mo ba talaga nalalaman ang dapat Ang ganda ng pagkakasulat at pakiramdam ko ung pagasa na kahit kakaiba siya ay parang bukas na bukas ang mundo para sakanya.
Bukas na bukas and dagat para sakanya, Ang ganda nang pagkakasulat. Nakita ko ang mundo sa mga mata ng Badjao, Nakita ko kung gaano kaganda ang mundo na simple ang pamumuhay, Kung maaari lamang sabihin sa lahat ng tao na ang Maynila ay hindi laging lugar ng mga pangarap, Mainam pa manirahan sa probinsya kung minsan, Kung pwede lang sana mangyari ang nangyari sa aklat na ito, Nakakamangha ang galing ng manunulat sa pagkakaroon ng matalinghaga at mahiwagang mga linya sa akda, Pinakagusto kong nararamdaman habang nagbabasa na nahihiwagaan ako sa mga linya at untiunti kong naiintindihan ang mga nangyayari habang dumadaloy ang kuwento.
Sa galíng ng pagkasulat, mabubusog ka sa kuwento ng mga Badjao at mas mauunawaan mo ang kanilang mga naging suliranin at kalagayan.
Nakakatuwa ring mas nakilala ko ang mga Badjao dahil sa “pailalim” akong tinuruan ng aklat ng kanilang kultura at lipunan sa pamamagitan ng paggamit ng “tagaloob” na mga tauhan.
Kahit na lumaki ako sa Mindanao, mas naintindihan ko ang mga Badjao pagkatapos basahin ang kuwento, Iminulat ako ng aklat sa mga dating hindi ko binibigyang pansin, Humahanga naman ako sa lalim ng pananaliksik ng manunulat para buuin ang nobelang ito,
Pinakagusto kong bahagi ng aklat ang mga awit, May talinghaga ang mga ito na naglalarawan sa kanilang kalagayan at mahiwagang nangungusap sa mga mambabasa, Ito ang nagugnay sa akin kay Anina at sa mga Badjao, Dito ako napakapit nang matindi kaya nagusuhan ko ang nobela,
Natutuwa rin ako sa paglalaro ng talinghaga ng dagat at mga kaakibat na bagay tulad ng alon upang padaluyin ang kuwento.
Iniuugnay ng dagat ang katutubo sa makabagong karanasan ni Anina at ng mga Badjao, Sa isang banda, inuugat ng kuwento ang kasaysayan at pamumuhay ng mga Badjao ang kanilang mga bugtong, lipunan, hanapbuhay at iba pa.
Sa kabilang banda, ito ang naging bagay na inikutan ng kuwento nang nasa Maynila na sila Anina ang pagbabalik ni Anina at ng mga Badjao sa dagat.
Natitiyak kong isang makabuluhang babasahin para sa hayskul ang nobelang ito, Sana madagdagan pa ang mga nobelang pambata at pangkabataan na tulad nito,
sitelinkwww. xizuqsnook. blog. com this book is rlly beautiful i loved the lyrical writing so so much,
I feel rlly connected w the characters esp Anina, I almost cried skkdjdh
i feel like the ending was quite rushed though i swear i could read another hundred pages more w no complaints at all.
/Ang paborito kong parte sa pagbabasa ng librong 'to ay ang pagkakataong mas maintindihan at makilala ang mga Badjao ang kanilang mga buhay at karanasan.
Maraming salamat, Anina. Reread this year. Still giving it: Simpleng mga salita, Walang pasikotsikot. Ngunit matindi ang kurot sa puso, "𝑷𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒌𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒘𝒂𝒍𝒂𝒚 𝒔𝒂 𝒌𝒂𝒏𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒓𝒂𝒈𝒂𝒕𝒂𝒏. "
𝐴𝑛𝑖𝑛𝑎 𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝐴𝑙𝑜𝑛 ang unang akdang nabasa ko sa wikang Filipino ngayong taon, Nagkamit ito ng parangal saNational Book Award bilang Best Young Adult Literature,
Nobelang pambata ito ngunit may kalaliman ang mga salitang ginamit kaya tiyak na mahihirapang basahin ito ng mga bata maging ng mga matatanda na sanay magbasa ng akdang Ingles.
Ako man ay ngayon lang nabasa ang ibang mga salita sa aklat, mabuti na lamang at may talasalitaan sa dulo.
Ngunit hindi iyon naging hadlang upang magustuhan ko ang lirikal at patulang estilo ng pagkakasulat nito, Maiksi lang ang akdang ito na higit sa isandaang pahina lamang, ngunit malaman ito at aantig sa emosyon, Ipinasilip nito ang buhay, kasaysayan at kultura ng mga Badjao mula sa mga mata ni Anina, ang dalagitang anak ng dagat.
Haluhalong emosyon ang aking naramdaman pagkatapos ko itong basahin, sapagkat alam kong malapit sa katotohanan ang akdang ito.
Naalala ko ang mga batang Badjao na umaakyat sa mga pampasaherong dyipni dito sa kamaynilaan upang humingi ng kaunting barya kapalit ng kanilang pagawit o ng pagpupunas nila ng sapin sa paa ng mga pasahero.
Nalulungkot ako para kay Anina, Jainal, Dalpaki at sa iba pang mga batang Badjao na sa murang gulang ay naranasan na ang karahasan ng buhay at hindi patas na pagturing.
Nagagalit ako sapagkat kapwa mga Pilipino ang mababa ang pagtingin at nangdidiskrimina sa mga tulad nilang nabibilang sa minoryang grupo.
Mga kapwa Pilipino ang nagtutulak sa kanila paalis sa lugar kung nasaan ang kanilang kabuhayan, palayo sa lugar na ugat ng kanilang kasaysayan.
Naipakita rin sa akda ang pagnanais ni Anina na basagin ang tradisyonal na gampanin ng mga kababaihan sa lipunan.
Gusto niyang hanapin ang kanyang sarili at tuklasin ang kanyang kakayahan sa labas ng linyang iginuhit ng patriyarka, ngunit hindi siya nabigyan ng pagkakataon.
Dahil siya'y isang babae lamang,
Maraming matututunan sa akdang ito, Gigisingin nito ang iyong damdamin at kaisipan, Ang akdang ito ay hindi lamang para sa mga bata, Ito ay para sa lahat, I was confused if this was really a book for children but then I realize that children's books shouldn't be always about adventures and wonders, they should also teach sociopolitical issues.
I have read numerous books made for children, and as ayearold, this has entertained and taught me much more than typical young adult books.
It talked about the displacement of our indigenous people is this the right term in their own land, I love this book, how it explained dreams and waves and seas, and how these were removed from people.
I hope that the readers of today will have a chance to read this, Napakahusay ng pagkakahabi ng bawat salita at pangungusap, kasingganda ng mga tepo ni Unggoh,
Napansin ko rin na naging uniporme at napanatili ni Sir Eugene ang paggamit ng dagat at mga salitang kaakibat nito bilang metapora sa kabuuan ng kwento.
Mahusay rin ang gawa ng niredisenyong pabalat ng aklat na ito, Moderno at angkop.
Mamumulat ka sa realidad ng mga kapatid nating IPs, partikular na sa mga Badjao na binansagang mga anak ng dagat, at sa arawaraw nilang kinakaharap na problema pangtustos, diskriminasyon, displacement, at pangmamaltrato.
Mahahalina ka sa kwento ni Anina, Malungkot ngunit malaman ang nobelang pambata na ito ni Sir Eugene Evasco, na tungkol sa isang batang Badjao na inanod sa kung saangsaang dako ng ating kapuluan dahil sa mga perwisyong dulot ng mga dayo sa kanilang dagat sa TawiTawi.
Napakahusay ng pagkakasulat, Lyrical at poetic. May kalaliman nga lang ang mga salita kaya tiyak na mahihirapang basahin ito ng mga bata at matanda na sanay magbasa sa Ingles o mas exposed sa Peppa Pig, Cocomelon at Dave and Ava sa YouTube.
Gayunman, tiniyak ni Evasco na maiikli ang mga pangungusap at hindi mahahaba ang mga kabanata para maging angkop sa kakayahan sa pagbabasa ng mga bata.
Mabilis din ang mga pangyayari kaya hindi ka mababagot sa bawat kabanata,
Pinakatumatak sa akin sa nobelang ito ang makulay, mayaman ngunit nanganganib na maburang kultura ng mga Badjao sa TawiTawi.
Minsan na rin akong nakadalaw sa komunidad ng mga kapatid nating Badjao sa dulong timog ng Pilipinas at masasabi kong saktongsakto ang paglalarawan ni Evasco sa kanilang kapaligiran at uri ng pamumuhay.
Nakakalungkot ang dinatnan kong komunidad sa TawiTawi, tulad din ng sinapit ng bida sa kuwentong ito matapos silang salakayin ng mga pirata at ng mga sundalo ng pamahalaan.
Ilan lamang ito sa maraming dahilan kung bakit napilitang tumakas ang mga Badjao at magpalisawlisaw sa ibaibang panig ng bansa.
Mahusay na naipakita ni Evasco ang pinanggagalingang dusa, hirap at kamalasan ng mga Badjao na madalas nating pinagtatawanan o pinandidirihan.
Napakahalagang ambag ng nobelang ito upang maitama ang mga mali nating pananaw hinggil sa mga katutubong ito,
Tulad ng maraming lumad at katutubo sa Pilipinas, biktima lamang sila ng mga ganid na korporasyon, mapangabusong gobyerno, ng sistemang kapitalista, atbp.
Sana ay maraming makabasa ng nobelang ito, Hindi lang s'ya para sa mga bata, Marami ring matututuhan ang matatanda sa kuwentong ito,
Ako nga mismo, ang dami kong natutuhan, Maliban sa mga dati ko nang alam tungkol sa mga Badjao, tulad ng saitan at pangalay, lalo pang nadagdagan ang mga salitang nalaman ko, salamat sa talasalitaan sa dulo ng aklat.
Ilan sa mga bagong salitang ito ay ang mga ss:
Salingguro bahaghari
Lepa bahay na bangka ng mga Badjao
Trepang sea cucumber
Tinggayad alon
Bulan Matai patay na buwan o new moon
Well researched talaga ang aklat na ito, tulad ng iba pang akda ni Evasco.
Hindi maikakailang iskolar siya ng pambatang panitikan,
Dagdag Natutuwa ako lalo sa nobelang ito dahil bibihira ang mga kuwento sa Pilipinas na may kinalaman sa dagat o anyongtubig.
Mas marami tayong kuwento sa lupa, sa mga magsasaka, mga dukha, atbp, pero kakaunti pagdating sa tubig, samantalang napaliligiran ng tubig ang Sangkapuluan ng Pilipinas! Sana mas dumami pa ang akdang may kinalaman sa mayayaman nating katubigan.
Actual .
This book is so beautiful, I love the lyrical writing, and the story that packs a punch but also warms the heart It seems like I am floating on waves as Anina and her dreams introduce me to the beautiful life of the Badjaos and their equally rich culture.
Each word is wonderfully chosen to create a masterpiece that teaches how to thrive and see hope in times of trouble.
The narration is very lyrical and poetic, I love the images that I imagined through the story, Eugene Evascos words tend so float off the pages the waves of the sea and the cool of the wind taking me to the magical place of Tungbangkao.
Anina ng mga Alon is definitely more than a fictional childrens story, It is the story and history of the Badjao, Their origin, their culture, their beliefs, their struggles, and how we land dwellers dont understand them, Im happy to have read this story and to have learned about the Badjaos, for it is a story rarely ever told.
Isang pagkakataong makita ang mga badjao malayo sa kung paano sila madalas nakikita sa mga lansangan, Isyu ng kahirapan, kalikasan, edukasyon, at dislokasyon ang kwento ni Anina ay isang kwentong pangmulat sapahina,
Maikli, malungkot, makabuluhan, MORE PEOPLE SHOULD READ THIS BOOK,
Again, more people should read this book,
Eugene Y. Evasco is a fantastic author, He did an amazing job in telling Anina's story, It was my first time reading a book with a Badjao as a main character and I think that is what interested me in the first place.
Being born in the city, I always see these people in the streets, begging for coins or leftover food.
This book gave me the chance to have glimpse of their life,
I have nothing to say to this except that everything in this book could have been a true story.
These things happen in the real world, I cannot stress that enough, These people are being treated as inferior, as if their lives and struggles don't matter, when in fact they have been living in the country far longer than any influence of colonialism.
Their small livelihoods are being threatened by emerging industries in the country and the government has so far done nothing to help them.
They are helpless against powerful entities that are supposed to protect them, There are many issues reflected in this book that I would like to address but I just remembered that this is a book review.
I ranted. Sorry.
I also share Anina's love for the ocean, I love that she treats the waves as her friends and believes that nature is alive and has persona.
The vibe of this book is so nostalgic that a lot of times, I found myself tearing up because Anina's words made me miss nature
I love this book so much.
Everybody should read this, Isang Badjao si Anina, lumaki sa piling ng mga alon, Kabisado niya ang mga awit at damdamin nito tulad ng isang kaibigan, Bilang kabataan, nasa edad siya ng paghahanap ng kaniyang sarili sa komplikadong mundong kaniyang ginagalawan, Ngunit paano nga ba ang maging katutubo at mahuli sa gitna ng kahirapan at karahasan
Samahan si Anina sa kaniyang pangangarap, paglalakbay, at pagkamulat sa katotohanang kahabi ng kaniyang buhay bilang Badjao.
Sa kuwento ni Anina, makikilala rin ang isang mayamang kultura ng mga katutubong namumuhay sa karagatan at hindi pa ganap na nauunawaan ng karamihan.
It's a bit hard for me to put my thoughts into words, . . I feel conflicted about this book,
On one hand, I feel like this is an important story, because it shows the hardships of the Badjao people.
I really liked learning more about their way of life at sea, I appreciated how the author showed the difficulties that Badjao people have adjusting to city life, or how vulnerable they are both at sea and when they decide to live on land.
I also enjoyed the sense of history that Badjao people have, As a Tagalog, I feel like our sense of our history is so short, spanning onlyyears, constrained mostly to the dawn of colonialism and onwards.
But Anina's stories and folktales come from way farther down in history, spanning thousands of years, I think it really shows that although Badjao people don't have "papers" or "documents" they have an established presence and inheritance in their sea and their isles.
On the other hand, I just couldn't really get into the flow of the narrative style, I felt like this wasn't really a novel with a plot, it was more like bits and pieces of someone's life that and their thoughts surrounding those events.
There was so much telling, and little showing, Anina had very little agency, and was mostly reacting to things happening around her, I don't know if it's because I lack practice reading in Tagalog, but I just couldn't
get a good sense of timing in this novel.
It's hard to explain. For example, the first two chapters were just Anina musing about what she wanted to be: a fisherman, or if all else fails, a student.
The next chapter, we see her father taking her to her aunt to study, What happened The readers are left to assume that her parents didn't want her to be a fisherman, and would rather have her study, but this crucial decision surrounding her life was totally left out.
So just, little things like that make the book really frustrating for me to read, The author also uses a lot of repetition, . . entire paragraphs would be filled with five, six, seven sentences that have the exact same beginning, I understand this is a stylistic choice, but it just doesn't work for me, Three sentences that start the same way, sure, but close to ten feels like I'm being clubbed over the head with stylistic devices.
Anyway, I just don't know how to feel about this book, It has won several awards, and it is obviously a story worth telling, Badjao people are so disenfranchised in Philippine society, and books are a great way to raise awareness on their challenging life.
But like I said, the writing style just wasn't for me, .