Snag Your Copy Si Janus Sílang At Ang Hiwagang May Dalawang Mukha (Janus Sílang, #4) Formulated By Edgar Calabia Samar File Format Electronic Format

sakit naman sa puso nito ang daming namatay na di mo aasahan, Haay. Pero anong nangyari kina Renzo at Janus Ang confusing pa ng ending, Kailan po release ngth book Grabeeeeee Ngayon ko lang natapos ang Book, Excited na ako para sa huling aklat ng Janus Silang series, Adrenaline rush ang dulot sa akin ng aklat na ito, Solid. Wala akong masabi, grabe. Hindi ko na alam kay Sir Egay kung galit s'ya sa mga readers n'ya o kung ano, Sobrang nahiya ang Fairytail sa daming redacted sa librong ito, Hahaha! Pero kahangahanga rin ang tapang ni Sir Egay sa pagsulat n'on ha, Yun lang, masakit s'ya sa puso,

Sobrang bangis pa rin ng series na 'to, ng ikaapat na book na ito ng Janus Silang, Gustonggusto ko ang aksyon at epic fight scenes, ang paghubog sa mga characters, ang pagpapaalala na ang Janus Silang ay fusion ng mitolohiya, kasaysayan, at teknolohiya at ang di paglimot sa kalungkutan, sa mga emosyon na dapat alalahanin at nagsisilbing inspirasyon para magpatuloy.


As usual, ang dami pa ring twists at revelations lalo na sa main plot ng serye at mga tauhan, Di ka talaga makakapaghanda sa kung ano'ng pasabog ang ilalapag sa'yo ng Janus Silang, Hindi pa naubos ang bala ni Sir Egay sa book, marami pa s'yang stock dito, Hahaha. Mahirap na lang magkwento at spoiler,

Basta, walang tapon sa Janus Silang, Plotwise at characterwise, lahat pinagisipang mabuti, Kahit nga 'yung minor/minute details, nakakabilib at nakakapagpaisip, paano pa yung mga major events You're all in for a treat, Ihanda lang ang isip, lalo na ang puso sa mga nangyayari, Hindi ko na alam kung ano pa ang masasabi ko ukol sa nobelang ito, Mas nahihigitan ng bawat serye ang nauna rito, At ngayon, mas nahigitan ng ikaapat na bahagi ang ikatlo sa lagim, sa lalim, sa dilim, sa sorpresa, sa pighati sa lahat na.


Ang nais ko na lamang ay mabasa ang ikalima at huling bahagi ng seryeng ito at malaman na ang tadhanang kakaharapin ng santinakpan.
whyyyy Hindi natagpuan nina Janus ang katawan ni Renzo sa Paanan ng Bundok Banog,

Bumalik sila sa Angono para hanapin ang puwang ng mga wala na, at para hanapin ang sagot sa mga naroongtanong: Ano na ang nangyayari kina Manong Joey sa Kalibutan Wala na bang nakakita kay Boss Serj mua noong Pasko Bakit parang nanghihina ang mangindusa ni Janus

At higit sa lahat, nasaan ba talaga si Tala SIR EDGAR CALABIA SAMAR, PWEDE BA TAYO MAGUSAP HINDI NA AKO NATUTUWA.


Ako yung pagod na pagod habang nagbabasa, Nung natapos ko parang gusto ko bigyan ngpara makaganti, Kapanapanabik ang BookNagtagumpay ang libro na magsilbing libro bago ang huling bahagi ng seryenobela,

Una, tensyonado ang mambabasa, Isa lang ang ibig sabihin, mahusay ang pagkakalahad ng climax na manunulay pa sa huling yugto ng serye lalo na't nagpakita na "Siya".
Ngunit nakakahinga rin naman ang mambabasa, Dahil kahit na napakabigat ng sitwasyon, may light moments, Nahighlight ito ng pagkakabanggit sa ugali ng mga tao na kahit lugmok na sa napakahirap na sitwasyon, pinipilit pa ring pagaanin ito.
Kaya nga roller coaster ito ng emosyontakot, tensyon, saya, galit, pagkadismaya, lungkot, at pananabik sa susunod na mangyayari,

Pangalawa, kagimbalgimbal na naman ang mga rebelasyon, Ito yung pinakaaabangan at pinakahahangaan ko talaga sa serye, Ang hiwaga. Ang pagtuklas sa hiwaga dahil para kang nakakatagpo ng mga bagong kwento sa kasaysayan ng mitolohiyang Filipino, Mahusay talaga ang retelling. At akmangakma pa rin sa internal logic ng kwento, Bumubuo ang awtor ng mundong hindi kanya, dahil buhat din naman ang mga nilalang sa loob ng kwento sa mitolohiyang Filipino, ngunit inaangkin din niya dahil sa kanyang pagdaragdag ng kanilang alternatibong kasaysayan, pagpapalalim sa dahilan ng kanilang pagiral at pagpapalawak pa sa mundong kanilang ginagalawan.
Hanggang umabot na nga sa iba't ibang dimensyon, panahon, at yugto ng pagkakalikha ng mga mundo sa uniberso o Santinakpan, Ang kapangyarihan nga naman ng panitikan,

Pangatlo, mahusay ang paraan ng pagkukubli ng awtor ng mga hiwagang nagsisilbing palaisipan sa mga mambabasa,
Snag Your Copy Si Janus Sílang At Ang Hiwagang May Dalawang Mukha (Janus Sílang, #4) Formulated By Edgar Calabia Samar File Format Electronic Format
Nagaabang ang mga mambabasa sa mga rebelasyon habang lumilikha rin ng mga haka o teorya, Parag nababarang lang ang mga mambabasa kung nabibigo man sila sa pagpapatotoo ng kanilang teorya, Parang naililigaw din sila ng Tiyanak, Patongpatong at sulpot nang sulpot ang mga bagong palaisipan na nagpapatindi pa sa hiwaga ng kwento, Kung magkakamali man ang mambabasa sa mga inaakala niya, tanda na mahusay talaga ang pagkakabuo ng kwento, May haka ako noon na baka hindi naman talaga isang humihingang nilalang si Tala, Na isa lang siyang sandata sa ibang anyo, May haka rin ako na baka magkaugnay o magkadugtong ang "Janus Silang" at "Kasaysayan Ng Kalibutan" na siniserialized ngayon sa Liwayway dahil sa tagpuan ng dalawang kwento, sa pagkakabanggit ng pangalan ng isang karakter na nabasa ko rin sa JS at KNK, at ang pagkakabanggit din sa kaluluwa.
Hindi ko alam kung parallel story, sequel o prequel ito ng JS,

Basta, isa talaga itong serye nobelang may astig at matingkad na kwento, Kailangang mabasa ito ng marami pang Pilipino, Hindi na ako makapaghintay sa huling bahagi ng serye,

Parating na siya, Kung anuman ang direktang translasyon ng 'MIND BLOWING' sa wikang Filipino, iyon ang definisyon ng ikaapat na libro sa Janus Silang serye ni Sir Edgar.


Wasak. Iiwanan ka ng Si Janus Silang at ang Hiwagang may Dalawang Mukha na wasak, uhaw, at naghihingalo, Nakakainis 'no Kung bakit naiinis ka sa mga nangyari dahil parang nagtatapos na ang lahat kahit nasa simula pa lang talaga tayo ng katapusan.
Wasak.

Pinakagusto kong elemento sa ikaapat na librong ito ang umaapaw na emotional content, Babala: h' wag masyadong mahalin ang isang karakter dahil iiwan ka rin lang nito, Napakaraming pangyayari sa katapusan ng librong ito na talaga namang sunod sunod ang mararamdaman mong inis at galit at lungkot dahil, . . Pero talaga namang hindi matatawaran ang husay ng pagkakahabi ng kwento sa seryeng ito at eto na nga, nasa paghihintay na naman tayo para sa huling libro na bubuo sa kwento ng paborito nating bida.


Ayokong magdrop ng kung anumang spoiler sa review kong ito pero WASAK talaga, Literal na mawawasak ka bago mo matapos ang ikaapat na libro, Alam kong hindi masyadong malinaw ang mga puntong pinupuntirya ko rito pero ganun talaga, hindi masyadong makapag isip ang utak kapag halohalo ang emosyon nararamdaman.


RATING: Limang sinag Walang palya si sir Egay pagdating sa paglalaro ng emosyon ng mga mambabasa niya, Ilang beses akong napamura, naawa, nandiri, nainis, nanlumo, at mangilanngilan ding pagtawa sa bawat sumusunod na pangyayari, At para bang nasasanay na rin akong magisip na may mangyayari na namang masama sa susunod ng pahina, Talagang pipigain ng librong ito ang pagasa mong may mangyaring maganda,

Kung ano ang tindi ng mga eksena sa pangatlong libro, parang kurot lang ang mga iyon kumpara sa mga naganap dito sa ikaapat.
Walang tapon ang bawat eksena at kabanata, at mas lalong lumalala ang mga pangyayari, lumalala sa paraang dumarami rin ang mga katanungan na tipong bookna lang ang hinihintay, HAHA!.