Uncover Ang Mga Kwento Ng Mga Supot Sa Panahon Ng Kalibugan Interpreted By Aga Khan Available In Physical Edition

book with sense! Koleksyon ng mga akda mula sa mga manunulat tubong PUP, Silang mga supot pa sa larangan ng literatura, Silang mga kinukutya at inietse pwera ng mga nagpifeeling tuli ng industriya,

Masarap sigurong pakinggan ang mga hinanaing nila habang iniihian nila sa bumbunan ang mga nagaangas at nagsasabing wala silang sinasabi.



Disclaimer: Ang mga repleksyon at reaksyon sa rebyung ito ay hindi pinagisipang maigi, Ngunit nasisigurado sa inyo na ang lahat ng nakatala dito ay tunay at pawang katotohanan lamang, gt


NANTE CIAR

Nang lumapat sa aking labi ang basong ininuman n'yastars
Interesante ang kwento.
Nakulangan lang ako. Kung maiiba lang sana yung atake niya sa bandang dulo ng kwento baka mas nagmarka sa'kin 'tong kwentong 'to.


Balkonahe ng aking alaalastars
Nagustuhan ko, Napanatili niya ang punto ng pagsasalita ng laking probinsya, Buong buo ang mensahe.

Doon sa kaparanganstars
Napakagaling na naratibo mula sa pangalawa o pangatlong hindi ako sigurado perspektibo.
Nalungkot ako.

'Maria Aurora, Aurora"stars
Isang tula, Hindi ako masyadong partikular pagdating sa mga tula, basta naintindihan ko ang mensahe, Ok.

Dear Charo,stars
Maganda sana ang konsepto, pero hindi nagamit ng maayos, Puro rants, angst, problema at reklamo na wala namang binibigay na kahit anong solusyon, Naging mahina ang kwento.

Ang Poorman's University of the Philippines PUPstars
Kwento sa loob ng StateU, Malawhistleblower ang pagkukwento ng mga hinanaing at reklamo,

KawitPalakolstars
Sa hinabahaba ng kwento, Nasa dulo pa rin talaga ang pinupunto,


LENIN CARLOS

Regalostars
Stereotype, Bad.

Walang kwentastars
Sabi nila, ito ay isang walang kwentang kwento, Pero nararamdaman kong may itinatagong kwenta ang kwentong ito kaya ito ikunwento ng walang kwenta,

'Ina mostars
'Di ako masyadong nadala sa kwento/panaginip niya,


EDRICK CARRASCO

Kwentong Kantostars
Sa tingin ko, ito'y nonfiction.
Bakit naman biglang tinapos Naguumpisa pa lang eh,

Usapang lashengstars
Magaling sana siya pero nakakabitin talaga,

Chillaxstars
Gusto ko ang paraan niya ng pagiisip tungkol sa mga bagay bagay, Alam niya ang sinasabi niya,

Trese Hudasstars
Bitin na naman, Pero may pasabi na siya ngayon, Abangan.


DEKKI MORALES

Si Lumpenstars
Nangyari na rin sa akin ito.
Natuto na ko. Kinikilatis ko na munang mabuti ang mga taong nakakasalamuha ko,

Ang Encounter Na Naging Dialoguestars
Sa tingin ko, mas magiging epektibo si morales sa mga sanaysay kaysa sa pagkukwento.
Mas may sense.

Melan Cali: Ang Mga Panti At Bra Sa Aking Alaalastars
Tama siya, Medyo dramatic na erotic na comic,

Ang Paglobo Ng Sipon sa kakatawa mo, lumobo ang sipon mo!stars
Natuwa ako, pero hindi ako natawa.
Medyo mahina ang description kaya hindi maimagine ng mabuti,

Ang Mga Dapat Sisihinstars
Sa pagkakataong ito, kakampi ako sa ating mga ulirang guro.
Biktima rin sila.

Born Against!stars
Morality and religion versus erotic thinking and desire, Magandang argumento pero sa kultura natin siguradong laging lalamang ang moralidad,


EMAN NOLASCO

Isang Gabing Maulan sa Loob ng Pampasaherong Dyipstars
Madali talaga akong makuha ng mga makabagbagdamdaming drama.


Kung Paano Mangarap at Tumupad sa mga Pangarapstars
Parang ayoko na tuloy mangarap, Nakakadismaya.

Para kay Z at M Ang Dalawang Babae sa Buhay ni Estars
Isang realisasyon.
Isang totoong kwento. Isang drama na may hatid na kurot sa puso,


AGA KHAN

Ang hindi mo mabatidstars
Isang pagbabalik tanaw sa mga alaala.
Mga alaalang may hatid na aral at ligaya,

UNGAS PINAS AT MULTO VS TAO at ang kaayusan na magulostars
Kalipunan ng mga problema at reklamong kinakaharap nila sa kanilang mahal na paaralan na pinaigting ng mga simbolismo.


Isang alaalang buhay palastars
May mga problema ulit na tumutukoy naman sa bansa, May solusyon, pwede na.

Ang kahirapan ng pagkawalastars
Digs! Ganito ang tunay na may sinasabi, Totoong argumento na nagpapatibay sa lahat ng kanyang mga kataga,


ELVIN "ALMIGHTY" RILLO

Hindi ako Malibog!stars
Nakakabilib na naikonekta niya ang kalibugan sa iba't ibang isyu ng lipunan gaya ng kahirapan.


Tindahan ni Mommy Nitzstars
Tapos na sa gobyerno Sa mga walang awang mga kapitalista naman.


Dear Ms. FB,stars
Marunong din palang umibig ang mga taong ito, Anu nga pala ang DTNL

Sa Bahay na Pulastars
Sa totoo lang walang dating ang kwento.
Medyo nagustuhan ko lang ang istilo niya, Napapaisip talaga ako sa simula kung sino ang nagkukwento at kung sino ang kinukwento,




Sa kabuuan, mas mukhang naging nonfiction ang kalakhan ng libro, Karamihan ay mga personal at pinepersonal na sanaysay at kwento, Sa tingin ko, malalim talaga ang pinaghuhugutan ng kanilang mga opinyon, Malaki ang disappointment nila sa kanilang sariling mga institusyon, sa estado, sa gobyerno, sa pulitika, maging sa mga pribadong kumpanya.
Lahat sila may sinasabi. Lahat sila may gustong iparating, Mahirap tanggapin.



N'ung una kong makita ang libro na 'to, sabi ko ay "liberated" 'ata ang nilalaman.
Pero my hunch wasn't right, nakakatuwa dahil nakakarelate ako sa ibang parte ng kwento, lalo na 'pag may kinalaman sa aktibismo, hehehe.
Magandang libro! Maganda ang layunin ng libro, yun lamang, Tingin ko lang medyo kulang sa laman, Pero may ilan rin akong nagustuhan, Nagustuhan ko ng bongga ang kwento ng mga SUPOT! nakakaLBOG




Ito na ba ang prosa ng aking pagibig
ikaw ang dagat,
ako naman ang lawa,
bagamat magkalayo,
andiyan naman ang ilog para pagdugtungin tayo
Hayaan nating magsalubong ang ating mga tubig,
para uminog sa natural ang samyo ko,
iibabaw ang musika ng talaga, para maging isa tayo.

Sasadyukin mo ang isdang alat
ako naman ang sa tabang,
idadarang natin sa apoy para pagsaluhan ang mainit na laman.


excerpt from “Nang Lumapit sa aking labi ang basong ininuman nya"
Tapos ko na! Maganda naman ang librong ito.
Mas nakakaaliw kaysa sa nakakagalit, Mas nakakatawa kaysa sa nakakalibog, Hindi bastos 'wag ka lang magpakaprude,

May naghambing ng aklat na ito sa sitelinkMga Agos Sa Disyertona lumabas noong.
Ang sumunod na sinasabing bagong Agos ay ang sitelinkSigwa Isang Antolohiya ng Maiikling Kuwento tbr na sinulat noong panahon ng First Quarter Storm na naganap bago at matapos ideklara ang Batas Militar Martial Law noong.


Ngayon ayat angkabataang ito na pawang mga magaaral ng PUP Pangmahirap na University of the Philippines o Polytechnic University of the Philippines ay nagsasamasama ng talino't salapi upang maipaself publish ang aklat na ito.


Pero, sorry boys, angat pa rin sa inyo ang Agos, Pero konti na lang,star away from Agos. Kung sabagay may sarili kayong istilo at di naman magandang copy cut lang kayo ng Agos boys, Pero konting hasa pa siguro,

NANTE CIAR

Nang lumapat sa aking labi ang basong ininuman niya.
STARS
Simple pero naroon ang katutubong talento ni Nante Ciar sa pagsusulat sa Filipino, Nagustuhan ko yong idea na ang basong ininuman ay parang paghalik na rin sa kanyang minamahal,

Balkonahe ng aking alaala, STARS
Alaala iniwan ng isang ama sa isang anak: ang bahay, ang balag ang balkonahe, Bittersweet memories. Nakapagpaalaala sa akin ng mga alaala ng aking yumaong ama,

Doon sa kaparangan, STARS
Metaporya ng mga ginagamit sa paa para sa nawaglit na kasintahan, Maayos ang pagkakakuwentong hinati sa tatlong bahagi,

Maria Aurora, Aurora, STARS
Tulang puwedeng patungkol sa mga Amerikano o mga mangangalakal na nagtakeadvantage sa natural resources ng bansa.
Maayos ang pagkakabalangas ng mga taludtod, Kaso, parang pangkaraniwan.

Dear Charo, STAR
Pulos angst, Pag sunudsunod mong babasahin ang mga akda rito ni Nante Ciar, parang J, D. Salingerwannabe ang gusto nyang palabasin, May kuwento, oo. Pero parang labis na ang paghahalo ng teenage angst at namumulaklak ang pagmumura ng mga characters.
Di ako natutuwa. Okay lang kung paminsanminsan. Pag labis ay nawawala ang impact,

Ang Poorman's University of the Philippines PUP, STARS
Maganda sana yong title, Natawa pa nga ako. Kasi ang mga kakilala ko sa U, P. Diliman, hindi naman talaga mahihirap na tao, Ang mga kakilala kong mga tagaPUP ay matatalino kahit mahirap o talagang ubod ng hirap, Alam ko, dahil ang wife ko ay graduate sa paaralang iyan at noong panahong nasa kolehiyo siya ay di mangkadaugaga sa pagpapaaral sa kanilang tatlo ng mga kapatid niya ang kanilang mga magulang na kapwa mga guro.


LENIN CARLOS

Regalo, STARS
Kung may sasabihing pangAgos ang dating ng kuwento, Ito na ang una. Mahusay ang pagkakalahad. Parang si Madriaga ng Mga Kuko ng Liwanag ang bida rito dahil tagaprobinsiya na sa unang gabi pa lang sa Maynila na papasok sanang piyon sa konstraksyon ay nasabit agad sa isang krimen.
Hindi na bago ang kuwento pero ramdam mo sa puso ang emosyon ng bidang probinsiyano,

Walang kwenta, STARS
Kagaya ng titulo, wala nga! Pinagdiinan pa, Pero maganda pa rin ang pagkakasulat, Malaya at matapat. Matapat kasi sinasabi lang nya yong totoo: minsan ang buhay ng isang kabataang sabog ang utak, wala talagang kwenta.
Kaso, ganoon talaga yon eh, Dumadaan tayong lahat doon. May kaibigan akongy/o kung anuano rin ang sinasabi sa FB,

'Ina Mo, STARS
Panaghinip lang, Walang pinagkaiba kay Alice in Wonderland, Pero kagaya ng akdang iyan ni Lewis Caroll, yong adventures in this case, yong panaghinip ang may katuturan.
Kaya okay rin lang ito, Nagsimulang malaki ang potential ng pagsusulat nitong si Lenin Carlos base doon sa, pero parang flashinthepan, dahil walang laman halos itong dalawang mga sumunod.


EDRICK CARRASCO

Kwentong Kanto, STARS
Emote emote lang, Parang kaibigan lang na sinabihan mong magkuwento habang nagdradrive ka at dahil ayaw mo syang makatulog, dahil makakatulog ka rin, bumirit.
Kung anuanong kababalaghan na nakakagising naman binasa ko ngayong umaga, pero parang pangTV patrol, Yong newsworthy pero pag galing sa kaibigan mo, na hearsays kumbaga, nakakaaliw pero itatanong mo sa sarili mo: ows

Usapang Lasheng.
STARS
Parang may alam itong si Edrick Carrasco sa politika at ekonomiya ng bansa, Kumpleto ang mga datos niya sa economic indicators, Maikli pero malalim na himutok ng isang kabataan sa nangyayari sa politika at ekonomiya ng bansa,

Chillax. STARS
Kung angay himutok, dito sa Chillax, ang nagoffer ng solusyong si Edrick Carrasco para sa problema ng bansa: pagkakaisa.
Motherhood statement. Pero dahil galing sa isang kabataan, maganda na ring simula dahil sila ang pagasa ng bayan, Sila ang mga susunod na tatanda at magiging mga politiko, mayor, senador o presidente, O bakit Puwede itong si Edrick Carrasco,

Trese Hudas, STARS
Maganda sana, Kaya lang nga, ayon na rin kay Carrasco, bitin, Sobra. Fantasy at adventure ang kuwento tapos biglang binitin, Pero may nabuo na rin kahit paano, Kumbaga, may potential na kwentista at nobelista at komentator itong si Edrick Carrasco, Wasak.

DEKKI MORALES

Si Lumpen, STARS
Ha! Ha! Ha! Napaglalangan ako ng kuwentong ito, Hanep sa tirada itong si Morales, Parang pangBulgar na may finesse, tapos yong revelation doon sa dulo ang nakakatawa, May twist kasi doon sa binatilyo na may makapal na polbo, Naalaala ko ang mga kaibigan kong lalaki sa Goodreads na mahilig magpolbo, Yon na.

Ang
Uncover Ang Mga Kwento Ng Mga Supot Sa Panahon Ng Kalibugan Interpreted By Aga Khan  Available In Physical Edition
Encounter na Naging Dialogue,
STARS
O yan na, Maystar na kuwento dito sa antolohiyang ito, Halos binasa ko pa ito ng dalawang beses para lang masigurong tama naang rating ko na ang ibig sabihin sa Goodreads ay "It's Amazing.
"
Nakakamanghang nagkalalim ang maikling kuwento na nangyari sa loob ng dyip mula sa Maynila hanggang sa Frisco.
Parang biyahe ko lang noong nagaaral pa ako sa kolehiyo noong kabataan ko, Tapos, punungpuno ng aral sa Pilosopiya at Realismo ang paguusap, Meron akong isang gustong isipi p,:

"Luho kaya ang magbasa ng libro sa Pilipinas, Gawain lang yun ng mga hindi naghihirap, Sapagkat mas kailangan ng bansa natin ng pagkain, gamot at pabahay, paano ka pa bibili ng libro para magbasa At kung makabili na, may sapat na oras bang mailalaan para makapagbasa pagkatapos ng maghapong trabaho Naisip ko 'to kasi ako ma'y nagluluho rin kahit hindi naman kaya.
Para sa aming nagtuturo na kailangan ding laging magbasa, saan kami kukuha nang babasahin kung walang libro yung mismong eskwela Kaya nga minsan, yung kakarampot na ibinabayad sa amin na ipangkakain na lang sana namin o ipangiinom ay napupunta pa sa libro.
"
Sakto sa mga miyembro ng book clubs na bili nang bili ng librong di naman nababasa.
Hoy, baka gusto mong magdonate ng libro o pera sa mga di makabili dahil walang pambili! Tumigil na sa pagbili at idonate ang pera sa charity o libraries.


Melan Cali: Ang Mga Panti at Bra sa Aking Alaala, STARS
Three ito,sana kaso maganda ang title, Melancholy ay ang paramdaming pagalaala sa mga nakaraan, Ito ay kuwento ng isang lalaking dating labandero ng isang pamilya at pinalalabhan sa kanya ang mga underwear kasama na ang mga panty at bra.
Nakakatuwa yong pagsusing pagdedescribe ng mga nakasampay na mga panty at bra,

Ang Paglobo ng Sipon sa katatawa mo, lumobo ang sipon mo!, STARS
Hindi ako natawa kasi nga, bakit hindi isinga, Ayon, nagpatawa ang magaling na professor, at natawa ang may sipong babae, so lumobo! Anong nakakatawa roon Nakakahiya.
Pero ang mga ganitong pangyayari, nakakatawa dahil wapoise moment pag mga kabataan na ang naguusap, Yan ang buhay nila eh, Umiinog sa loob ng classrooms,

Ang Mga Dapat Sisihin, STARS
Nakabakulong ang "Mga" dahil sa umpisa ay parang nagtuturuan pointing fingers kung sino ba ang may kasalanan kung bakit parang pamahal nang pamahal ang tuition fee sa PUP pero ang quality ng education ay lalo namang nagiging pangit.
Imagine na sa PUP,ang normal class size, Sabi nga ni Dekki Morales, sa ibang schools, forum na yon, Sa PUP dapat may microphone ang titser kapag naglelecture,

Isang Tsismis sa Klasrum, STARS
Natawa ako rito, Sobrang kulit lang ni Dekki Morales, Tinalo pa ang mga akda ni Eros Atalia sa paglalarawan kung paano tumatakbo ang utak ng isang tinedyer na lalaking nasa kolehiyo.
Nakakatuwa ang salitang "Tangina this" at ang paglipad ng pustiso ng titser, Wala lang.

Born Against!, STARS
Ito ang pinakabastos so far na kuwento sa antolohiyang ito pero hindi ako naoffend, Parang normal lang at walang intensyon na magtitillate ang kuwento bagkus para ipakita kung ano ang normal sa lalaki sa ganoong edad.
Hindi ko alam kung paanong maraming binanggit na etits, petwak, magbate, atbp, rito pero natuwa lang ako, Siguro dahil natuwa ako sa mga unang kuwento niya na walang kabastusan at nang mabasa ko ito, naisip kong gumigimik lang siya.


EMAN NOLASCO

Isang Gabing Maulan sa Loob ng Pampasaherong Dyip Marikina via KalungkutanSTARS
Pangalawang kuwento rito sa antolohiyang ito na totoong naimpress ako.
Amazing sa pagkakahabi ng kuwento, Simpleng tagpo: isang dyip ulit, Tapos may nagdrama isang ina, Naawa ang mga pasahero. Hindi nagawang magbigay ng narrator dahil eksakto lang ang pera niyang pamasahe, Nagreason out na lang na kasya na siguro ang ibinigay ng ibang naawang pasahero, Parang tayo lang. Madalas ganoon. Ito yong tinatawag ni Ella na "may kurot" pero di patungkol sa pagibig na kanyang paborito,

Kung Paano Mangarap at Tumupad sa Mga PangarapSTARS
Ngayon lang ako nakabasa nito.
Apat na taong kabitkabit ang pangarap, Tapos babalikan matapos ang ilang taon, Aalamin kung natupad ang mga pangarap, Maganda ang ideya. Kakaiba. Konti lang nga ang laman, Parang bitin. Pero naroon ang ganda at kita ang talino ni Eman Nolasco bilang manunulat dito,

Para Kay Z at M Ang Dalawang Babae sa Buhay ni ESTARS
MalaWilwayco ang kuwento.
O mas matapang pang Lualhati Bautista, Tungkol sa isang magasawa na kasapi ng kilusan, Hindi bago ang kuwento dahil may Wilwayco at Bautista na pero dahil hindi naman kilala si Eman Nolasco unang pagkakataong mabasa ko siya, kahit paano nakakaimpress na rin lalong lalo na't may sangkap ito ng musikang popular sa kabataan ngayon.


AGA KHAN

Ang Hindi Mo Mabatid, STARS
Simpleng paggunita ng isang naglalahad tungkol sa mga nakaraan, Nakarelate ako dahil ang namimiss niya ay ang kanilang baryo at ang kanyang yumaong ama,

UngasPinas at Multo vs Tao at ang kaayusan na magulo, STARS
Naganda ang intensyon ng sanaysay dahil inimumulat nito ang mga taong hindi alam ang dahilan ng kanilang kahirapan o ang mga taong huminto na ang pagtatanong o pagtataka kung bakit nangyayari ang mga kabulukan sa paligid.
Una'y akala ko ang Ungas ay ang mga nangangasiwa ng PUP pero kalaunan ay ito pala ay mismong ang pamahalaan na ng Pilipinas ang binabanatan.
Mapaano man, mapaalinman, nagustuhan ko ito,

Isang Alaalang Buhay Pala, STARS
Ang paglilimilimi at gunamgunam ng isang umiinom ng kape, Ganoon pa rin. Parang yonglang. Puro reklamo ng isang naghihikahos sa buhay, Medyo nauulit lang ang mga hinaing at parang gusto lang pumosisyong makamahirap, Hindi ko alam ang tunay na pagkatao ni Aga Khan pero giving the benefit of the doubt, resonable naman ang sinasabi niya.
Pero yon nga, sana bukal sa loob nya ang mga banat niya sa mayayaman at gobyerno,

Ang Kahirapan ng Pagkawala, STAR
Tuloy lang ang mga hinaing ng isang mahirap, Hindi ako mayaman. Di ko rin tinuturing na ako ay sobrang hirap, Siguro'y middleclass ako kasi nakakabili ako ng libro luho sabi ni Dekki Morales, Kaso, ang banat ni Aga Khan ay tipong lahat ng mayaman ay masasamang tao at lahat ng mahihirap ay inaapi.
Galing din ako sa pamilyang hirap talaga sa buhay, Sardinas madalas ang ulam namin noon atlang ang pantalon ko noong pumasok ako ng first year college.
Pero at least may sardinas at may pantalon at may pangtuition kaming apat na magkakapatid, Nagpursigi kaming makatapos lahat upang makaalis sa kahirapan, Nainggit din sa mayayaman kong pinsan pero ni minsan di ko inisip na masasamang tao sila, Yon lang. Para kasing may generalization dito ang sumulat, Naging black and white. Stereotyping. Marami akong kilalang mayayaman na hindi matapobre o mahihirap na talagang pabaya sa buhay at umaasa ng doleouts.
Peace, Aga Khan.

ELVIN "ALMIGHTY" RILLO

Hindi Ako Malibog!STARS
Nakakatawa lang.
Puwedeng puwedeng magsulat ng erotika itong si Elvin Rillo, Pangalmighty lang talaga!

Tindahan ni Mommy Nitz, STARS
Binabanatan ang mga gumagawa ng mga tingging produkto, Ginagawa raw ito upang tuloy ang mga mahihirap sa pagbili ng produkto nila at magpatuloy ang kahirapan,

Dear Ms, FB. STARS
Love letter, Cute. Parang nanggagaling sa puso. Ramdam mo ang sinseridad. Galing.

Sa Bahay na Pula, STARS
Mahusay na pagkakalahad, Kahit maikling lang, maraming tauhan pero maayos na naipakita ang mga tagpo, Walang sinayang na salita. Pinagisipan ang plot at nakakagulat ang ending, Tama lang na ito ang naging huling kuwento dahil nakapagiwan ng ngiti sa mukha ko, At least.

ALVIN TENEDERO

Ang Kuwento sa Likod ngnd Edition.
STARS
Ganda ng background, Nakakabilib na naisip ito ng mga estudiyante ng PUP upang buhayin ang creative writing sa PUP, Yong picture na isa ni Alvin Tenedero, walang tinago! Talagang supot!!!

About the Authors WHO ARE DEAD.
STARS
Nakakaaliw ang mga writers' profiles, Kakaiba. Sa sobrang patawa, parang nakakaintrigang mameet ang mga ito, Sino kaya ang tatay ni Lenin Carlos sa mga manunulat sa "Mga Agos sa Disyerto" Kaya ba parang pamilyar ang "Regalo"

Sa kabuuan, nagustuhan ko ang antolohiyang ito.
Well done, PUP boys! Husay ninyo! Saan makakabili ng Partnito Ang sitelinkOxymoron Wala akong nakita sa Bookay Ukay noong binili ko angnd edition ng librong ito.
.