Scan El Árbol De La Alegría (Southern Quartet 1) Formulated By RM Topacio-Aplaon Readable In Audio Books
really do love small hometown stories like this, Characters, histories, and secrets feel more charged, I also cant get enough of TopacioAplaons perspective, Every sentence is a revelation, And this book is supposedly an exercise to break free from convention,
But if anything, it feels like an early culmination of his craft as a storyteller, Theres just something about El Arbolgranted its only the first bookthat provokes more deep feelings in me than the Imus Novels.
Maybe its the trees. Wala akong masabi kundi sobrang ganda, Ganitong humimig ang hangin para sa pirming napapagal: malamyos, banayad, tila dambuhalang politonong nakakubli sa wangis ng monotonong marahan, isang paghilot sa sentidong ayaw munang dumilat.
Isang arboretum sa pusod ng trosohan, sa mga bituka nito nakasiksik ang pinagugatang mga kasalanan, sa pisngi nakasulat ang mga paniniphayot dapat itatwa.
Sa lalamunan nitoy pirming panauhin: isang taong hahanapin ang paglaya sa kalapit na nakaraang kailangang kalkalin nang tuluyan, sa malayong nagdaang hindi mawawaglit kailanman, at sa pangmusmos na larong kaniya at kaniya lamang: ang payak na pakiramdam ng pagkakaroon ng engrandeng distansiya mula sa lupa, sa itaas, mas matayog pa sa dakilang abottanaw, gamit ang balanse hatid ng mga brasong itinuturo ang silangan at kanluran, ng iskierdat deretsalahat ito sa kawalan ng ambisyon at pagnanasang sumilip sa malayong kinabukasan.
Ito, kung susumahin, ay oda para sa maringal na ngayon, sa marabiyosang kasalukuyan,
Santiago “Thiago” Javier, a local logistics firm driver and delivery personnel and also a former botany student, is entangled in the secrets buried and crimes committed in El Árbol de la Alegría, the arboretum strategically erected by a local politician at the centre of a controversial logging company in a Mindanaoan city in the earlys.
Javier is an “ambitionless,” content man, Satisfied with his life, he spends his day delivering parcels across the city for a smalltime, secondtier logistics company, But meeting Mariellaa young, recentlywidowed, single motherand the untimely death of his father, changes everything, From here he begins to question life, his existence, the world around himthe politics of his hometown, its language, his own familys enigmas, even the complexity and simplicity of a love that is within reach and yet seeming unfeasible, and the most incomprehensible of all: the meaning of ambition and desire, or, perhaps, the absence thereof.
Add to these the corruption and crime committed in the eponymous arboretum, in which he was forcefully catapulted into, forcing him to speak up and be of service to others for a change.
Tungkol sa Southern Quartet
Ang Southern Quartet ay apat na mga maiiksing nobelang nakalulan sa ibat ibang lugar sa katimugang bahagi ng Pilipinas.
Nagsimula ito bilang inpantil na subok ni TopacioAplaon na maunawaan ang romans durs ng Belgang eskritor na si Georges Simenon na ang mga pamamaraan ay nanatiling palaisipan sa kaniyaat kung ano mang naging produkto ay ang resulta ng dambuhalang kabiguan dito.
Sa kabilang banda, ang tangka sa konseptual na pagsusulat ay isa ring sinserong akto para sa Imuseñong manunulat, dahil itinuring niya itong pagbabalikpasalamat at adorasyon sa dakilang timog na nagpaunawa sa kaniya ng maraming mga bagay at nagkanlong sa kaniya sa panahon ng pagiisa, gutom, at desperasyon habang isinusulat ang mga una niyang kwentot nobela.
Isa rin itong sinserong eksaminasyon upang madetermina kung handa at kaya ba niyang baliin ang mga metodolohiya at paraang nakasanayang gamitin sa mga nabanggit na sulatinhabat dipa ng mga pangungusap, estruktura, tunog, sikolohikal na pagsusuri, at ang palagiang pagsiping sa sining musika, pinta, literatura, sayaw, sa kulturang popular.
Kalakip din nito ang paghamon sa wikang pinili sa pagsusulat, o pakikiusap na makisama para magamit ito higit pa sa tingin niyang limitasyon nito, kung mayroon man.
At kung tagumpay ba siya rito o hindi, hindi na mahalaga, Mas lamang yata ang pagkombinsi sa sariling huwag humintong sumulatang sumulat nang may babaw at lalim at sinseridadano man ang kaakibat.
.