Gain Ang Nawawala Fabricated By Chuckberry J. Pascual Rendered As Print
ang pagkakasulat ng kwento, Nakakabitin sa huli. Nawawala pati karugtong Actual Rating: , Ang Nawawala is a portrait of a small town in the eyes of Brigido or Bree, the barangay hall receptionist who unwittingly started a 'detection' career as things and animals and people suddenly disappear.
I like the laidback tone of this novel which is more like an interconnected story collection and the rich characters populating the stories, However, I was not THAT hooked on the book and I felt like there was nothing to hold on to as the events pass by in a blur.
Aww man, I really liked this one and I didnt expect, Outright you would think the stories are simple and direct, but you know a lot is being said about whats going on, Social commentary ika nga nung foreword ni Jun Cruz Reyes, There seems to be magic realism involved, but the realism really balances it out, Bewilderment abound in this book and Im entertained, Very intelligent writing but grounded in nature, Kumakawala at nagwawala ang mga kwento ni Pascual dahil nawala o winala niya ang ilang kumbensyon sa tradisyunal na pagkukwento,
Eros Atalia Marginalisasyon ng mga bakla ang tema ng aklat na ito, Kuwento ni Brigido o Bree, isang baklang parlorista na naging receptionist ng Barangay Talong Punay dahil nagustuhan ng kapitan nito ang kanyang masahe, Si Bree ang naging Sherlock Holmes dahil sa kanyang deductive reasoning mula sa nawawalang bangus hanggang sa nawawalang payong,
Maagang naulila. Kinatulong ng mga kamaganak. Pinagmalupitan. Nagpunta at nagpalabuylaboy sa Maynila, Nakiinom sa isang parlor. Kinaawaan ng mayari. Naging receptionist. Pinalayas ng inuupahan dahil hindi nakabayad ng tatlong buwan sa tinitirhang bodega, Wala kasing suweldo bilang receptionist kahit pumapasok arawaraw, Kahit ang mga naipundar na kama at dalawang monobloc ay kinuha pa ng landlord bilang kabayaran sabuwang renta,
Ang mga kuwento rito ay tungkol sa nawawalang kung anuano bukod sa bangus at payong: kutsilyo, singsing, anghel, mukha, kalapati at maging ang sagot kung nasaaan si Deepak.
Ngunit kung pakalilimiin, ang totoong nawawala ay ang tamang pagtanggap at pagpapahalaga sa bakla bilang tao, Kahit tootong pinakikinabangan si Bree, sa wala't wala rin napupunta ang kanyang mga pagpapakapagod o sakripisyo, Sa trabaho man o sa pagibig, hindi pa rin siya totoong tinatanggap o totoong minamahal,
Mahusay ang pagkakasulat ni Chuck Pascual kahit na yong pinakaunang kuwento ay nabasa ko na sa Kumpisal, Tipong mga maikling kuwento ito pero kagaya rin ng Sherlock Holmes, may mumunting koneksyon ang mga kuwento kaya puwede na ring lumabas na nobela ito, Tipong mga susunod pa rito dahil bitin ang dulo, Hindi masama, kaabangabang kung ano pa ang kakahararaping pakikipagsapalaran ni Bree, MESSY GENREBINDING WITH POVERTYPORN AND PURU KABAKLAAN PLUS SOCIOPOLITICAL COMMENTARY ON THE SIDE,
Tired AF, but will ask questions on the book discussion about that knife, BECAUSE I NEED CLOSURE OKAY HORMONAL AKO TODAY ANG PAGHAHANAP SA NAWAWALA: Pagsama sa paghahanap at munting pagiimbestiga ni Bree sa Talung Punay
Ang mundo ni Bree, isang “receptionist” sa Barangay Talung Punay ay madaling pasukin.
Hindi ito mahirap kilalanin dahil ang Barangay nila ay katulad ng mga Barangay na mayroon tayo sa ating lipunan, Hindi na rin bago ang mga tauhan sa loob ng aklat, ngunit ito ang kalakasan nito, naisulat nang mahusay ang mga tauhan sa libro dahil hango ang mga tauhan sa mga nakakasalamuha natin sa ating komunidad.
Lalo na si Bree, ang kaniyang pisikal na anyo ay hindi na bago sa ating panitikan pero sa pagbibigay ng manunulat ng katangian at kapangyarihan na mangusig at magimbestiga nabigyan tayo ng bagong itsura ng bakla na umiigpaw sa isteryotipong pagkakarakterisasyon.
Lalo na kung paano ipinupuwesto ng manunulat si Bree sa bawat paghahanap nito, Nakita natin ang pagkaabsurdo ng kaniyang pagiisip sa “Ang Nawawalang Kutsilyo” kung paanong ipinakita sa atin ng manunulat na ang nawawala sa kuwento ay nawawala pa rin sa dulo ngunit para kay Bree at sa mga taga Talung Punay nahanap nila ang nawawala.
Bukod doon ay marami pang inihain ang manunulat na kuwento sa buong libro, mga kuwento na hindi na bago sa atin pero binibigyan ng manunulat ng bagong lalim.
Hindi mo kailangang halukayin ang kuwento para lang makita kung ano ang pinaghalawan, dahil mismong karanasan mo maaari mong makita sa loob ng mga kuwento sa libro ng Ang Nawawala.
“Immersive” ang karanasan ko sa pagbasa ng buong aklat, may mga pagkakataon na pagkatapos ko magbasa ay hihinga muna ako tulad ng dati kong ginagawa ngunit hindi ako papayag na matengga ng ilang araw sa pahinga kaya binibilisan ko ang pagpoproseso at magbabasa ulit.
Hindi ko nga akalain na natapos ko na iyong libro e ang nasa isip ko lang: “Anong susunod na mangyayari”
May angking lakas si Bree at ang kaniyang mga pakikipagsapalaran sa Talung Punay.
Hindi iisang beses akong tumawa at nadala ng mga eksena sa kuwento, Buo ang kaniyang boses sa isip ko, dahil siguro marami na rin akong Bree na nakilala, Kahit malayo ang buhay namin sa isat isa may pagkakataon na habang binabasa ko ang “Ang Nawawalang Payong” dito ko nakita na may pinagsasaluhan kaming danas ni Bree na dahilan kung bakit isang oras din akong umiyak.
Sa huling kuwento kasi parang naging mas lahad ang kuwento ni Bree na hindi masyadong ipinapakita sa mga naunang kuwento, “Ang Nawawalang Kalapati” at “Ang Nawawalang Payong” ang dalawang kuwento kung saan mas nakita si Bree labas sa kaniyang pagiging receptionist sa Barangay Talung Punay, Nakita ko siya roong umiiyak, nagagalit, nagseselos, at marami pang emosyon na iba sa ikinuwento ng manunulat sa mga naunang kuwento, Kaya nang mabasa ko iyon at maiyak ako, parang bigla ay kaharap ko na lang si Bree habang nagbabasa ako, Nagflesh out siya from the book at umiiyak kaming dalawa, And I am thankful for that experience, hindi ako nagiisa sa pagluha,
Mahalaga para sa akin itong Ang Nawawala dahil unanguna kung paano binigyan karakterisasyon si Bree bilang bakla sa komunidad na kinabibilangan niya, Lampas na siya sa paglalarawan ng isteryotipong bakla sa loob ng Parlor, katulad sa pamagat ng koleksyon ng mga kuwento ni Honorio Bartolome De Dios, si Bree ay nasa Labas na ng Parlor.
Hindi na siya ikinukubli ng apat na sulok ng Parlor, nasa loob siya ng isang Barangay Hall at tumutugon sa mga problema ng kanilang Barangay na hindi karaniwang pinapansin ng mga tanod.
Pangalawang
nakikita kong kahalagahan nito ay kung paano ginamit ang konsepto ng “nawawala” o “wala” sa loob ng mga kuwento, Ang mga kuwento sa libro ay nagtatapos sa paghahanap ng hindi natin alam kung nakita ba o hindi, Sa unang kuwento nakita natin ang salarin ngunit sa mga sumunod na kuwento iba na ang ginagawang paghahanap sa mga nawawala hanggang sa dulo at ito ang gustonggusto ko.
Kung paano ginagawa ni Bree ang pagiimbestiga, Doon ako nakukuha ni Bree na sumunod sa kaniya at mamamalayan ko na lang tapos na ang kuwento, sa una magtatanong ako: “Iyon na iyon” tapos susunod kong reaksyon: “Putangina, ayun nga!” Para lang akong baliw pag nakikisali sa paghahanap ni Bree.
Kaya hindi iisang beses na pinagtinginan ako ng tao nang bitbitin ko sa labas iyong libro at basahin,
Magaganda ang lahat ng kuwento sa loob ng libro, may kaniyakaniya silang lakas, may kaniyakaniya silang ibinabahagi na kuwento, pero paborito ko talaga iyong dalawang huling kuwento.
Doon ko na kasi talaga nakita si Bree kung bakit mahilig siyang maghanap, naguugat kasi siya sa karanasan niya noong bata pa lang, ayokong magspoil pero dahil nga sa dalawang huling kuwento ay mas nakilala ko si Bree at iyon ang pinakarewarding na experience ko sa pagbabasa ng libro ang nagustuhan ko.
Lahat ng kuwento magaganda. Mas kumakapit ako sa bahagi ng pagbabasa ko kung saan mas nakilala ko ang karakter at mas tumaas ang appreciation ko sa manunulat ng buong libro ng Ang Nawawala.
Gusto kong ibahagi sa lahat ang librong ito, Kasi mas maganda nga na mabasa nila ng isang buong libro ang bawat kuwento sa loob nito, nagiging nobela ang buong kuwento sa loob ng libro pagkatapos ko ito basahin dahil nabuo ng mga kuwento ang mundo ng Talung Punay, ang bidang si Bree, ang mga side characters, at ang pakikipagsapalaran ng paghahanap sa “nawawala” deserve ng libro na ito ang Reprint.
Iyong malinis na reprint, may mga bahagi kasi ng pahina na ang mga letra ng kuwento ay dikitdikit, may minimal na typo, pero bearable naman, Narinig ko na magkakaroon ito ng sequel, excited na ako para roon, dahil iyong huling kuwento, mas naiyak din ako dahil eager akong malaman iyong salarin pero tinapos ang akda.
Kilala ko na ang may kagagawan sa huling kaso pero nandoon iyong kagustuhan ko ng resolusyon na mula sa manunulat kaya ayon, sana maituloy ang kuwento ng “Ang Nawawalang Payong” sa susunod na libro.
Masaya akong sasama muli sa pagiimbestiga ni Bree para lutasin ang pagkawala ni Deepak,
December,
Duhat, Bocaue, Bulacan,