maging kaibigan si Timothy John Olep o mas kilalang bilang Toto O, Sana magkaroon din ako ng kaibigang katulad ni Toto O balang araw : eadfdcxwes Simpleng kuwento ni Timothy John Olep na may palayaw ng Toto O.
"O" para sa Olep. Pede ring ordinaryo.
Ordinaryo pero maganda, Pampaalis umay. Nanalo ng Palanca grand prize para sa nobela noong, Pag sinabing Palanca, pagandahan ng gawa, Pataasan ng sining. Sining din naman ang maging ordinaryo, Sabi nga sa writing workshop na naranasan ko: pagtitimpi, Ganito rin nagsimula si Bob Ong, na ngayon siguro'y pinakabinabasang manunulat sa bansa,
Ordinaryo ang tanong na iniiwan ng akda: kailan ka magsasabi ng katotohanan parang simple lang ang sagot: lagi.
Pero paano kung may masasaktan Kailan ka mananahimik o kailan ka nagsasalita
Ordinaryo rin ang mayakda.
Beinteuno anyos na Wattpad writer, Nagpapatunay ng dalawang bagay: una, kailangan lang talagang magsulat dahil kung puro nasa isip lang ang kuwento, walang mangyayari at pangalawa, may mga obra rin sa Wattpad.
Salamat sa magandang akda, Charmaine, Sa National Book Store, huwag po sanang itinda ito bilang aklat na pambata lamang, Mas maraming matatanda ang dapat makabasa nito, "Katotohanan ang nagpapalaya sa atin, " Matagal ko nang naririnig ang kasabihang 'yan pero agad na sumagi sa isipan ko nang matapos basahin ang buong kuwento.
Simple lang ang paglalahad ng kuwento pero ang dulot nitong emosyon ay kakaiba, Totoong maganda ang Toto O ni Charmaine Lasar, Wala namang malaking kwento ang Toto O, Mga normal na karakter ang narito, Normal na narration. Magaan lang ang kwento at ang narration kaya naman kung marami akong oras ay matatapos ko nang isang basahan lang.
Tuwangtuwa ako kapag nagaaway si Allen at Jillian at ang karamihan sa mga bata dito sa kwento ay parang matanda na kung magpayo.
Merong isang eksena sa libro na gustonggusto ko, ito yung parte na nagkita na si Toto at ang Nanay Shiela niya.
'Yung tipong nasa iisang bahay lang sila matagal na hindi nagkikita pero hindi man lang sila naguusap ng matagal.
Ang sakit sa pakiramdam. Gustonggusto ko rin 'yung part na may pagyakap sa huli, Siguro dahil bihira ako makakuha ng yakap sa mga kaibigan hikbi sa kabilang sulok kaya nalungkot ako, At siyempre, dahil may espesyal na parte sa puso ko ang mga lola, bet na bet ko si Lola Sida dito dahil lolanglola ang ganap niya.
Sa kabuuan nagustuhan ko ang nobelang ito ni Charmaine dahil tumatalakay ito sa kung gaano ba kabigat ang katotohanan o kung lahat ba sa atin na makakasaksi ng katotohanan ay kayang isiwalat ito kahit pa ikakasira ng mga taong maaapektuhan.
Unang libro sa! Yey! Laki ako sa lola't lolo kaya nakarelate ako sa akda, Pero pangkaraniwan ang kuwento. Pangkaraniwan dahil hindi natatangi ang mismong tema, Hindi ba't sa malikhaing pagsulat ay karaniwang tanong kung magsisimulang sumulat ng kuwento ang "Ano ang kakuwentokuwento d'yan"
At pangkaraniwan dahil hindi namimilosopiya ang akda.
Nasa antas lang ng pagsasalaysay sa rabaw na antas surface level, Recommending this to my teacher friends: make your kids read this, please,
Simple lang ang pagkakalatag ng plot, pero seryosong tumatalakay ng hamon ng pagiging "TOTO O" lalo na ng mga bata/kabataan sa mga panahon at pagkakataon na hindi madali, bagamat sana'y mukha ng madaling.
bullying childhood friendship family choices existentialintelligence I feel lukewarm about this book, I never really expected much because as its blurb said, it's just a normal story of a boy named Toto, but I didn't expect to feel too indifferent about the storyline and ending at all.
I may say I like two of the characters, Allen and Jilian, that Toto met, because their characters really offers a lot and is pretty enjoyable to read the scenes they were into.
However, the way they talk feels like they wereyears old and the way they also with some of Toto's friends act feels likeyears old that I have a hard time reading their conversations with each other.
It really feels like a middlegrade or YA book being written by an older writer thinking it's how teenagers talk and act, just saying.
Also, the other characters didn't really offer that much, I think it's because of the writing, It is too pretty basic that the entire time they have a scene together with Toto, I feel dozing off or just skipping the pages.
It's not that bad, but I read a lot more awardwinning books that offer more things, that made me love the characters, the plot, the twist and the overall book' this book didn't just offer that much.
Another thing is, the "Toto O, " theme or just ideals as to how Toto prove it to be true is just too on the nose.
I feel cringe the entire time I read those words on the page,
Lastly, this is considered YA, but I don't think it fits the readers it is intended to be read with because the writing, as I said above, is how an older writer thinks how teenagers talk and act.
All in all, I really don't know how to feel about this book, Just meh, overall. Never want to read it again or else I may end up on a reading slump, Simpleng simple pero dinurog ako ng kwentong ito, Maraming salamat sa
isang napakagandang akda, Lasar, Nobelang galing Wattpad na nanalo ng grand prize sa Palanca,
Ang Toto O, ay isang maikling nobela tungkol sa batang si Toto, at kung pa'no niya untiunting nadiskubre ang masamang katotohanan ng mundo.
Dumaloy ang kuwento sa pagkawalay ni Toto sa kanyang Lola, na siya nang naging tangi niyang magulang,
Sa pagkatha ng kuwentong ito, may mga pinatunayan si Lasar:
, Hindi lahat ng kuwento sa Wattpad ay mababaw, korni, at may paulitulit na tema at daloy ng kuwento.
. Kayang makipagsabayan ng baguhang manunulat sa mga batikan,
. Hindi kailangang komplikado ang kuwento para maging maganda at epektibo, Ika nga eh "Simplicity is beauty, " At 'yon ang pinakalakas ng kuwento ni Toto, Isa itong ordinaryong kuwento magaang basahin at nakawiwiling sundan, Gaya nga ng mismong aral sa libro, ang paglalahad ng totoong nangyari ang mahalaga sa pagkukuwento, Maayos at masinop ang pagkakasulat sa nobelang ito ni Charmaine Lasar na nagwagi ng Palanca Award noong, Mayroon siyang pagpapahalaga at paggalang sa wika,
Pero walang kalatoylatoy ang kuwento,
Para sa akin, ang nobelang ito ay boring, forgettable at unimaginative, Sobrang simple para ituring na pinakamahusay sa lahat,
Pero di ba simplicity is beauty
Well, oo, Pero sa dami ng mahuhusay na nobelang nabasa ko, hindi ko maituturing na isa ito sa best of the best na nobelang Tagalog.
Okay lang s'ya, not one of the best,
But I guess the judges thought otherwise, Hindi ko alam kung ano ang nakita nila sa kuwentong ito para papanalunin ng Palanca, Oh well, marami namang nobela na nanalo ng Palanca ang hindi ko nagustuhan, What's new
Tungkol ang nobelang ito sa buhay ni Toto na inampon ng kanyang Lola dahil ayaw siyang alagaan ng kanyang ina.
Nang ipasara ang puwesto nila sa palengke, napilitan ang Lola na patirahin siya sa tiyahin niya,
Pagdating sa bago niyang tirahan, pinagmalupitan siya ng kanyang mga pinsang lalaki, Sinusuntok siya at inuutusan palagi, Kaya naisipan niyang tawagan 'yung Lola n'ya para bumalik sa dati nilang tirahan,
Dumating naman 'yung Lola n'ya agadagad at sinundo s'ya upang iuwi sa kanila, Nakahanap na rin pala ito ng bagong trabaho, The end.
O, di ba Sobrang simple
Napakawalang kuwenta rin kung tutuusin, Makakahanap naman pala agad ng hanapbuhay ang Lola niya, ipinadala pa siya sa ibang kamaganak, Puwede rin naman sanang humingi na muna ng sustento sa ina o tiyahin habang wala silang trabaho, But no! Kailangan talagang ilipat ng bahay si Toto,
All for the drama of it!
Ugh, Kairita!
Walang sense ang desisyon ng mga pangunahing tauhan, Masyado ring pamartir si Toto, Puwede namang lumaban, pero nagpaabuso pa rin sa mga pinsan, Ni hindi siya nagsumbong sa tiyo at tiya niya na mababait naman, Buwiset!
Ayoko pa naman sa mga bidang mahihina at duwag at laging nagpapaapi gayong may paraan naman para lumaban o gumanti.
Hindi ko sila magawang suportahan o kaawaan, Tanga kasi. Buti nga nagdusa.
Basahin n'yo lang 'to kung mahilig kayo sa Cinderella story, Pero wala 'tong fairy godmother, walang grand ball, walang masayang love story, pero may happy ending naman na wala ring kabuhaybuhay.
"Wala na ngang mas gaganda pa sa isang kuwentong hango sa katotohanan, "
Hindi ko lang alam, kung ang intensiyon ni Lasar ay mangaral, o ang kuwentong ba ito ay hango sa katotohanan o nagimbento siya ng sariling bersiyon ng katotohanan bilang manunulat.
Pansinin din natin ang pahayag ni Toto O sa huling kabanata, Ang katotohanan, hanggat maari ay hindi dapat itinatagi, kinikimkim o pinasusunungalingan, Ang katotohanan ay katotohanan.
Ang katotohanan nga ba ay isang unibersal na bagay
Isa pa, Lola, sabi n'yo mahirap kalaban ang mapera at makapangyarihan, mas mahirap po pa lang kalaban ang sarili.
May mga bagay na kahit alam mong tama, magdadalawangisip ka pa rin gawin kasi maraming puwedeng maapektuhan, . . tulad sa pagsasabi ng katotohanan,
Si Toto kahit sa musmos niyang gulang ay mulat sa reyalidad ng buhay, Siya ay mapagmasid at mapaglimi sa iba't ibang bagay,
"Minsan, mas mahirap maging kalaban ang sarili, Mahirap labanan ang sariling utak, ang sariling pakiramdam at sariling puso, "
Nakikita niya rin ang limitasyon ng isang tao at ang pinakahigit na kalaban niya ang sarili.
Hindi simple ang naratibo ni Lasar, ipinaliliwanag niya lamang ang mabigat na paksa sa isang madaling paraan.
Kailangan natin ng maraming kuwentista ganito ngayon, ngunit huwag lang lalabis,
Marami sa aspirasyon ni Toto bilang bata ang makapunta sa Manila mula sa kanayunan, na sa inaakalang tagapagligtas sa mahirap na buhay.
Makikita rin ang sterotipong pagtingin sa lalaki na huwag umiyak, na sa kabila ng wasak na pamilya ay pipilitin pa rin magpakalalaki.
Ito ang mga sumasalamin sa makatotohanang pangyayari sa lipunan,
"Pero mali talaga 'yong sistema na idedepende sa antas ng katalinuhan ng isang bata ang seksiyon niya.
Hindi dapat nila ginagawa iyon, Mas lalong tinatamad ang mga batang magaral kung hinuhusgahan sila ng paaralan nila, " Ang sinabi ni Ate Clarisse hinggil sa diskriminasyon sa mga paaralan,
Isa sa pinakagusto kong linya rito ay, . "hindi na baleng walang Santa, basta may Lola Sida, "
Hayaan niyo munang basahin ang isang tulang kinatha ni Toto
Tabi
Ang pinakapaborito kong lugar samundo,
ay sa tabi ng pinakamamahal kong lola.
Sa bawat yakap at haplos niya,
daig ko pa ang nagbakasyon sa Amerika,
Sa bawat pangaral at kuwento niya,
kagandahan ng mundo aking nakikita,
Sa bawat ngiti rin ng aking lola,
ibang planeta aking nabibisita,
Kaya walang duda,walang pagaalingan pa,
pinakpaborito kong lugar ay sa tabi ni Lola Sida
Tunay akong nakarelate sa tauhan ni Toto, Totoo ito, dahil una, laki rin kasi ako sa Lola, mas una rin namatay si Lolo pero hindi katulad ni Toto, sa bandang huli sa kaniya may sumundo pa sapagkat sa akin ngayon wala na.
Lagi ko na lang sigurong iisipin ang payo ng kaibigan ni Toto O na si Jillian "Siyempre gan'n talaga.
Hindi naman por que sa 'yo sumama noong una, sa 'yo na sasama hanggang sa huli, "
Matapang ang Toto O, Mula sa baguhan o hindi kilala na awtor nito hanggang sa simpleng pagkakasulat ng buong nobela, hindi mo ieexpect ang mga emosyon na madadama mo sa loob ng iilang pahina lamang.
Isa sa mga rason kung bakit hindi ko kaagad binili ang “Toto O, ” ay dahil sa tila precautionary tale na hatid ng introduksyon nina Eros Atalia at ni Bebang Siy.
Ordinaryo lamang ang kuwento. Ordinaryo lamang ang karakter. Ordinaryo lamang ang buhay nila rito, At kung bakit noong taongay napakabigat na bagay ang maging ordinaryopara siguro maputol ang siklo kung saan may ilang pagtatangka sa paglikha ng mga transgresibot radikal na panitikan noong mga sandaling yaon.
Matapos ang anim na taon ng pagsulpot ng nobelang ito, ganito pa rin ito, Nanatiling ordinaryo. Nanatiling umiinog sa buhay ng isang ordinaryong Toto, na inaalagaan ng isang ordinaryong Lola Sida, na kinailangan makipisan sa mga ordinaryong kamaganak na sina Tita Jenny, Clarisse, at Clark.
Na ordinaryo lang ang maging malihim, na ordinaryo lang ang magkimkim, na ordinaryo lang ang magtiis sa mapangabusong pamilya.
Ito rin ang dahilan kung bakit hindi ko ito mabigyan ng mas mataas na puntos bagaman pino at malinis ang pagkakasulat nito: dahil sa pagiging ordinaryo nito ay tila tindig sa normalisasyon ng mga mores na hindi nakabubuti sa isang komunidadsa imahen ng isang pamilyang Pilipino.
Sa pagturing na ordinaryo lamang na maging labis na mapagtimpi sa persepsyon na dapat mamalagi lamang sa ilalim ang tinaguriang mahinang pundasyon ng pamilya ang bata na si Toto at ang matandang si Lola Sida nabubusalan ng naratibo na ito ng pagkakataon ng minorya na magsalita.
At bakit inabot pa ng sukdulang opresyon bago nagkaroon ng espasyo ang katulad nina Toto at Lola Sida Bakit kailangang ito ang maging imahen ng ordinaryona manahimik kahit patuloy na inilulubid sa tanikala
Gusto kong isipin na lamang na kaya inilikha ang mga babasahin ay para magkaroon ng espasyo ang mambabasa na maging kritikal, na kuwestiyunin ang sistema sa loob, labas, at lalim sa nosyon ni Freud ng sikolohiya ng pamilyang Pilipino.
Irerekomenda ko pa rin ang pagbasa ng akdang ito, pero may ibayong pagiingat sa pagtataklob sa pagiging ordinaryo ng nobelahabang tinatanggalan nito ng accountability ang awtor sa pagiging balintiyak o passive ng akda.
Dahil repleksyon ang akda ng politika ng awtor kahit ito ay pilit inilalayo at inihihiwalay ng ilang guro ng malikhaing pagsulat.
Hindi lang dapat maging malikhain, kundi lalong higit na maging malinaw tayo sa ating nais ipahatid sa mambabasa.
.
Secure Toto O. Published By Charmaine Lasar Manuscript
Charmaine Lasar