Secure Halimaw Sa Wawa (B1 Gang Case File, #1) Picturized By Joey E. Alcaraz Readable In Edition
remember reading this back when I was in grade school, It's the only Pinoy series that captivated me, to be honest, It is so much like Nancy Drew/Hardy Boys but with more Philippine flare, It is funny, adventurous, scary and you will learn so much about the country's history, I also love the camaraderie of the four main characters, Filipino writers are one of the best, too bad they are always being underestimated, Pinagisang review para sa series ng BGang na Maskara Ni Longino , Mata Ng Diyablo , Halimaw Sa Wawa , Ang Lihim Ng Dilim , Hiwaga Ng Nawawalang Agila
Nabasa ko ang ilan sa mga adventures ng BGang noong elementary pa lang ako.
Ang mga ito ay ang pinakauna kong mga kwento na nabasa ko sa labas ng paaralan, kwento na hindi tinuturo ng mga guro.
Naalala ko, nakatambak lang sa kwarto ng tita ko 'tong mga librong ito, kasama ng sandamukal na romance na pocket books niya na galing precious hearts romance.
Napansin ko ang mga librong ito dahil hindi pangkaraniwan ang laki nito sa mga pocket books ng tita ko, Napansin ko din na hindi romance ang tema ng mga ito dahil sa title na hindi sinaunang lovesong o kaya ay romantic na pelikula, at sa cover nitong mga batang nakanganga sa sobrang takot o gulat.
malayo sa cover ng romance pocket books na kung hindi lalaking nagmumura ang muscles sa katawan, ay dalawang magsyota na sarap na sarap sa pakikipaghalikan.
Naging intererado ako, binuklat ko ang Maskara Ni Longino
binasa ko, nagustuhan ko, bumuklat pa ko ng isa Apoy Ng Diyablo ata natapos ko, hiniram ko lahat ng BGang ng tita ko.
sayang dahil hindi kumpleto , may kulang pang lima o anim na adventures binasa ko sa bahay at tuwang tuwa ako dahil
hindi lang madaling basahin at intindihin, punong puno din ito ng mga misteryo.
Yung iba may halong horror, pero hindi naman gaanong nakakatakot para sa batangbata kong pagiisip,
Sa totoo lang, hindi ko na maalala ang pagkakasunod sunod ng mga binasa ko, Hindi ko na rin maalala yung ibang detalye ng mga kwento, Basta ang alam ko, nagustuhan ko ang mga librong ito, at dito nagsimula ang kagustuhan ko sa mga mystery books, Matagal bago nasundan ang pagbabasa ko ng ganoong tema ng kwento dahil wala nang ibang libro ang tita ko kundi puro romance.
Sa pagkakaalala ko inarbor ko sa tita ko yung mga BGang na hiniram ko, kaso hindi ko na alam kung saan na napunta.
Di ko alam kung may humiram ba at hindi na naisoli o nadonate na sa mini library ng classroom namin nung elementary.
Ganun pa man kung nasaan man ang mga librong yon, sana nasa mabuti silang kamay at sana may mga bata ring magkamaling buklatin at basahin ang mga iyon.
Sana marami pang batang na tulad ko dati na nagkaroon ngayon nang hilig sa pagbabasa,
May nagbuwis na naman ng buhay sa wawa! Iyan ang balitang mabilis na kumalat sa bayan, Totoo nga kayang may halimaw sa wawa na siyang naniningil ng buhay bilang kabayaran sa pagkawala ng matandang Krus Ngunit hanggang kailan kailangang magbayad ng buhay ang mga tagaroon O totoo kaya ang kuwento ni Lolo Ute ukol sa isang kaharian ng mga duwende, ada at iba pang lamanlupa Iyan ang mga katanungang sasalubong sa BGang.
Pamahiin at takot ang pinakamalakas na katunggali ng ating barkada, Paano nilang mapapatunayan na ang lahat ng mga nangyayari ay may paliwanag gayong sila man ay nakakasaksi ng mga mahihiwagang bagay idk i am about to read itst A co creator of the BGANG series, Joeys writing experience was honed in the movies.
He has written scripts for films and numerous TV specials, Some of the artists who has acted in his stories are Vilma Santos, Maricel Soriano, Vic Sotto, Leo Martinez, Peque Gallaga, Laurice Guillen and Johnny Delgado.
Joey also won the grand prize of the INCth Anniversary International Playwriting contest in, .