Attain Lila Ang Kulay Ng Pamamaalam (Imus Novel 3) Formulated By RM Topacio-Aplaon Conveyed As Booklet

sa amin ng aming propesor sa literatura ang librong ito upang gawan ng repleksyon, Limang taon na ang lumipas ngunit nanatili ang librong ito bilang aking paborito sa hanay ng Philippine Literature,

Buhay na buhay ang mga karakter at mistulang naging parte na ako ng kanilang buhay mula pagkabata hanggang sa pagtanda, Halong lungkot at ginhawa ang aking naramdaman nang mabasa ko ang huling kabanata, ilang buwan din ang lumipas bago ako nakapagbasa muli ng ibang libro,

Kung ako ang tatanungin, ito ang klase ng libro na magandang basahin sa iba'tibang yugto ng buhay, Ang sakit at lumbay na naramdaman ko sa pagbabasa ang siyang naging dahilan kung bakit ako nahilig sa mga kathang "angst" kung tatawagin, Ito rin ang dahilan kung bakit ako nagsimulang mangolekta ng iba pang mga katha sa hanay ng Phil, Lit. Ang masasabi ko lang. Nasa gitna ng libro magsisimulang bumigat, hanggang sa matapos, Hanggang sa mabasa ang huling kabanata, maiintindihan ang lahat,
Itong nobela na ito ang kinatatakutan kong matapos, Hangga't maaari ayoko pang tapusin basahin pero kailangan sa kadahilanan na marami pa akong libro na binabasa, Pamilyar na ang plot pero jusko! ang mahika ng panulat ni Sir RM, dinala ako sa Imus ng nobelang ito, Pasakalye lang na naging bahagi ng pagkabata ko noong tumira kami sa Cavite, kaya ewan, iba ang hatid nito dahil sa lahat ng alaala na meron ako ang pagkabata ko sa Cavite ang paborito kong alalahanin.
Share ko lang.
Hindi na ako mageexpect sa sequel, Pero pag dumating ang ara na nakabili na ako ng sequel, ulit ko itong babasahin at makikisalo sa alaala ni Dylan at Lila,

P. S
May nakita lang akong ibang words na, hindi ko alam kung tama ba ang word na namisplaced pero ayun may ibang words na nagkagulo at syempre ang typo pero hindi iyon ang naging batayan ko.
Maganda pa rin ang kabuuan ng nobela para sa akin, There are very few local titles I've read from cover to cover, May ibang titles, tinitigilan ko agad before page, May isa tumigil agad ako after page, Before this, ang huling nobela na tinapos ko ay yung Mondomanila at Gerilya ni Norman Wilwayco,

May mga pahaging na spoiler na akong nabasa before hand doon sa mangyayari kay Lila, But I never expected that it will still affect me this much, Noong umabot ako sa araw na iyon sa pinakamalungkot na buhay ni Dylan, isinara ko ang libro at saka ako nagstatus sa FB ko, "Pakisabi kay RM Topacio Aplaco, putangina niya!" Kinailangan kong tumigil sa pagbabasa para maprocess ko muna ang lahatlahat.


At hindi nakatulong na habang binabasa ko ito hanggang dulo ay nakalooprewind ang Daigdig ng Alaala ni Rico J, Puno sa spotify.

May ilan akong issues sa narrative, Una yung mga ginagawa nila sa edad nila, puwede ba 'yun Sa bagay, may mga kapilyuhan akong ginawa nung bata ako hindi sa level ng kay Dylan kaya sige, puwedeng palampasin yung mga yun.
Susunod na issue ko yung thought processes at dialogues nila Dylan at Lila noong bata sila, Oo maraming side comments si RM later na isinisingit here and there para ijustify yung ganoong manner ng pagiisip bata na nagiisip matanda eme eme at pagsasalita pero ewan, coming from a father of two, and recalling the years when I and some male friends are as old as Dylan, and nephews, parang hindi realistic.


Panalo sa akin yung mga trivial nuances sa manner ng story telling ni RM, The little seemingly unimportant and mundane details na nagdagdag ng shape at dimension sa kanyang world building, Halimaw ang lahat ng mga references sa pop culture relative sa timeline, Borderline erudite as per the older Dylan's own word ang mga literati shits ni Dylan at a young age, Tanginang Dylan, ako nga college na nakabasa ng mga literary canons, Tapos ang batang si Dylan kung sinosinong shit ang binabasa,

Gusto ko rin yung distinction sa narrative ni RM na ginawa niya sa intimate moments nila Dylan at Lila, compared doon sa mga sex exploits niya when he was old.
Naroon yung paggalang sa magagandang alaala ni Lila, hindi bastos, hindi libog, At nagtagumpay si RM dito, Minahal natin si Lila. Minahal natin ang mga nilikha nilang alaala ni Dylan, Minahal natin ang commitment ni Dylan, Kaya ang bigat sa dibdib ng ginawa ng putanginang RM,

Naisip kong the novel would have been okay sans the second part, Pero maganda rin for closure, Maganda na rin para maappease tayo, Maganda na rin para maiwan natin si Dylan at tiyak tayo na oks lang si Dylan without Lila, It took me a while to acclimate to the rhythm of RM TopacioAplaon's narration, not because it is difficult but because I found myself struggling to cope with the vividness of its “visualness”.
Lila is such a “visual” book, that minute descriptions of the environment become integral to how the story is read and received every scene is painted into the page to help weave its tale of melancholy.
It is a story of how loss scar and haunt us, and how selfdestructingly we can cling to that loss that it becomes part of who we are and how we treat others in our lives.
And ultimately, how it is only in goodbye and acceptance that we can begin anew, This is how RM TopacioAplaon ends his book: with its own beginning, Maganda ang pagkakasulat kaso overkill, Gusto ko ang Lila ang Kulay ng Pamamaalam,
Madaling unawain ang wikang ginamit ng manunulat sa nobela,
Natutuwa ako sa istilo na ginamit niya flashback, foreshadowing
Natutuwa ako sa tema! tunay na hindi ito ang tipikal na romance novel,
Pinipilit na sabihin ng utak ko na "fiction" lang ito pero ayokong maniwala,./Banayad. Napakabanayad ng naratibo ng nobelang ito, na kahit mabigat ang tagpong hinahatid sayo, hindi ito parang isang hollow block na biglaang ibinagsak sa ulo mo kundi maayos na iniaabot at untiunting nagpaparamdam ang bigat sa dibdib mo.
Halos hindi ko nga mamalayan ang mga pagkakataong gusto ko ng umiyak o maluha man lang,  Ngunit may matagal na epekto ang bawat bigat na mararanasan mo sa buong nobela,  Bigat na hindi basta lumilipas lang at mawawala agad,  Bigat ito na katulad ng bitbitbitbit ni Dylan, parang gusto ring ipabuhat pa sayo ng matagal,  Ang pagkabanayad ng pagkakakwento ay nasa manipis na pagitan na ng pagkamapanlinlang na akala mo ok ka lang, kaya mo pang dalhin ang sakit ng kwento pero basta ka nalang hindi na makahinga ng maluwag dahil sa parang tumutusok sa puso mo.


Masakit ang Lila ang Kulay ng Pamamaalam, Ngunit maganda, magandang sakit. Mukang hindi ako patutulugin agad ng nobelang ito, Ang Lila ang Kulay ng Pamamaalam ay hindi malayong maging isang Daigdig ng Alaala na mananatiling buhay sa lahat ng makakabasa, Nakilala ko si Sir RM sa isang fellowship ng alma mater ko sa Imus kung saan isa siya sa mga nagsalita, Habang sinasabi niya sa amin ang kanyang kwento at buhay, nasabi niya na kakapublish pa lang ng kanyang nobela at dahil doon ay naengganyo ako sa libro, Nagusap kami nang mabilisan at inalam ko kung saan mabibili ang kanyang libro, Ang pagkikitang ito ay naganap noongpa,

Fastforward, kakatapos ko pa lang basahin ang librong ito kahit na nabili ko ito dati noong November yata or October ng, Ngayon ko lang natapos dahil sa matindi at medyo demanding na schedule ngth year college, Masasabi kong isa ito sa mga pinakafulfilling at heartbreaking na mga nobelang nabasa ko, Hinding hindi ako magsasawa na irecommend ang librong ito sa mga kakilala ko dahil kailangan nilang malaman kung ano ba talaga ang kahulugan ng pagkakaibigan, buhay, kamatayan, pagmamahalan at, s'yempre, ang kulay ng pamamaalam.

Attain Lila Ang Kulay Ng Pamamaalam (Imus Novel 3) Formulated By RM Topacio-Aplaon Conveyed As Booklet
Higit pa sa synopsis ng at reviews sa librong ito ang nilalaman ng Lila ang Kulay ng Pamamaalam, Masyadong limitado kung ikakahon lang ang nobelang ito sa genre ng pagibig at trahedya, Bagamat sentimental ang overarching mood ng kuwento, marami ring nakakatawang eksena, Marami sa mga tagpo ay masayang pagbabaliktanaw sas at paggala sa Imus, Interesante rin ang side stories ng minor characters, para kang nagbabasa ng maiikling kuwento at/o dagli na nakapaloob sa nobelasuwabe ang pagkakahabi ni Aplaon ng metanarrative, Isa ang nobelang ito sa mga kuwentong may napakaimpactful na climax, pero hindi lang sa climax nakaasa ang kagandahan ng kabuuan ng plot, kaya masarap pa ring basahin ulit ang kuwento kahit alam mo na ang plot twist.


Nang maging tagahanga ako ni RM TopacioAplaon, matapos basahin ang maikling nobela niyang Muling Nanghaharana ang Dapithapon, agad kong sunod na tinuloy basahin ang Lila, Triple ang kapal ng librong ito kaysa sa Dapithapon at kahit pa ikumpara sa karamihan ng nobelang Tagalog, mas mahaba pa rin ito, Sa mga unang pahina ng pagbabasa, mahahabaan at halos mabuburyo ka sa mahahabang exposition, kung paano nito isaisang nilalahad ang bawat detalye para vivid na mapakita ang bawat tagpo, Pero kung hahayaan mong ipagpatuloy ang pagbabasa at magtiwala kay Aplaon sa napili niyang estilo ng prosa, untiunti ka ring masasanay, hanggang sa maibigan mo na ang magpakalunod sa lirikal na prosanagiging musika ang mga kataga at nagiging pagawit ang pagbabasa nito.


Gusto kong punitin ang librong ito at murahin si Aplaon nang mabasa ko na ang huling kabanata ng unang bahagi, Ngayon na lang ulit ako nalungkot nang ganoon kaattach sa isang fictional character/story, Dahil na rin sa paglalahad ni Aplaon kahit ng mga mundane na mga pangarawaraw na bagay, kaya yayakapin na ng isip mo na tunay na buhay ito ni Aplaon na totoo ang mga nangyari, kundiman lahat ng detalye.


Naiintindihan ko kung bakit kinukumpara ng marami ang Lila sa Norwegian Wood, Isa sa pinakapaborito kong nobela ang Norwegian Wood at agad ko ring naging paborito itong Lila pero masasabi kong bukod sa climax, wala naman nang masyadong pinagkapareho ang dalawang nobela, dahil matagal naman nang estilo ang lirikal na prosa, ilang milenyo na bago pa mabasa ng mundo si Haruki Murakami.
Mas nagustuhan ko pa nga ang Lila hindi sa dahil mas maganda ito sa Norwegian Wood pantaypantay lang sa puso ko ang mga paborito kong libro, kundi dahil mas nakakarelate ako sa kulutrang Filipino ng Lila.
Mas nakakawasak din ng puso ang trahedya ng Lila dahil mas focus ang pagkakainvest ni Apalaon sa paghahabi ng plot papunta sa climax kumpara sa iba namang ganda ng Norwegian Wood kung saan naglaan din si Murakami ng maramiraming pahina para sa subplots ng secondary characters.


Naipakita ng nobelang ito ang ambag ng panitikan sa filosofiyaang hindi magbigay ng mga konkretong kasagutan, kundi magbigay ng mas marami pang tanong at/o kuwestiyunin ang mga kasagutang basta na lang pinasa sa atin ng tradisyon at kultura.


Kinasabikan kong basahin ang ikalawang bahagi ng nobela sa pagaasam na makahanap ng redemption, dahil hindi ko kayang tanggapin ang trahedya ng katapusan ng unang bahagi, At hindi naman iyon pinagkait ni Aplaon, Umikot ang kuwento sa trahedya ng kamatayan at pagkakulong sa nakaraan, Pero natapos ang mahabang nobela sa pagtanggap ng trahedya ng nakaraan at pagpapatuloy ng buhay nang may sapat na pinanghahawakang maligayang hinaharap, .