Start Reading Sangkatauhan Sangkahayupan: Mga Kuwento Developed By Alvin B. Yapan Available In Readable Copy

these stories:

gayuma
ang birhen sa paanan ng buwaya
ang tauhan niyang si emil
himala
apokalipsis Kafkaesque ang mga kuwento rito ni Alvin Yapan.
Hindi sa pagsasanib ng tao at hayop o insekto kagaya ni Gregor Samsa sa Metamorphosis ni Frank Kafka kundi yong madilim, malupit, at nakakabangungot na mundo ng mga tao't hayop sakuwentong nasa aklat na ito.


Nariyan ang pusang nakatira
Start Reading Sangkatauhan Sangkahayupan: Mga Kuwento Developed By Alvin B. Yapan Available In Readable Copy
sa ilalim ng manhole ng dalawang dekada "Regalo" o ang katulong na bumababa sa ilalim ng lupa sa pamamagitan ng hagdanang mayhakbangan dala angtasa ng tsaa para sa kanyang amo at dalawang kaibigan nito "Ang Maitim na Kuwento ng Tore ng Babel" o ang paglalakad ng isang mayaman at magandang dalaga sa tabi ng North Expressway ng mga kung ilang araw upang iuwi ang may sakit na kasintahan na lulan sa karitong hinihila ng puting kalabaw "Gayuma".


Nariyan din ang babaeng laging naiinlove sa mga bading na guwapo "Pagibig sa Ikatlong Daigdig" o ang mahirap na nanay na nagrereklamo sa opresyong naramdaman sa pagpapabili ng titser ng illustration board sa anak ganoon kinukuha niya ang pambili sa sandamakmak na paglalaba o sa bantang pagbawi ng naghaharing uri sa lipunan gobyerno, simbahan o mayayamang tao ng lumuluhang larawan ni La Aunor "Himala" o ang pinakamalapit sa pagiging kafkaesque ng mundo ni Franz Kafka: "Ang Bugtong ng Manok at Agila" dahil nariyang ang pagbabagong anyo Gregor Samsa o ang pagkakakulong ng walang malinaw na dahilan K sa "The Trial" at ang opresyon ng naghaharing uri sa pangkaraniwang tao.


Pero hindi ito aklat na seryoso't nakakabagot basahin, Tawa ako ng tawa sa "Gayuma" doon sa linyang "Binugahan ng usok ng kanilang mga tambutso ang dalaga kung alikabok lang pala ang hanap niya" p.
o yong "Galit na sya sa sunglasses na suot ni Rick" p,o yong nagtalo na ang dipinangalangang babae at si Nora Aunor tungkol sa kung sino ang may karapatan sa lumuluhang larawan ng huli.


Pero ang pinakapaborito ko pa rin ay ang "Regalo" kahit nabasa ko na ito sa "Labintatlong Pasaway" na antolohiya ng mga maikling kuwentong editor si Jun Cruz Reyes.
Hindi ko na talaga malilimutan ang isang yon, about human being ang nature
My overall rating for this book is ,, so I decided to round it up toinstead, I liked these stories: "Gayuma", "Ang Maitim na Kuwento ng Tore ng Babel", "Himala", "Apokalipsis", at "Regalo".
Ang mga maikling kwento ni Yapan ay dinala ako sa isang daidgig kung saan karaniwang nagtatalik ang mga uri ng panlipunan realismo at ng urban myth.
Akoy naaliw, namangha, at natakot sa mga kwentong hindi mo karaniwang maririnig sa araw araw pero tumutukoy sa panlipunan kondisyon ng mababang uri, dagdag pa ang mga anthromorpikong karakter na nagbigay ng hiwaga sa mga kwento.


Ang materyal na ginamit ni Yapan ay nagpanumbalik ng naratibong hindi mo na matatagpuan sa panahon ngayon na magbibigaykabuluhan sa kwentong balbal na sumasalamin sa buhay ng Pilipino.
Hindi ko na rerebyuhin isaisa ang mga maikling kwento sa koleksiyong ito dahil paniguradong mauubusan ako ng sasabihin at magiging parepareho lang ang paglalarawan ko sa mga kwento.


Sa kabuuan, maganda at malaman ang Sangkatauhan, Sangkahayupan, Hindi ko lang talaga alam kung may narealize ako sa mga kwento ni Yapan, Sa palagay ko naman ay meron dahil hindi ko naman masasabing malaman ito kung wala, Hindi ko lang siguro maipahayag ng wasto at maisalarawan gamit ang mga salita ang mga narealize at natutunan ko.


Ang galing naman kasi talaga ng pagkakasulat ng mga kwento, Pagiisipin ka talaga. At bibigyan ka pa ng kung anuanong emosyon habang binabasa mo ang kwento, Andiyan na malulungkot ka, mabibighani, mangangamba, kikilabutan at kung anuano pa na makakagulo sa iyong puso at damdamin,

Pinakapaborito ko sa antolohiyang ito ay ang Regalo na may pinakamalakas ang naging impact sa akin, Kinikilabutan talaga ako habang binabasa ang kalahating parte ng kwento, Untiunti ko na kasing narerealize kung ano ang gusto iparating ng kwento base sa pagkakaunawa ko,

Ang ibang kwento naman ay masasabi kong may sarisariling lalim at babaw at hangarin, Nasa sa iyo na lang kung paano mo siya babasahin at iinterpret, Iyon naman ang kagandahan n'on,

Sa huli, naging makabuluhan ang pagbabasa ko ng Sangkatauhan, Sangkahayupan, Panigurado, isang araw, babasahin ko ulit ito at nanamnamin ang bawat letrang nakalimbag sa mga pahina, Iiyak, tatawa ka sa mga kuwento, Ramdam mo ang pinagdadaanan ng mga tauhan sa kuwento, dahil bahagi ka nung mundong iyon, "Walang kamanghamangha sa labolabong at halos likas na tambalan at talaban ng mito at reyalidad, ng ditunay at katotohanan, ng talulikas o sobrenatural, at pangarawaraw o karaniwan, sa bansang Pilipino na mababalangkas sa mga naratibo ni Yapan.
. . Pinanunumbalik ng mga ito ang nawawalang at nakakalimutang Kasaysayan na magbibigaykatuturan sa mga laberinto at metamorposis ng sangkatauhan at sangkahayupang Pilipino.
" mula sa Pambungad ni Oscar V, Campomanes.