Review Kuwentong Siyudad Published By Rolando B. Tolentino Presented In Ebook
kuwentong buhaysino sa mga miyembro ng pamilya mo ang gusto mong ilarawan Bakit Dalhin mo ako sa inyong bahay, akayin mo ako ng iyong panukat.
Maglalakad kami sa bundok pagkat naroon ang eskuwelahan at pupulot sila ng isang bagay na parang sila, at isang bagay na hindi sila.
Bato. Cocoon. Balat ng ahas. Tuyong dahon ng madre cacao, Talulot ng puting rosal. Inaantok na alupihan. "
"Paano bang umikot ang kapalaran tanong ko sa sarili, Mayroon akong gustong patunayan: na hindi mo talaga masasabi ang kapalaran ng tao, Walang katiyakan. Pumili ka na ng mabuting paaralan para sa iyong anak, ibuhos mo rito ang panahon at salapi, hindi mo pa rin maiguguhit ang kanilang kapalaran.
Isang pangyayari lamang, isang maling desisyon lang, puwedeng bumago sa kanilang buhay, "
"Mayroong isang katotohanan at kaliwanagan, Maaring isa itong puso. Puso ng isang bayani. Uhaw na uhaw ang mamamayan sa isang bayani, Isang taong magtataglay ng kapangyarihan at kaluwalhatian ng kaniyang daan, Matatag ang kalooban at kapupulutan ng lakas, Masasabing makasarili ang bayani. Subalit kailangan siyang maging mataas ang tingin a sarili para di siya agadagad madaig ng pagkabigo,kailangan siyang mabilis magpatawad, kailangan siyang umasang madali siyang patatawarin, kailangan siyang matibay at may desisyon, kailngan siyang sumusugod, kailangan siyang sensitibosa panganib, kailangan siyang nalulukuban ng pambihirang katatagan.
Di basta natatalo ng problema, Optimisko. Maasahang tumulong a kapwa. Mapagbigay. Dahil dito siya ay malapit sa iba't ibang tukso, Malaking pagkakamali kung siya ay parurusahan sa kaniyang pagkukulang o pagkakamali, Maramdamin ang kagaya niyang bukaspalad, Hayaan siyang matuto sa kaniyang kahinaan, At iyon sana ang gawin ng bawat magulang sa kanilang anak, Kung masusunod ang mga patakarang ganiyan, di malayong kaliwa't kanan ang susulpot na bayani, Magiging kabute sila sa tagulan, Natural. Walang pataba. O patubo. "
"Ginto rin kaya ang papatay sa akin Habang papalapit nang papalapit ang aking magama sa gitna ng ginto, papalayo nang papalayo naman nag loob nila sa akin.
Kailan kaya nila ako bibigyan ng pansin at pagtingin Tuluyan na ba akong binura sa kasaysayan nang ako ay masangkot kay KadangyanMas mahalaga ba ang iniisip ng ibang tao kaysa sa nararamdaman ko Madali kayang matutuhang mahalin ang tulad kong mangmang Sa halip na magmukmok sa isang sulok, ako ay nagtanim nang nagtanim ng kung anoano sa aming bakurang bulubundukin.
"
"Limampung taong gulang na ako pero hindi pa huli ang lahat para sa aking matuklasan na ang tunay na ginto ay dunong.
Higit sa aking inaasahan ang aking natutuhan, "
"Parang nakita ko na ito sa aking mga panaginip kaya sinarili ko na lamang ang pagkulo ng aking dugo.
Naiwan lamang ako sa bahay para magbasa ng gabundok niyang libro na nagpalawak sa mundo kong walang ipinagkaiba dahil isa rin itong malaking gubat.
Sa siyudad, usonguso man ang urbanismo, pero para pa rin itong kabundukan, "
"Tama nga naman ang bata, Kasi naman, bakit nga ba siya nataranta muna bago nagisip!Masyado na yata siyang nabulag ng mga luha niya't di niya nakita ang magiging kahihinatnan ng problema siya rin ang may gawa!Ganito nga ba kahirap ang buhay"
"Mabuti pa ang mga dayuhan may matitirhan sa Pinas, e tayo naman ang walang matirhan.
"
"Huwag ninyo nga akong hainan ng inyong maliliit na salita, sapagkat ako ang tagapangalaga ng higanteng letra.
Higit na malalaki ang titik ko kaysa sa inyo, "
"Naku!Mali ang entrada mo, Sa susunod, ikaw na ang gumawa ng solusyon, Walang mangyayari sa iyo kung aasa ka lang sa matanda, Alam mo naman. "
"Para kay Jessy, magulo ang mundo ng tao kaya hinangad niya itong takasan, Palagi na lamang nilang binabalewala ang katotohanang batid niya, At habang tumatanda, tumindi ang kaiyang nasang matulog nang matulog, managinip nang managinip, at mamayapa sa piling ng mga imaheng nagbibigay sa kaniya ng kapanatagan.
Ayaw na niyang magising at mamulat sa katotothanang nagiisa siya, Pinatititndi ng bawat pagbangon ang lungkot na kaniyang nadarama, "
"You see, ang buhay sa siyudad ay iang komplikadong sistema ng magkakawingkawing, magkakabaliktad na wirings, na of course e hindi ko maintindihan kaya hindi ko maipaliwanag, kaya nga ako nagagalit hindi ba Laya nga ako galit Ooo, tama, galit ako.
I therefore conclude na GALIT AKO! Bakit nga ba ako galit Hindi ko na matandaan ang root cause.
Gayon kasi ang galit. When it's too great to bear, na tipong magkakaroon ka ng temporary insanity, Tulad ko ngayon, nawawala na o nagvavanish na ito thin air ang rational side ko, Kaya nawawalan na rin ako ng reasons or at least I forget the reasons why I am angry in the first place.
Pero hindi, kailangan kong mapinpoint kung bakit ako galit because this is the only way to solve my unbearable anger, to undersand and know the reasons why I am angry.
"
"Basta ang tao'y masipag, hindi mamatay nang dilat,' sabi nito, Nasubukan kong magsunong ng bilao at magpasan ng tiklis, Wala akong kinakahiyang trabaho, basta't malinis, Ang nakakahiya ay iyong mamalimos o kayay'y humilatao tumihaya, "
"Ang problema ko ngayon,' sabi niya sa akon kagabi noong naghapunan kami, 'ay kung paano ko bubuuin ang sarili ko ngayong wala na ang Tatay mo.
' Paano nga bang binubuo ang sarili Paanong binubuo ang sarili sa piling ng iba Paanong hinuhubog ang totong sarili kahit may kasamang iba At paano ring binubuo ang sarili kapag nawala ang iba"
"Dumidilim na sa labas, pansin mo.
Ang utak mo'y parang langit na makulimilim, pinadidilim ng suliranin at pagpapasiya, "
"Hayaan mong maging berdugo ka Arturo, lipulin mo ang kampon ng masasama, silang itinututring na salot sa lipunan, walang silbi.
Ngunit ang lahat ng iyon ay hindi mo ginawa, "
"Sa gabing iyon, pakiramdam mo'y payapang payapa ang lahat, Kaysarap mahiga sa banig at pagisipan ang mga darating na araw na tanggap
mo na ang iyong naging buhay.
Kahit man lamang sa isang araw, Isang araw na walang pakialam, isang araw na dapat ibaon sa limot, Mayamaya'y nakaidlip ka na. Para kang bateryang muling huhugot ng lakas dahil bukas, Arturo, muli mong sasagupain ang mga balakid sa iyong paglalakbay.
Natitiyak mong ikaw, at iba pang reklamador sa pagawaan ay samasamang babaklasin ang ugong na matagal nang umalipin sa inyo.
Iyon pa lamang ang gabi nakatulog ka nang mahimbing, "
baliw si kadangyan sa tafuy, nagpalit ng punto de vista mula ke Edong tas kay Mon pabalik uli ki Edong, ininteriew ni Kris si Adonis, man with a vagina, nagkaanak ng bagnus si Aling Lukring, tumama angsa larong jueteng kung san kubrador si gabo, nagingangpero "may mga magnanakaw pa ring itatali sa poste," malinis at mabango pa rin ang siyudad, totoong malinis at mabango.