Pagibig sa Mata ng Unos ay isang malikhaing nobela na nakabatay sa kasaysayan at malikhaing paggamit ng imahinasyon para maging makatotohanan na nakaugat sa buhay.
Ang nobela ay tungkol sa buhay at pagibig nina Andres Bonifacio at Gregoria de Jesus
sa bungad ng Rebolusyong ng.
Masasabing kasaysayan ito ng pagiibigan ng Lakambini at Supremo ng Katipunan,
Sa nobela, si Ka Andres at Ka Oryang ay dalisay na mga ato sa sinapupunan ng panahong sumaklaw sa kanilang tadhana.
Nagibigan sila, nagsuyuan, ikinasal at nagkaroon ng supling sa nakatitigatig na panahon bago sumabog ang pinakaunang himagsikan laban sa dayong manlulupig sa Asya at Africa.
Unang libro ni Landicho na binasa ko, Si Landicho nataon lang ang kabataan sa nanay ko, Kung nabigyan lang nag pagkakataon na magsulat ang aking ina, siguro mas maganda pa sa librong ito, Noong kabataan ko ay nakabasa pa ako ng dulang sinulat ni ina para sa pagdiriwang ng pista ng barangay.
Tungkol ito sa manok ni San Pedro, Di ko pa naintindihan ang dula pero dahil nanay ko yon, parang pakiramdam ko ang gandaganda ng dula.
Unang libro ring binasa ko tungkol sa ating bayaning si Andres Bonifacio, Para eksakto, tungkol ito sa pagiibigan nila ni Gregoria "Oryang" de Jesus, Pati halinghing ng pagtatalik nila ay narito pero malinis ang pagkakasulat at hindi bastos, Parang mas nakasento ang punto de vista kay Oryang at sekondarya lang kay Bonifacio, Nagsimula ang kuwento na maysakit si Oryang at siya ay kinakandili ng kanyang pangalawang asawang si Julio Nakpil.
Akala ko, sa dulo ng kuwento ay babalik sa unang kabanata at ipapaliwanag kung paano napunta na si Oryang kay Nakpil.
Hindi. Kulang din sa paglalarawan ng katauhan si Landicho, Sana ay binigyan ng kuwento ang saloobin ni Bonifacio at ni Oryang at di lang sumentro ang kuwento sa mga pangyayari na parang pangkaraniwan naman.
Kumbaga, ang mga produkto ng imahinasyon ni Landicho para punan ang kuwento na makagawa ng isang libro ay hindi nga imposibleng mangyari ngunit hindi naman kaganyakganyak o kahangahanga upang ang pagbabasa ay hindi maging kabagotbagot.
Dami ko pang sinabi, Ngunit ang gusto ko lang naman ipahayag ay nakakabagot ang maraming pahina ng libro, Maganda sana ang prosa ni Landicho lalo na yong pagsasalita ni Oryang o ang salitaan nilang magasawa, Namumutiktik ng salitang "mahal" at ang liriko ay parang duduyan sa iyo sa pagibig o sa alaala ng mga pagiibigang minsa'y naranasan mo sa iyong kabataan.
Kulang din ang paglalarawan sa tagpuan o sa pinangyarihan ng mga tagpo, Sana inilarawang maiigi ang bahay ni Bonifacio sa Tondo, Ang lugar kung saan niya ginagawa o ang lugar sa harapan ng Binondo Church kung saan niya tinitinda ang mga baston at abaniko.
Ang bahay ni Oryang sa Caloocan, Ang inupahang bahay ni Oryang at Bonifacio sa Malabon, Ang kuta ng mga katipunero sa Morong, Sana, pinaikot ni Landicho ang kanyang imahinasyon para mas buhay ang kanyang kuwento,
Yon lang. Maganda sana ang idea ng aklat, Historical fiction nga, pero puwedeng magambag sa mga mangilanngilang aklat na nasulat tungkol kay Bonifacio at Oryang,
Pero sa kabuohan, okay pa rin ang aklat, Hindi ko gusto, di ko rin ayaw, Makakatulong upang aking mas mabigyang halaga ang darating na Araw ni Bonifacio ngayong Biyernes, ikang Nobyembre,
Mabuhay ang Supremo! Mabuhay ang Lakambini ng Katipunan! Domingo G, Landicho obtained his Bachelor of Arts and BS in Journalism degrees from the Lyceum of the Philippines, and an MA in Education at the National Teachers College.
He later earned his Bachelor of Laws degree at Lyceum, In, he obtained his Ph, D in Filipinology from the University of the Philippines, where he has served as Writer in Residence and professor at the Department of Filipino and Philippine Literature and associate director for criticism at the Institute of Creative Writing.
His published poetry and fiction include Paglalakbay, Mga Piling TulaHimagsik, Mga Nagkagantimpalang KuwentoSa Bagwis at SigwaNiño EngkantadoAlay Katipunan ng mga Piling TulaTula sa Ating PanahonDomingo G.
Landicho obtained his Bachelor of Arts and BS in Journalism degrees from the Lyceum of the Philippines, and an MA in Education at the National Teachers College.
He later earned his Bachelor of Laws degree at Lyceum, In, he obtained his Ph, D in Filipinology from the University of the Philippines, where he has served as Writer in Residence and professor at the Department of Filipino and Philippine Literature and associate director for criticism at the Institute of Creative Writing.
His published poetry and fiction include Paglalakbay, Mga Piling TulaHimagsik, Mga Nagkagantimpalang KuwentoSa Bagwis at SigwaNiño EngkantadoAlay Katipunan ng mga Piling TulaTula sa Ating PanahonDupluhang Bayan at Dalawa pang Tulaand Apoy at Unos Katipunan ng mga Tulang Popular.
His numerous awards and recognitions include the Palancas, CCP Balagtas Awards, KADIPAN Literary Contest, Catholic Mass Media Awards, and Institute of National Language Awards.
He was Director for Asia of Poet Laureate International, member of PEN International, and honorary member of International Writers' Workshop, University of Iowa.
sitelink.