Enjoy Sugat Ng Alaala Presented By Lazaro Francisco Available As Print
okey ang ganda nito, magandang kwento ng japanese occupation nung wwii! tapos, ANG CUTE PA NI FELIPE HUHU FELIPE/NITANG ULTIMATE LOVETEAM ffefe A romantic novel set in the Second World War.
A sensitive illumination of the realities of war, depicting not only the Filipinos fervent nationalism but also the protagonists inhumanity, treachery, and opportunism, Masasabing napakaconsistent ni Lazaro Francisco sa kanyang estilo, sa paggamit ng malalim na Tagalog at sa daloy ng kuwento ng kanyang mga nobela, Sa sobrang consistent, hindi na ako nagugulat sa mga nangyayari sa bida, Alam ko na rin kung ano ang kahihinatnan ng mga tauhan sa wakas,
Kuwento ng pagibig pa rin ang nobelang ito na nahaluan ng ilang malalagim na pangyayari noong World War II, partikular na sa Bataan.
Inasahan ko nang may mamamatay dahil, sa totoong buhay, namatay sa digma ang kapatid at panganay na anak ni Francisco, Iyon nga lang, hindi naantig ang aking damdamin sa mga tagpong iyon, Siguro dahil nga inasahan ko na o baka rin nananawa na ako sa estilo ni Francisco, Isa pa, sa aking palagay, kahit wala ang mga kabanata patungkol sa WWII, makatatayo pa rin ang kuwento, Kasi, tungkol naman talaga ito sa pagiibigan nina Felipe at Nitang,
Gayunman, isa pa rin si Francisco sa mga hinahangaan kong nobelista, Wala pa ring tatalo sa paggamit niya ng wikang Tagalog, Pangalawa lamang sa kanya si Rogelio Sikat at pangatlo naman sina Edgardo M, Reyes at Lualhati Bautista.
Sa mga bagong makababasa kay Francisco, baka mainis kayo sa kanya dahil bukod sa malalim siyang managalog, palasak na rin o makaluma ang kanyang mga paniniwala, lalo na pagdating sa pagiibigan o pagsusuyuan ng mga magsingirog.
Natatawa na lang ako sa mga eksena ng ligawan,
Halimbawa: hindi dapat sagutin ng babae ang una at ikalawang liham ng pagibig na ipadadala ng kanyang manliligaw, Sa pangatlong liham pa nararapat tumugon, Ngunit kahit ang ikatlo ay
maaari pa ring tanggihan ng tugon, Dito sa kuwento, umabot sa pampitong liham bago sagutin ng isang tauhan ang liham sa kanya ng manliligaw,
Marami pang ganyang pagpapakipot at pagtitiis ang matutunghayan mo sa nobelang ito, Tapos, biglang mapuputol dahil sa digmaan,
Pansin ko rin sa mga nobela ni Francisco na lagi at lagi, kapag malapit nang magkaibigan ang mga bida, saka darating ang pagsubok.
At hindi lang isa! Samutsaring pagsubok ang dadagok sa bidang lalaki, ang magpapahirap sa kanya at maglalayo sa kanyang iniibig, Gayunman, kahit bahagyang mananabang ang pagsinta nitong lalaki, mananatili siyang maginoo, matatag at tapat hanggang sa huli,
Karaniwan din sa mga nobela ni Francisco, na, matapos magbata ng hirap itong si lalaki, lilisanin niya ang bayang sinilangan, magpapakalayo, at makalipas ang ilang taon, babalik na matagumpay na.
Ganyan din ang nangyari sa "Ilaw sa Hilaga" at sa "Maganda Pa Ang Daigdig, " Sa huli, makalipas ang sandamakmak na pasakit, magkakatuluyan din sila ng kanyang sinisintang babae,
Inasahan ko na ang happy ending sa nobelang ito dahil kilala ko nga si Francisco, Sa ganang akin lamang, higit na gaganda ang kuwento kung hindi sana nagkatuluyan ang mga bida o kung isa sa kanila ang namatay, Gaya rin ng nabanggit ko kangina, maaari na ring alisin ang kabanata sa digmaan, Wala namang mahalagang dulot, kung ako ang tatanungin, lalo pa't hindi naman pala mapapahamak ang dalawang pangunahing tauhan,
Ano't ano paman, nagagalingan pa rin ako kay Francisco, Siya pa rin ang pamantayan ko sa pagsusulat ng nobela sa sariling wika, lalo na sa Tagalog, Parang nanonood ka ng dula habang binabasa ang mga akda niya, Ngunit ang totoo, karaniwan lang ang ganitong huntahan sa Katagalugan, Marahil sa ngayon ay bihira nang marinig ang ganitong kalalim na Tagalog sa Kamaynilaan, ngunit dito sa amin sa Gitnang Luzon, nakaeirinig pa rin ako nang ganito kagandang pananagalog sa matatanda.
Sa labas naman ng Luzon, ang naaalala kong sobrang husay managalog, na mas magaling pa sa karaniwang Tagalog, ay ang mga Mangyan sa Mindoro.
Napakahusay nila sa paggamit ng wikang ito, Minsan ko lang silang nakadaupangpalad nang magcover ako roon para sa sinulat kong ulat dati sa Inquirer, ngunit di ko malilimutan ang pakikìpagkuwentuhan ko sa kanila dahil napalaban ako at halos duguin ang ilong sa palaliman ng Tagalog.
Hahaha!
Kung gusto mong maunawaang higit ang sinasabi ko rito, kumuha ka na ng kahit anong nobela ni Francisco at magbasa, Mamamangha ka sa ganda ng wikang Tagalog, tulad ng paulitulit na paghanga ko sa tuwing binabasa ang kanyang mga aklat, Prize winning writer Lazaro A, Francisco developed the social realist tradition in Philippine fiction, His eleven novels, now acknowledged classics of Philippine literature, embodies the authors commitment to nationalism, Amadis Ma. Guerrero wrote, “Francisco championed the cause of the common man, specifically the oppressed peasants, His novels exposed the evils of the tenancy system, the exploitation of farmers by unscrupulous landlords, and foreign domination, ” Teodoro Valencia also observed, “His pen dignifies the Filipino and accents all the positives about the Filipino way of life, His writings have contributed much to the formation of a Filipino nationalism, ” Literary historian and critic Bienvenido Lumbera also wrote, “When the his Prize winning writer Lazaro A, Francisco developed the social realist tradition in Philippine fiction, His eleven novels, now acknowledged classics of Philippine literature, embodies the authors commitment to nationalism, Amadis Ma. Guerrero wrote, “Francisco championed the cause of the common man, specifically the oppressed peasants, His novels exposed the evils of the tenancy system, the exploitation of farmers by unscrupulous landlords, and foreign domination, ” Teodoro Valencia also observed, “His pen dignifies the Filipino and accents all the positives about the Filipino way of life, His writings have contributed much to the formation of a Filipino nationalism, ” Literary historian and critic Bienvenido Lumbera also wrote, “When the history of the Filipino novel is written, Francisco is likely to occupy an eminent place in it.
Already in Tagalog literature, he ranks among the finest novelists since the beginning of theth century, In addition to a deft hand at characterization, Francisco has a supple prose style responsive to the subtlest nuances of ideas and the sternest stuff of passions.
”Francisco gained prominence as a writer not only for his social conscience but also for his “masterful handling of the Tagalog language” and “supple prose style”.
With his literary output in Tagalog, he contributed to the enrichment of the Filipino language and literature for which he is a staunch advocate.
He put up an arm to his advocacy of Tagalog as a national language by establishing the Kapatiran ng mga Alagad ng Wikang Pilipino KAWIKA in.
His reputation as the “Master of the Tagalog Novel” is backed up by numerous awards he received for his meritorious novels in particular, and for his contribution to Philippine literature and culture in general.
His masterpiece novelsAma, Bayang Nagpatiwakal, Maganda Pa Ang Daigdig and Daluyongaffirm his eminent place in Philippine literature, In, he was honored by the University of the Philippines with a special convocation, where he was cited as the “foremost Filipino novelist of his generation” and “champion of the Filipino writers struggle for national identity.
” sitelink.