Format Type | : | Paperback |
Number of Pages | : | 169 |
Publication | : | First published January 1, 2013 |
WickedmouthUnang Putok Reviews
-
It was a little before 12 midnight. My night lamp was on, I was lying comfortably in bed, my head elevated with my stacked pillows, and my face covered with a facial mask. I had the book in my hand with every intention to finish it before I call it a day. I just read through the first few paragraphs and already I was laughing, but since I had a facial mask on and my roomies were already sleeping, I did my damnedest to suppress my laugh -- bad call. The effort soon had me suffering from a coughing fit, my throat was burning, my eyes watering, and there was a big possibility I might have woken up my roomie. So much for trying to keep the noise down huh. This happened when I started reading the first book of one my favorite bloggers, Glentot of Wickedmouth, entitled "Unang Putok."
The book chronicles the adventures and misadventures of the author, including the colorful personalities in his life like his childhood friend, Khikhi, his aunt whom he likes to call, Sasha Fierce, his mom, Doris, Lola Siony, among others. If you are a fan of his blog, you will definitely love this book because it promises non-stop entertainment, which made Glentot one of the most popular humor bloggers around. The book is absolutely funny, wicked, naughty, a real page-turner, and will sure have you wishing that it didn't have to end.
Majority of the stories are new, while a few had been republished as they were previously posted on Wickedmouth. My absolute favorite is the story of his friend, Benjamin. No spoiler here so you gotta grab your own copy.
Go ahead, grab a hold of your own Unang Putok book, and when you do be sure to spread the happiness around. -
Hindi namang talaga ako madaling patawanin o paiyakin ng mga nababasa ko. Sus, sa dinami-dami ko nang nabasang nobela't kuwento, OA naman kung sasabihin ko na pagka-ganda-ganda ng librong ito ni Glentot at dapat ninyong basahin. Tsaka, ang tanda ko na (49 na ako this year) para magsabi na sobrang hagikgik ito o mamamatay ako ng katatawa. Ambabaw kaya non. Para lang akong nagmumurang kamatis at mabla-blind item na naman na nagmimistulang teenager sa mga sinasabi o sinusulat ko.
Kaya walang bola ito, ha? Pero talagang dito sa librong ito, ngumisi ako twice at tumawa ng mahina twice. Sa isang seryoso (hindi lang halata) na tao, mayroon pa rin naman akong di naa-outgrow na ugali: ang maging masayahin. Sabi nga nila, laughter is the best medicine. Kaya minsan pag may pinost sa FB (Facebook, ano ba) na kasama ko ay mga bata, parang di naman sobrang dalawang dekada ang agwat ko sa kanila. Siguro, palatawa lang ako at mahilig ng masasayang kuwento o makinig sa masasayang songs sa radyo at car stereo. Tsaka dapat medyo malayo-layo ang shot para di kita ang mga wrinkles ko. Eh syempre kaya nga pushing 50 na ako at mahal naman ang magpa-Belo kaya daanin na lang sa pag-smile.
Bakit nakakatawa ang librong ito? Unabashedly wicked. Green jokes. Walang pakialam. Parang may isa kang katropa na may acerbic na dila at sinasabi kung ano ang nasasaisip. Tapos di naman sya yong tipong katropa na lumaking namumulot ng garbage kundi isang college graduate din kaso galit sa conventional na style ng storytelling at gustong magkuwento sakto sa kung ano ang nasasa-isip nya. Yong tipong yong lumalabas sa bibig nya, di na nya na ini-edit. Tapos yong mga kawalanghiyaan nya noong bata pa naala-ala nya. Tapos walang patumanggang gusto nyang ikuwento kesehodang mabastusan ka o husgahan mo siya sa kanyang katampalasanan o kapilyuhan. Parang sasabihin lang niya: eh kasi ganoon ako noon e.
Malapit na yong sabi noong isang rebyu dito sa Goodreads: Bob Ong na green o brown. Idadagdag ko na lang: ... na ikinuwento ng isang bata pa. Yong experiences ni Glentot mas makaka-relate ang henerasyon ngayon. Kasi yong sa
ABNKKBSNPLAKo?! (3 stars), may mga nalalaman pang nutriban eh wala na yong ngayon. Dito mas nakakatawa ang mga jokes dahil hindi finilter ni Glentot. Parang kung anong nangyari, yong ang naisulat nya. Mas totoo, mas nakakatawa.
Glentot, hula ko lang: ikaw na ang susunod na Bob Ong. Magtatago ka na rin ba mula sa susunod na putok? -
Glentot
Wickedmouth: Unang Putok is a creative presentation of the persona, being the wicked and witty protagonist of his messy existence called life. Rarely that we notice that our life is a big mess that can be a subject for comedy, but the author had been observant enough and recalled details of his hilarious experiences. What made these entries different from a usual memoir is how it was delivered. Humor is at its best when timing is effectively employed---that made the difference.
The author’s humor left the context of slapstick style and made use of sarcasm instead. A lot of times, readers are left thinking of ‘what ifs,’ and reflecting on how they would deal with these things had they been on the same situation. This holds the reader until the very last page.
The style of ridicule and mockery is reflected all throughout. The use of expletives speaks of the author’s way to intensify the emotions included in every entry in order to bridge the gap between what is ideal and what is real. Ignoring the should’s of screening made the tone direct, realistic and downright personal, coming from a young adult that exists in everyone else. The consistent address to readers and the spontaneous out-of-the-blue thoughts that suddenly pop within an entry become ice breakers within the not-so-heavy text. Let me call those ‘commercial breaks.’
Illustrations are excellently done that they complement the writings instead of becoming mere dividers. They supplement the humor that is conveyed, making it more hilarious when your imagination is confirmed upon turning to the next page. They didn’t spoil nor overshadow the writings; instead, they came up with the precise portrayal of what’s going inside the readers' minds.
A real craft and a must-read. Kudos, Glentot and Sir Mots! -
THE BEST ang book na ito! hahagalpak ka sa kakatawa. Nkakabitin un book. ntapos kong basahin sa isang araw lang.. Waiting for Pangalawang Putok! hehehe. but for now mag back read nlng muna ako sa blog mo. sayang dme na nabura na posts..
Glentot si now one of my favorite Filipino authors kasi madami syang sinirang buhay pero kapupulutan mo nman ng aral yung mga istoryang sinulat nya. May moral lesson kumbaga. hahaha!
Keep it up! alam kong mgging successful ang Unang Putok! God Bless. :D -
Gaya ng inaasahan ko..the best ang book nto..pede nang pngtapat ky bob ong..green version nga lang hahaha..but i like it!..wala pa ring kupas c tita sasha fierce..para sakin xa ang stand out sa book nto!..miss ko na xa sa blog mo..sana mgkuwento kpa ng mga ganap nya..and looking forward sa 2nd book mo! Good job.
-
Nagdate kami ni bf sa SM North nung nakita ko ito, binili ko agad kasi alam ko na maganda yung laman nung libro, at hindi naman ako nagkamali. Lakas tawa talaga ako dito...! Favorite ko yung "Glenn Taba" and The Khikhi Ismael Experience. Kahit may pasok ako di ako natulog mabasa lang ang libro... hanggang sa office dala ko sya. Waiting for Pangalawang Putok!
-
Sulit much!
-
The Story's amazing as hell and Laughable as F*ck but It's very good for someone who has a huge sense of humor XD
-
ang dami kong tawa sa librong ito basta ang alam ko habang binabasa ko ito ay pinagkamalan na akong baliw ng pinsan ko :)
-
Nakakatawa. Nakakaaliw. Nakakatuwa. Kung may matututunan ka, 'yon ay dahil may maaalala ka.
Habang nagbabasa ka ng mga kwentong kagaguhan ni Glentot tungkol sa kanyang mga karanasa'y maaalala mo rin 'yong mga kagaguhan mo no'n. Do'n ka matututo (o matatawa), sa mga ginawa mong 'yongpilit kinalimutannaalala.
Sana lang imbes na nagpaka-play safe siya sa mga salita, ginamit na niya mismo 'yong mga eksaktong salita. Gaya ng titi imbes na etits o puke imbes na hiy*s. Mukhang tama nga 'yong sabi ng Prof ko rati sa Filipino, "kinukulong natin ang wika." Pero dahil impormal naman ang pagkakasulat, 'di ko na ipu-push 'tong pa-deep thought ni Prof. Puro kaanuhan din naman 'tong libro eh.
Nakakatawa 'tong libro. Para kang nagbasa ng comics na walang graphics. Sa sobrang wili ko nga sa pagbabasa'y 'di ko 'to naibaba't 'di man lang nagamit 'yong napakaganda kong bookmark.
Matapos mabasa ang libro, may tatlong naiwang tanong sa'kin:
1. Kailan nagiging masama o nakakahiya ang isang karanasan? Matapos itong mangyari, kung kailan mo ito naalala o no'ng mismong nangyari ito?
2. Maganda ba si Khikhi?
3. Nagjerjer na ba si Glenn Taba at Khikhi?
Sinulat ko 'to sa wishlist ko no'ng Christmas Party. Putek mukhang nahirapan 'yong nakabunot sa'kin dahil late nabigay regalo ko. Nag-alok pang perahin ko na lang daw. Pagkaabot pa sinabing "last stock" na 'yan. Mukhang last stock nga kasi ang dungis ng cover. Parang kasalanan ko pa tuloy na humiling ng isang bagay na gusto ko. Haha. -
I tried to like this book. I really did. But there's a certain demographic/audience for this and it looks like I'm not part of it. I didn't like this for the same reason that I don't click on every other video online that says "wahahaha laugh trip" or "watch Vice Ganda ________" or "buti nga sayo, gago". I didn't appreciate this for the same reason that I make sure I have my earphones on when in a PUV so I don't hear
insert-PUV-radio-station-hereDJs and their pick up lines. I couldn't jump into the bandwagon for the same reason I couldn't jump into our local TV's bandwagon. I get where the humor comes from. I know why it should be funny. I just wasn't laughing. My boss saw me reading it and said it was supposed to be funny so why did I look pissed? For the record, I always look pissed so I wasn't pissed. I didn't like the book, yes, but I didn't hate it either. The writing is raw. There was a time when I thought everything raw and contemporary was cool. I'm not that person anymore so I guess that was the problem.
In all fairness, the hardest part to publishing anything is actually writing it so I envy this guy for getting through that. Buti pa siya. At saka natawa pala ako sa part na: Ganyan ang boyscout. Laging handa. May dalang nanay. -
Na-intriga ako sa pabalat ng libro at nagtanong kung bakit at sinu-sino ang mga taong tila gustong sakmalin ang isang batang paslit. Banaag sa mukha ng mga tao ang galit, pagkainis, pagkamuhi at iba pang reaksiyong sinagot lamang ng pilyong ngiti ng batang paslit.
Ang unang putok ay pinagtagpi-tagping ordinaryong kuwento ng buhay ni Glenn mula sa mga taong nakasalamuha niya - mga taong nakaguhit sa pabalat ng libro. Ang mga pangyayari sa buhay niya na hinugot sa iba't-ibang sulok ng kanyang alaala ay kanyang matiyagang hinabi at isinalaysay sa nakakatawa, pilyo, mapanlait, at nakapambaba ng dignidad na pamamaraan. Sabi nga niya, ito daw ay naglalaman ng tunay na kuwento ng kabiguan, kahihiyan, kamalasan, katangahan, at kamunduhan.
Basahin ang buong review. -
Tawa ako ng tawa. Galing ni Glentot mag kwento, nakakaaliw. Lels.
Di ko lang gusto ung isang kwento na medyo slut-shaming ang dating (ung tungkol kay Angel), pero maliban dun, na kakatuwa lahat ng kwento. Lalo na adventures ni Glentot at Khikhi. Hahahahahaha. -
I've written a brief review of this book at the following link:
http://www.literateknolohitura.com/20...
Visit and let's discuss :) -
I think the author did his best. Kelangan ganyan ang simula, friend ko kasi sya dito, haha. Pero ayun, kulang pa. Sorry po. Siguro dahil medyo magkaiba kami ng humor ni Glenn. O dahil hindi ganun kaayos ang pagkakalahad ng kwento. Ewan, parang ganun. O dahil sawa na ko sa libro na blog entries ang laman. O siguro kasi walang pinatunguhan yung libro. O dahil hindi ako pinag-isip. Ewan. Anyway, I think he has potential. He has to find a brilliant way though to put his stories together.
-
nakakaumay ang mga obscene words.