Discover Pektus: Mga Maikling Kuwento Penned By Mark Erron San Mateo Format Printable Format
ang Pektus sa Mga Kuwento ng mga Supot sa Panahon ng Kalibugan, Ang parehong libro ay antolohiya ng maiikling kwentong transgresibo na sinulat ng ibat ibang batang manunulat walo sa Pektus, pito sa Supot,
Disenteng mga kwento at pagkukwento lang ang ineexpect ko sa Pektus bago ko ito basahin, Medyo namaliit ko ito sa umpisa dahil sa kakulangan ng consensus i, e. reviews/ratings sa internet. Pero nang mabasa ko, nalupitan ako!
Ang dami ko nang nabasang libro pero may ilang literary devices na sa Pektus ko unang nabasa.
At yong marami namang nabasa ko na ay nagamit pa nila ng mas maangas,
Kung babasahin ang bawat
kwento, parang iisa lang ang nagsulat, Parepareho kasi silang magaling sa characterization, POV, description, plot build, punchlines at plot twist pero makikita pa rin ang pagkakaiba ng estilo, Epektibo rin ang karamihan ng plot twist may ilang naging predictable sa bandang dulo, pero ang ibay talagang ang galing ng pagkakadeliver,
Isa sa dahilan kung bat nagustuhan ko ang Supot ay dahil PUPian ako, At ang Supot ay mga kwentong PUP na sinulat ng PUPians, Ang Pektus ay hindi ganun, Varried ang characters, settings, at plot pero epektibo pa ring nailapit ng authors ang kwento sa akin kahit wala namang direktang magkokonekta sa mga ito sa akin.
Sa Pektus, sapat na ang pagiging tao para makarelate ka sa bawat kwento,
Lahat ng kwento ay disentekung di man talagang maganda, Ang Goodreads rating ko ay descriptive, hindi numerical, Ibig sabihin:okay,liked,really liked,loved,
Walang Silbi, Mark Erron San Mateo:
Baryo Pamahiin, Mark Laurence Garcia:
Pader, Giselle Espino:
Bawi, Eustaquio Barbin III:
Last Day, Francis Rafols:
Anatomiya ng Paggalaw, Amado Anthony Mendoza:
End Tablado, Rick Ornopia:
Pindot, Michael Obejera:
Katusa, Mark Laurence Garcia:
Talampunay, Giselle Espino:
Kwentuhan, Mark Erron San Mateo:
Distrungka, Amado Anthony Mendoza:
Taong Mapa, Rick Ornopia:
Rebanse, Francis Rafols:
Ang Pagpili ni Paris, Mark Erron San Mateo:
Ending, Eustaquio Barbin III:
Underrated ang Pektus dahil hindi ito gaya ng Supot na nakatanggap ng maramiraming mambabasa.
Pinagkumpara ko ang dalawa hindi para paglabanin, kundi para ipagdiinang may sarili tayong dekalidad na transgressive lit, Kung nagustuhan mo ang mga obra ni Chuck Palahniuk, ako rin, At may sariling ganun ang Pinas! Kung Pinoy ka at nakarelate ka sa mga transgressive lit ng ibang bansa, magulat ka sa mga obra nina Norman Wilwayco at nitong mga antolohiya ngang ito mas malapit sa bituka, at dahil nga hardkor, mas isusuka ng sikmura!.