Avail Yourself Michaels Shades Of Blue Anthology: 13 Stories Of Love, Hunger And Paranoia Assembled By Michael Juha Readily Available As Audiobook

on Michaels Shades of Blue Anthology: 13 Stories of Love, Hunger and Paranoia

first time to read an anthology of short stories that are about gay men, It is composed ofstories and some of them have explicit sex scenes, If you are squeamish about sex especially those that involve two men, this book is not for you, I am a friend of one of the authors of this book, Last month, he gave me a free copy of his early work, a heterosexual chick lit romance, I read and liked it, So, when he asked me to try this one, albeit about homosexuals, I agreed, I was even the very first person who bought this book, This is not even out in the market yet,

This is a proudtobegay kind of book, It does not put any mirage as to its intention: to show that gays are like just anyone of us.
They live, they love, they laugh but when they get hurt, they cry, Oh boy, they cry a lot in this book, Most of the stories have sad endings that at some point during the reading, it dawned on me that being gay must be really challenging as they strive harder to be happy than maybe their nongay counterparts.
Oh, excuse me about the labels, but I just would like to point out that gays must have hearts of steel to be able to survive the harsh realities of life.
I have no intention of starting an argument, this was just what I felt after finishing the book,

Despite its eyecatching title in English, theshort stories are written in Filipino Tagalog or Taglish TagalogEnglish.
Below are my reactions after reading each story, They are mostly "kneejerk" or guttural reactions, I did not give myself enough time to process each story, I just wrote what I immediately felt,

The Farm, Aris Santos. STARS
Ayos lang, Di ko gusto. Di ayaw. Ordinaryong pagiibigan ng dalawang lalaki, Nagbukas ang kuwento nang iniwan ni Carlo si Reden, Para makalimot, pumunta si Reden sa kanilang bukid, Doon nya nakilala si Homer, At ang trianggulong pagibig ay nagsimula,

Paid. Kenji Oya. STARS
Ito ang unang nagustuhan ko, Maganda ang paglalarawan sa mga tauhan lalo na yong callboy na si Jester, Parang ramdam ko yong sexual tension na namagitan kay Jester at kay Ricky, Pero, hindi naging sila o di natuloy sa sexual act ang tension na yon, Ibig sabihin, mukhang walang intensyon ang aklat o ang kuwento na ito upang papaginitin ang beking nagbabasa.
Parang mga babasahing romansa, kagaya ng mga maliliit ng libro ng Precious Hearts Romance or PSICOM, ang tinggin ko, ang hinahangad ng libro ay pakiligin ang mga beki kung di man imulat ang mga mata ng mga straight na nagbabasa na ang mga beki ay katulad din ng lahat.


. Lui Rubio. STAR
Nagtagal ako dito dahil dalawang beses kong binasa, Bihira na sa aking mangyari ito kapag nagbabasa ng Tagalog, Parang huling nangyari ito ay noong high school ako at nagbabasa ng Noli o Fili, Magigingorat least sana kung ginawang tahasan straightforward na lang sana ang naratibo, Kaso, hinati ang kuwento satsapters, Tapos lumalabas paibaiba ang punto de vista point of view na kung hindi kay Jared ay kay Roy.
Sila yong dalawang beki ang nahahati ang puso sa dalawang magkakaibang lalaki o beki rin, Si Jared at Roy ay may nakaraan ngunit mahal din ni Jared si Marc, Sa kabilang banda naman, mahal rin ni Roy si Karlo, Tapos para mabuo ang parisukat na pagiibigan love square ay nagkaroon din ng relasyon dati si Marc at si Karlo.
Tapos, parang nagpapakapost modern si Lui Rubio, dahil mahilig siyang gumamit ng panghalip na hindi agad nililinaw kung sino sa mga tauhan ang pinapanghalipan.
Tuloy, sa bawat pagsisimula ng tsapter, palaisipan kung sino ang nagsasalaysay o kaninong punto de vista, Ito ang labis labis labis kong kinaiinisan sa kuwentong ito, Sorry. Sayang kaya oras ko.

Twentyeight. BX. STARS
Ito naman, Sobrang simple. Para lang panghigh school na assignment, Kuwento ng isang tagong bisexual, Tapos uuwi sa kanila sa probinsya di upang makita ang mga magulang kundi magabot lang ng pera at makipaginuman sa mga kaklase ng high school.
May mga mangilangngilan na magandagandang paragraphs pero isa or dalawa lang at di totoong sobrang maganda para maeenganyo kang iquote dito sa rebyu.
Ano ang punto Itago na lang ang sexual preference ni Benjamin Eh, para ano pa't inisip kong Proud Gay ang librong ito

The Wedding Singer.
Dhenxo Lopez. STARS
Parang Oscar Wilde's sitelinkThe Happy Prince and Other Storieskaso sa halip na puro kalungkutan, isang masayang pagiibigan ng dalawang beki ang sinasalaysay.
Nakakatuwa ang prosa at para ka lang nanonood ng isang kuwentong bihira mong makita: paanong ang dalawang batang beki ay matututong magmahal sa isa't isa.
First gay love, nakakatuwa.

Si Adan at si Adan, Patrice Marco amp Rovi Yuno, STARS
Maambisyon paglalahad ng descent into madness, Kaso marami na akong nabasang ganito: sitelinkThe Trick Is to Keep Breathingni Janice Galloway at sitelinkAutodaFéni Elias Canete.
Kaya't di ko maiwasang ikumpara, Sinikap naman ni Marco at Yuno na gawing malinis at maayos ang paglalahad pero para sa akin, yong ganitong tema, mas maganda kung sa nobela.
Nagsuffer ang konsepto dahil sa ikli, Nice try, though.

Donato. Jon Dmur. STARS
Nakakagulat sa umpisa, Ito yong akala ko ayaw kong mabasa dito sa anthology na ito, Tahasang seks. Parang mga kuwentong hetero sa Bulgar noong araw di ko alam kung meron pa ngayon, Inisip ko na lang na walang pagkakaiba ang seks ng parehong lalaki sa seks ng isang lalaki at babae.
Lawak lang talaga ng pananaw ang kailangan, Ganyan talaga ang dapat gawin ng mambabasa upang maging bukas ang isip at di maging moralistang panis, Nangyayari naman talaga ng seks sa dalawang kapwa lalaki eh bakit di puwedeng sulatin, di ba Pero, hindi ko rin gustong isipin ang ang pinakamotibo ni Dmur ay painitin ang mga beking nagbabasa nito dahil hindi naman baboy ang pakakakuwento.
Maayos at nagustuhan ko yong mga isinisingit niya quotable quotes kagaya nito:

"Minsan hindi mo alam kung ano nga ba ang tunay na dahilan.
Iniisip mo siya dahil mahal mo siya, o nalilibugan ka lang kaya mo siya iniisip, "
Anong sinabi ni Claudine sa "Milan, " Aliw lang. hahaha

Ang Lalaki sa Pamilya, Patrice Marco. STARS
Kaya ko binili at binasa ang librong ito ay para pagbigyan ang kaibigan kong sumulat ng trilogy na ito.
Maganda naman yong una nyang librong binigay sa akin: sitelinkRainbow Haven, Loves' Cradlekaya't noong sinabi niyang may bago siyang lalabas na libro ay sinugod pa namin ito sa publisher at kami ng kaibigan kong babae ang kaunaunahang bumili.
Hindi pa nga dapat kaming bentahan dahil hindi pa nagkakapirmahan pero nagpumilit kami,

Trilogy ang kuwento rito ni Marco, Ang unang kuwento, Where to Let Go ay tungkol sa magkapatid na beki na umibig sa iisang beki rin.
Ang pangalawang kuwento, How a Letter Tries to Kill Us People, ay tungkol sa tatlong high school na puro beki at nagkaroon ng tatsulok na pagibig din at ang pangatlong kuwento, The Scrupled, ay tungkol na batang beki nainlove sa taong beki rin pero sobrang mali ang pagiibigang iyon.
Kaya siguro ito pinamagatang Ang Lalaki sa Pamilya ay dahil ang mga tauhan dito ay mga lalaking beki na inaasahang magpapatuloy ng kanilang lahi subali't naging beki so paano na Mahaba ang kuwento, kasi nga trilogy.
Binasa ko ng diretso kaso parang walang main theme o hindi ko nakita o naramdaman ito, Maayos naman ang pagkakalahad ng mga kuwento, Dami lang iyakan at medyo nakakaumay na laging sawing palad ang kinakahantungan ng nagmamahal na beki, Ipinanganak ba ang beki upang laging malungkot ang buhay pagdating sa dulo Yang nga yata ang realidad pero siguro naman may naggiging tilldeathdouspart din sa mga magkakarelasyong beki Gaya noong kina Boy Abunda o sa lesbian cohabitation, let's say si Gertrude Stein at Alice B.
Toklas

. Rovi Yuno. STARS
Ito pa yong masyadong pinahirap ang pagbabasa tapos sa dulo ay sasabihin mo hindi lang "ahhhh, ganun pala yon" at dahil medyo hindi naman pala sobrang kakaiba, puwede mo ring idagdag ang "ganun lang pala yon.
" May pareho ito sa isa sa mga kuwento ni Patrice Marco sa itaas, Yong dalawang magkapatid na na irereveal lang sa dulo.
Yun yong "ganun pala yon, " Pero maganda ang pagkakalahad at magiisip ka habang nagbabasa kung sino yong pangalawang nagsasalaysay na hindi nakaitalics, Ibig sabihin, may sariling kakaibang istilo si Yuno, di ko lang alam kung magugustuhan ito ng mga simpleng magbabasa.
Dahil binasa ko ito ng straight dahil ngayon ay Linggo at nasa bahay lang ako, medyo nakakasakit ng ulo.
Dapat siguro tinigilan ko muna, Kapag sunudsunod sa isang araw na puro beki, puro beki ang binasasa mo, nakakaumay pala,

Irreversible. Dalisay Diaz. STARS
Nasorpresa ako rito dahil ito lang ang kuwento sa antolohiyang ito na mystery/thriller, Kakaiba ang istilo at maayos na pagkakasulat, Parang si Agatha Christie. Nahusay rin ang pagkakabuild up ng climax at malinis ang presentasyon denouement, Naipaliwanag na maayos ang lahat, At ang pinakamahalaga ay HINDI ko nahulaan kung sino ang criminal, Ako na nakabasa na, modesty aside, ng buong Sherlock Holmes canon at ilan pang mystery/thriller fictions, Good job, Dalisay! Di ko na ito kakahabaan dahil importanteng hindi maspoil ang mga babasa pa ng kuwento dahil ito mystery short story.


Si Igor at ang Kanyang Prinsesa, Michael Juha. STARS
Gay romance at its finest, Romance kasi ang genre na talagang formulaic, Talagang yatang ganoon kasi dapat magtapos na masaya ang nagbabasa at magkaroon ng inspirasyong ang kanyang love life o life mismo.
Na balang araw may isang prinsepe na sa kanya'y magkakagusto at sila ay masayang magsasama habang buhay, Hays pahiram nito Patrice.

Pulido ang kuwentong ito, Epektibo ang paggamit ng dalawang alamat dahil napatingkad nito ang prosa, Iyong tipong hindi pilit at maiba lang, Natawa lang ako sa paggamit ng dahil ito ay isa sa pinakagasgas na elemento ng romance.
Sabi sa writing workshop ko noon, bihirangbihirang mangyari na ang tao ay nagkakaroon ng amnesia pag naumpog pero ito ay mabisang gawing twist sa romance dahil hindi nagbabago ang hitsura na karakter.
Kunwari, naumpog ang bidang guwapo tapos nagkaroon ng blood clot at nacoma so paano na gagalaw ang istorya kung nakaratay lang ito sa kama Hindi romance yon, dahil nakahiga na lang ang guwapo.
Puwede pa rin kasing gawing erotiko dahil sa presence ng kama, pero paano pa yon makikiparomansa eh comatose nga

Angkop na gawing anchor story itong kay Michael Juha dahil sa sandaling ipinid ang libro na nagbasa, at least, may ngiting maiiwan sa kanyang mga labi ng nagbabasa.
Natapos ko! Natapos ko! Korni mang masasabi ang romance sorry ha pero bakit ba, may karapatan din ang mga beking mangarap ng masayang buhay.


KAKAIBA ANG ANTOLOHIYANG ITO, HIGHLY RECOMMENDED SA MGA BEKING MAHILIG MAGBASA NG ROMANSA, Saya! Binigyan ko ang librong ito ng limang bituin, una, hindi rahil sa kasama rito ang aking akda, pangalawa, hindi rahil kaibigan ko ang lahat ng awtor sa libro at pangatlo, hindi para makaakit ng mambabasa bagamat ito ang aking gusto gawin kung di gusto ko lamang ipagmalaki ang antolohiyang ito ng walang yabang.
Ang limang bituin na ito ay para sa lahat ng nilalaman ng libro bawas ang sa akin,

Kasama ng dalawa pang editor ng aming antolohiya, na aaminin kong marami pa kaming kailangang malaman at matutunan, at may ilang pagkakamali pa rin ang nakalusot sa amin, pasensya na ay isa ako sa nakasaksi kung paaano isinilang ang antolohiyang ito.
Mahirap ang magedit ng isang libro dahil kasama sa pakiramdam na iyon na ang bawat pagbura mo sa salita at bawat pagdaragdag ay walang kasagutan kung ito ba ay ikinaganda o ikinasira ng isang akda.
May ilan pang akda na kailangan naming tanggalin o ipabago sa awtor upang sumakto ito sa inaasahan ng lahat at ng karamihan sa mga napiling kwento.
Kung susumahin, masaya ang mga pangyayaring naganap, marami akong natutunan, At kung bakit ang bawat penal na kwento, matapos na mailimbag ay hindi na nararapat pang baguhin, dahil sa kung ano ka ngayon at kung ano ang laman ng yong isipan, ay ito lamang ang laman ng iyong kwento.
Naisip ko na sa aking pagtanda, hindi magandang dagdagan pa o iedit ang iyong naisulat na noon, dahil ang sa ngayon ay mas matured ka na o experienced.
Ito ay pananaw bilang isang nagedit ng libro,

Ngayong irereview ko ang aming libro, Hayaan nyong sapian ako ng ibang tao at alisin sa inyong isipan na kilala ko ang lahat ng manunulat.
Eto na.

The Farm Aris Santos, Binasa ko ang akdang ito ng may kilig gayong hindi naman ako yung tipo ng taong kiligin o yung nagholding hands lang ang bida e mangingisay na.
May something para sa akin ang kwentong ito na habang binabasa ko ay nagpapangiti sa aking labi, Iba ang pagkakasulat ni Aris ng kanyang prosa, ito yung masasabing simpleng naratibo pero mahirap gawin para sa isang awtor.
Ang tanging magagawa ko na lamang ay ang humanga, Dahil mayroon itong kung ano na masasabi ko sa ingles na arresting at may oras pa na napapatigil ako upang baybaying muli ang aking nabasa.
Pinapaalala nya sa akin ang paborito kong awtor na Amerikano, si Anne Tyler, Kung papaano nya ginagawang grande ang simpleng naratibo ng pangarawaraw na buhay tulad ng ginawa ni Aris Santos, Asan na kaya si Ella, at ng maligawan, Echos.

Lui Rubio. Para sa akin, hindi kailangan ng twist o bonggang rebelasyon upang maging isang maganda ang isang akda, Ako, bilang sanay sa aking huling sinabi upang isulat ang aking maiikling kwento ay napatunayan ito sa akda ni Lui.
Tingin kong ang pagpapalitan ng boses sa akdang ito ang syang paraan upang huwag husgaan kung sino ang mali at tama at kung sino ba ang may pagkukulang at nagkasala.
Ang istraktura ng kwento ay tila ba device upang malaman ng mambabasa na ang bawat isa ay may opinyon, may pagpipilian at may sariling desisyon.
Kahit na ang dalawang tao ay nagkasundo, hindi ito kasiguraduhan na sila na hanggang katapusan, Nagtititigan ang dalawa, nagbubulungang mahal nila ang isatisa ngunit matapos nito ay may sarisarili pa ring opinyon, Na maaaring sumira sa kanilang relasyon kapag ikinuwento sa isatisa, May itinatago hindi rahil sa walang tiwala ngunit pinoprotektahan ang pagsasama,

Paid Kenji Oya, Isa ito sa pinakainformative at entertaining sa aking mga nabasa, Una, kabado ako na maging mababaw ang diskusyon ngunit ang usapan sa kwento ni Kenji ay sumampal sa akin at tila ba nagsasabing manahimik ka nga at making na muna, nawalan ako ng alam.
Ganun ang pakiramdam. Habang nagbabasa ako, yung wow ko ay may kasamang inosenteng ganun pala yun, Ang itinanim na mga tanong ng awtor na napapanahon at hindi nagging mababaw ay napagtagumpayan nyang mabigyan ng kasagutan na hindi yung dinaan lang sa salitang beki na inechos ka o kineme.
Pakiramdam ko na ako ay napangaralan, Maganda ang pagkakasulat at ang katapusan ay naitali ng maganda, Hindi naging poetic makalusot lang o magparamdam sa mambabasa na naintindihan mo kahit hindi naman talaga ngunit straighttothepoint katapusan na posibleng mangyari sa buhay, walang paligoy at pasok sa banga o di ba nga.



TwentyEight BX, Malungkot ang kwentong ito na isa sa nagparealize sa akin ng ilang mga bagay, Itinanong ko noon sa sarili ko kung bakit ang iba ay out at bakit ang iba ay nagtatago pa rin sa kanilang mga orocang kabinet.
Napaisip sa akin ng kwentong ito na bagamat maaari nating sabihan ang bida na hindi open sa publiko na bahala ka, maikli lamang ang buhay, at alam mo naman na hindi mo gugustuhing mamuhay sa pagtatago ng iyong tunay na sarili ay maiintindihan pa rin naman natin na iba ang kanyang sitwasyon, iba ang nakapalibot at ginagalawan nya kaysa sayo na out.
At dito ay hindi natin sya dapat husgahan dahil alam naman natin na kahit na ang paksang ito ng libro ay hindi sasangayunan ng lahat.
Sa pagkakasulat ng akda ni BX, ay higit kong naintindihan ang side na ito ng isa sa mga bagay na pinagtataka ko.
Ngumiti.

The Wedding Singer Dhenxo Lopez, Isa sa aking paborito. Makikita mo ang kakayahan ng awtor na magsummon ng pakiramdam sa kanyang mambabasa ayon sa kanyang isinulat, Isa akong sentimentalist kaya naman mahilig akong magbasa ng malulungkot, Pero iba ang kwentong ito, ng malaman ko ang kahahantungan, ay masyado akong nagging apektado, Masyadong nainvolve. Naging panatiko na sana ay may kasunod, sana ay ganito ang nangyari o sana ay ganoon ang naganap, Ngayon naisip ko na wala yan sa tema kung malungkot man o maganda, nasa talent ng manunulat upang iinvolve ka sa iyong nabasa.
I felt like cheering at the end of the novel, Cheering also for the authors talent,

Si Adan at Si Adan Rovi Yuno at Patrice Marco, Bagamat may kasama akong sumulat nito, magiging bias ako kung magkokomento ako rito, Ang tanging magagawa ko na lamang ay ang sumama kay Adan at Adan,


Donato Jon Dmur, Ang Donato ay yung tipo ng akda na hindi ko kayang ikwento sa pamamagitan lamang ng pagsasabi ko ng the story was shocking,
Avail Yourself Michaels Shades Of Blue Anthology: 13 Stories Of Love, Hunger And Paranoia Assembled By Michael Juha Readily Available As Audiobook
hilarious, moving and outrageousibinaba na ang diksyunaryo dahil hindi ito sapat para ilahad ko ang aking nararamdaman habang binabasa ang kwento.
Magagawa mo lamang itong ilahad kapag binasa mo ang buong kwento sa taong gusto mong pagkwentuhan, Hindi mo rin naman ito magagawa dahil sa ayaw mong ispoil sa iba ang iyong nabasa, Ilan na sa mga akda ng awtor ang aking nabasa bago rito at palagi nya akong pinapailing at higit, pinamamangha.
May trademark prosa ang awtor na si Jon Dmur na aking nagustuhan, Yung bawat salita pa lamang nya ay naiisip mo na ang setting ng kwento, na luma ang lugar, na klasiko ang pagkakasulat na aking gustonggustong mga binabasa.
Ang tanging masasabi ko na lamang ay masaya ako na isa ako sa unang nakabasa nito, dahil sa kung hindi pa sapat na nabasa mo ang akda, at least ay isa ka sa unang nagbasa.
Ang Donato ay masasabi kong the gay Fear of Flying ng paborito kong awtor na si Erica Jong,


Ang Lalaki sa Pamilya Patrice Marco, Ako ito, at tikom ang aking bibig maliban na lamang sa pagsasabi na binubuo ito ng tatlong magkakaibang kwento.
Gusto ko lamang sabihin na ang Ang Lalaki sa Pamilya ay

Rovi Yuno, Isa ito sa pinakainsightful at consciousnessraising sa aking mga nabasa sa antolohiya, There are times while reading when I ask myself on, what will I do if I am at that point in my life like of the characters in the story It somehow makes me grasp for answers through the story and what Ive found makes me wished I dont suffer the same fate as they have for I really dont know what Ill do as they are.
I would describe Rovis prose as something creamy and flowing, Epistaxis. Hindi ninanais ng kwentong ito na gumulat, bagkos ay magpaexperience ng isang bagay na ang ilan sa atin ay natitiyak na hindi nila mararanasan sa buhay.
This makes me realize something why I read fiction, to learn of others particularly the authors opinion, And to experience a life in which I am somehow sure Ill never lived, Oh, please Mr. Author, huwag mo akong pagsalitain ng tapos at the age of,

Irreversible Dalisay Diaz, Itong manunulat na ito, bago ko pa man mabasa ang akda nya sa antolohiyang ito ay nagawa ko ng basahin ang kanyang mga sinulat.
Kung malalaman mo ang aking iniisip, ito yung awtor na masasabi mong isa sa lakas ng libro, Ang kanyang akda ang isa sa nagbigay ng kakaibahan sa antolohiya dahil sa ito lamang ang mayroong thriller na tema.
At dahil nagiisa lamang ang akdang ito na mayroong ganoong paksa, ay magsolo nya ring ng awtorpapasanin ang kritisismo.
Dahil sa akdang ito, nakikita kong ang ibang mambabasa rin ay makikilala ang temang thriller bilang isang Irreversible at hindi lang viceversa.
Una ko itong binasa na kakapakapa at hindi alam ang mangyayari, May kabanata na alam kong walang nangyari pero nagiiwan ang awtor ng kung ano na magpapaisip sa mambabasa na, hmm, ano kaya ang magaganap na masasabi kong hindi talaga walang nangyari kung hindi, hindi ko lamang nahalata.
Sa huli, malalaman mong hindi ka dinaya ng awtor dahil sa secondreading o ang muli mong pagbasa sa akda ay magpapamangha sayo kung papaano binuo ng awtor ang kanyang kwento, higit pa, ang fullyrealized at pulido nitong structure.
This masterpiece reminds me of Agatha Christie with the authors Dalisay own originality in whodunnit with parts of Ruth Rendells famous whydunnit.


Si Igor At ang Kanyang Prinsesa Michael Juha, Sabi ko noon bakit kaya may prinsesa Hala baka may issue, may thirdparty Chos, Hindi ko alam paano sasabihin ang tuwa ko sa akdang ito, Since gusto ko ang historical fiction ay binusog ako ng awtor dito na higit kong ikinatuwa, Ang folklore ng kwento ay magandang naisulat at maaaring standalone, Dito ay halata ang higit na talento ng awtor, Masasabi kong ang may akda ay isa talagang magaling na manunulat, Natuwa rin ako kung papaano nya binuhol ang buong kwento, para akong nanuod ng isang magandang teleserye sa telebisyon, hindi tipikal na twist ngunit tila ba isang buhay na puno ng desisyon na talaga namang kaabangabang.
Ang kwentong ito ay pinuno ng lahat, pagasa, pagiibigan, desisyon, pagiisa, pagkilala sa sarili at higit sa lahat ang mabuhay ng walang inaapakang tao.
Masasabi mang escapist, tulad ng paborito kong gay author na si Gordon Merrick, ay ganito naman dapat na inilalarawan ang buhay pagpasensyahan, walang di magandang intensyon beki.
Masaya at makulay. Kaya nga gay eh.

Rekomendado ko ang librong ito, hindi dahil sa aking mga naunang sinabi bagkos ay upang makapagpahayag at maintindihan.
Gaya ng sabi sa libro, lahat naman ito ay maaaring mangyari sa bakla man o tomboy, straight man o hindi, lalaki man o babae.
Sa madaling salita, basahin nating lahat, Ngiti.
.