talagang companion ang mga akda ni iwa kapag may pupuntahan kayong lugar malayo sa bahay at di ka makapagdecide kung anong libro ang dadalhin kapag ayaw mo makipaghalubilo sa mga tao.
madaling basahin, light read, oo, pero tangina pagdating sa dulo wasak na wasak ka kasi ang solid ng pagkakakuwento ni iwa,
Nagluluksa ako ngayon. Ganito ba ang talab, ang amats ng dubi, ng techno Sa pulang kabayo lang ako nalalasing at nanghihina, pero heto ako, malumbay, may hangover sa Migrantik ni Iwa.
Magaan pasadahan tulad ng nakasanayan kong pagkukuwento ni boss Iwa sa Responde, Banayad talaga, at napakagaan. OFW blues ang galawan sa katauhan ni Tony,
Wala, patlang ako ngayon, Gusto ko gumawa ng magandang review, tangina, WASAK at SABOG ako, Parang iniwang nakabitin sa ere,
Basahin ninyo. Solid
Dont get me wrong, hindi bitin ang kuwento spoiler alert pero ang lupet lang kasi ang saya saya ko, damangdama ko ang mga digs, pero pucha, sasampalin ka pala ng realidad na kahit sa punto de bista milyamilya man ang layo at ilang karagatan man ang mamagitan, tanaw na na tanaw ang danas ng tipikal na Filipino, mapaPinas man o abroad.
Sabi nga ni Tony aka Rizal “wala kang maaasahan sa mga motherfuckers, Ang sinumang umasa sa motherfuckers ay isa ring malaking motherfucker,
Digs.
“Migrantik” is a historical and domestic fiction about an overseas Filipino worker, named Tony De Guzman, it indulges his bittersweet lifes journey abroad.
The quirky style of storytelling and the quite depressing story itself brings you to the thought that life isnt always what we dreamed of.
It is different and ruthless,
“Migrantik” isnt just a story of Tony but the millions of Filipinos in the poverty line the fact that it presents you with the neglected truth of the Philippines' dark age of fascism, and will give you a deeper insight into the social and economic issues being incompetently addressed for years and has an expressively significant role in the plot.
Others might say, “Migrantik” is a story of resilience, but as you were reading it, page by page, it is a misfortune and because of “no choice”, although the flow was powerful and continuous you couldnt get a hint on how it will end.
How did it end Go read Migrantik by the awardwinning Filipino author Norman Wilwayco,
And Thank you to Penguin Random House SEA for sending me a copy, Ang Migrantik ay ang Bulosan's Grand Theft Auto sa panahon ng EJK, war on drugs, paid trolls, fake news, fentanylo sa panahon ng ultra pasismo sa ilalim ng paboritong pup ni Jinping.
Kung ako ay may karanasang kaya kong kulayan ng ganito katingkad, sa ganitong paraan ko gustong ikuwento, Pero alam ng sinumang manunulat na bumabasa kay Iwa na s'ya lang ang may kakayanang magkuwento sa paraang laging may balanse ang gaspang at likot habang masigasig na nagaangat ng kamalayan.
N/M/ananatili si Norman Wilwayco bilang isa sa mga pinakakapanapanabik na nobelista ng kan'yang panahon,
Libolibong insekto ang sumasailalim sa tinatawag nating “metamorphosis”, Ito ay ang kamanghamanghang pagbabagonganyo ng isang ORDINARYOng insekto,
Bilang isang ORDINARYOng tao, marami sa ating mga kapamilya, kakilala at kapwa tao and datiy walang wala, na magpupumilit, magbubuwis ng buhay, at magsasakripisyo upang makapunta at makapagtrabaho sa ibang bansa upang matustusan ang ibatibang pangangailangan sa buhay.
TAPANG, TALINO at, LAKAS NG LOOB ang dapat baunin sa ganitong pagkakataon, Sa oras na malayo sa iyong pamilya, tanging SARILI mo lang ang iyong mapagkakatiwalaan, "Putangina parang sasabog yung dibdib ko sa lumbay, Juskolord"
Makulit ang kwento ni Tony, o baka makulit lang ang pagkakakwento ni Norman, o baka naman parehas, Ito yung kwento ng kulit na alam nating lahat pero hindi madalas pagusapan, Normal na kasi siguro na may mga kamaganak tayong bulakbol, o kamaganak na kumakayod sa abroad, o kamaganak na bulakbol na kumakayod sa abroad.
Si Tony ang kaluluwa ng nobela, Hindi naman out of this world ang karakter ni Tony, pero genuine, May panindigan yung karakter. Mainitin ang ulo, balasubas, emosyonal lalo na sa pamilya, at higit sa lahat, sabog literally, Ang kwento ng Migrantik ay kwento ni Tony, Sumasaliwa sa generic ultradignified OFW archetype si Tony kaya hindi boring ang pagkalago ng karakter, Hindi ako magugulat kung bigla kong makitang cancelled si Tony sa twitter dahil sa pagiging balasubas minsan, pero dahil pinaninindigan ito ng nobela, grounded ang karakter at may dignidad ang kwento.
Ang ibang karakter ay ayos lang, Hindi ganoon kalalim ang pagkakadevelop sa kanila pero hindi naman ganoon kailangan, tutal nakikita lang ang mga karakter sa kung paano sila nakikita ni Tony.
Cute at precious si Alex tukmol to the core si Shyam, Sa Kuya lang ako nanghinayang, kaunting development pa siguro't mas masakit ang suntok sa dulo,
In general, madali basahin at nakakaaliw ang mga chapter, Nagustuhan ko ang pagkakahati sa tatlong character arcs parts ng nobela, Ayos lang ang ending, hindi nakabibigla dahil buong nobela na itong tema, Sapatsapat lang para iwrapup lahat, Nagtransition mula sa loose social rant ang attitude ng nobela papunta sa isang attempt ng deep social commentary sa dulo, Mejo naging bland lang dahil nakulangan akonng kaunti sa emotional burden dahil nga 'di ako ganun kainvested sa Kuya, Hindi na bago ang EJK scenario pero kung mas invested siguro sa karakter ng Kuya ay mas mabigat ang suntok ng mensahe,
"Emptiness" ang pakiradam sa dulo ng nobela, hindi dahil walang lalim o laman ang nobela, pero dahil sa lahat ng lalim at laman ng kwento ni Tony ay naiwan parin siyang said.
Solid. Well, what can I say I've been reading Norman since his Mondomanila days, He is the definition of a transgressive author, He has broken down and spat on every known convention in writing fiction, and he continues to elude the grasp of conehead academics who will never fully comprehend the depth and significance of his work.
MIGRANTIK occupies a different era in the evolution of Tony, his leading character, who is omnipresent across his other books, Is this the same Tony in Rekta, or Mondomanila No, of course not, This novel has the technical refinement that people have 'demanded' of Norman for years, with shrill voices "bakit ang bastos mo magsulat!"
But many people don't realize that Norman was never bastos.
Ang lipunan ang bastos,
Ang MIGRANTIK at ang ibang nobela ni Norman ang salamin ay mga salamin kung paano tayo patuloy na binabastos ng lipunan.
Papasok na ulit ako ng trabaho pero nararamdaman ko pa rin 'yung lungkot ng buong nobelang natapos ko habang papauwi kaninang umaga,
Potek kasing trapik 'yan, Muntik na tumulo ng isang patak 'yung luha ko nung matapos ko 'yung Migrantik, e, Ito na siguro ang pinakamagandang bagay na naidulot sa akin ng trapik, Ang makatapos ng nobela. But wait, there's more. Ng magandang nobela.
Repa,
instant fan agad ako ni Iwa nung mabasa ko 'yung Mondomanila, tapos nabasa ko 'yung Responde, Rekta at noong nakaraang taon lang e 'yung isa pang wasak niya na nobelang Gerilya.
At eto na nga, ang Migrante,
Kung nasundan mo ang buhay ni Tony De Guzman sa mga naunang libro ni Iwa, Magugulat ka sa transpormasiyon niya sa Migrantik, Adik pa rin naman sa ganja pero nagmature na Tony na ang nasa bago niyang libro, Mas may puso, mas nakakaintindi at siyempre galit sa DDS, Putek sino ba namang 'di magagalit sa mga 'yon,
Ang gaangaan pa rin sa akin ng lengguwahe ng mga akda ni Iwa, Ganito iyong mga kuwentong kahit mabasa ng mga tropa na hindi nagbabasa e okay lang, siguradong magugustuhan nila dahil madaling sakyan ang kuwento.
Tuloytuloy kong binasa yung Migrantik kahit nasa trabaho ako at sumasagot ng mga email ng mga customer na ang hirap paliwanagan.
Hanganghanga pa rin ako kung gaano kagaling magkuwento si Iwa,
Spoiler: Talunan ang ilang pangungusap,
Gustonggusto ko 'yung part na naguusap sa pamamagitan ng Google Translate,
Pati 'yung mga kamaganak na kumukontak na lang bigla kahit hindi nakausap ng isang siglo,
Balik sa review,
Sa Migrantik, kahit 'di ka ofw, mararamdaman mong ofw ka at naroon ka sa Australia, Palaging nakakalungkot ang mawalay sa pamilya, Kaya kung ofw ka at 'di pa 'to nabasa dapat mo ring mabasa ang buong nobela,
Kapangyarihan na ata ni Wilwayco na dalhin ang mga mambabasa sa kuwento at iparamdam sa aming mga nagbabasa na kainuman namin si Tony de Guzman.
Saludo sa iyo Sir Iwa! Time!
PS: Kung nagsusulat ka at 'di mo pa nabasa kahit isang nobela ni Norman Wilwayco, o kahit isang maikling kuwento, subukan mong basahin repa.
Magbabago ang buhay mo. Baka hindi mo na rin kaboses ang mga manunulat noong, .
Pick Up Migrantik Envisioned By Norman Wilwayco Issued As EPub
Norman Wilwayco